Breaking into pieces 1.2

27.8K 188 113
                                    

So ito na po yung part two ng Breaking into pieces. Pinaghiwalay ko lang talaga sila. Wahaha.

CAUTION: HEART BREAKING SCENE

~Lyn

-----------------------------------------------------------------

Katie's POV

Pak! Pak! Pak!

"Ahahahahaha."

"Ahahaha...tama na ate. Pagod na ako eh."

"Ako din eh. Ahaha. Pero ang saya lang talaga ngayon."

Pareho kaming napabagsak ni Karla sa kama ko. Kanina pa kasi kami naghaharutan at nagtatakbuhan dito sa kwarto ko.

Wala lang, trip lang namin. Actually ako nagsimula nito, ewan, feel ko lang. Parang feeling ko kasi walang bukas. Ahaha. OA ko, lol.

Eh kasi naman hanggang ngayon ang saya-saya ko dahil sa nangyari sa birthday ko kahapon. Ahaha. Ako na! Me so happpppppppppppy!

~You've got a message~

Woiii! Message daw!

"Wait lang Karly ha."

"Wokay!"

Tumayo na ako papunta sa salas ng kwarto ko. Dun ko kasi naiwan ang cellphone ko. Si Karla naman nandun pa din sa mismong kwarto ko nagkakalkal ng gamit ko.

Binuksan ko yung cellphone ko... from..... Val??? Anong kailangan nito ngayon?

Binuksan ko yung message.

From: Sissy Val

Hi sis, mind to meet me at the park? I'll wait for you here.

Saang park naman kaya toh?

"Sino yan ate?" bigla-biglang sulpot ni Karla.

"Si Val..."

"Anong sabi?"

"Ayan oh! Basa-basa din!" at iniharap ko sa kanya yung cellphone ko na may laman pa ng message ni Val.

"Uiiii! Sama ako! Dali tara na!" hinahatak-hatak nya pa ako pero  para akong naistatwa sa kinatatayuan ko.

"Everything is all right, ok? No need to worry. I won't let anyone hurt you."

"Sorry for what I did... and for what I will still do."

Parang biglang nag-echo yung boses ni Renz sa utak ko. Hindi ko alam kung bakit. Pero bigla akong kinabahan.

"Ate! Tara na--- Ayos ka lang?" tanong sakin ni Karla.

Umiling ako, tanda na hindi ako ayos. Hindi ko naman kailangan magtago kay Karla, sya ang sister and bestfriend ko at the same time.

"Bakit? Anong nangyari?" Nagaalalang tanong nya.

"Natatakot ako Karla... p-pano kung...kung---" pinutol nya na ang sasbaihin ko, alam nya na kung anong ibig kong sabihin.

"Shh! Paranoid ka nanaman dyan! Halika na. Sasamahan naman kita." pagsisiguro nya sakin.

-----------------------------------------------

Third Person's POV

                Unang pinuntahan nila ang park ng subdivision kung saan sila nakatira. At hindi nga sila nagkamali ng park na pinuntahan.

Dahil nandito nga si Valyn...

kasama si Renz.

             "Karla... ayoko ng tumuloy." nagpupumiglas na si Katie sa hawak ni Karla sa kanya. Nasasaktan sya sa nakikita nya.

DayDreaming (completed)Where stories live. Discover now