"Tatanggapin ko na yang pag-iyak mo ay tears of joy.Nagustuhan mo ba ang ginawa ko sayo? At dami kong kinasabwat para lang makapunta ka dito." Napatingin ako kay eycee.

"Ikaw lahat gumawa nito?"

"Oo, supresa ko toh para sayo.eto na ang last wish ko para sa atin, ang matupad ko ang ipinangako ko sayo."

"Pero bakit dito pa eycee? Bakit ngayon pa?" Pinunasan niya ang luha ko.

"Sinadya ko ang lahat Chummy, sinadya ko talaga para maalala mo si Tofer. Kailan ko lang nalaman na wala na pala siya. Im sorry, kasalanan ko ang lahat. Kaya gusto ko bumawi sayo, kahit sa ngayon araw na toh mapasaya kita at makabawi sa lahat." Napaiyak na ko ng sobra sa sinabi ni eycee, niyakap ko siya.

"Ang sama mo." Tapos narinig ko lang siya tumawa.

"Mukhang di magbabago yun chummy."  Hinalikan niya lang ako sa noo.

"Pinaasa mo lang ako eycee, akala ko si Tofer na yung kanina." Pinunasan niya lang ulit ang luha ko at hinawakan niya ang kamay ko.

"Chummy, salamat dahil hindi mo pinalaglag ang anak natin na si eyzia." Napatigil ako sakanya at hinanap ko kaagad si eyzia sa paligid. At nakita ko hawak siya ng isang babae.

"Siya ba yung sinasabi mo sa akin?" Nakangiti kong tanong sakanya.

"Siya si eunice mendoza, ang babaeng handang maghintay sa akin.At alam ko siya din ang magpapabago sa akin." Napangiti ako ng tuluyan sa sinabi ni eycee. Napatingin ako ulit kay eunice, at nginitian ko siya ganun din ang ginawa niya.

"Sana maging masaya ka sakanya at mahalin ka." Napatingin si eycee kay eunice.

"Sana siya na yung masasabi kong the one..."

"Im happy for you eycee." Tumingin ulit sa akin si eycee.

"Magiging masaya ka din Chummy. Alam ko hanggang ngayon masakit pa rin ang lahat ng ginawa ko sayo, pero alam ko dadating din ang oras na magiging maayos ang lahat.Dadating din ang oras na mapapatawad mo din ako." Napabuntong hininga ako sa sinabi ni eycee.

"eto ba ang wedding vow mo sa akin eycee? Hahaha." Pabiro kong sabi.

"Mukhang eto na yata? Ito na din ang ating closure." Tapos may sinuot siya sa aking bracelet.[A/n: click for the external link para makita niyo yung bracelet]

"Gummy bear bracelet?"

"Nang dahil sa akin naadik ka din sa gummy bear. Naalala mo ba na lagi natin toh kinakain sa bahay namin? Tapos eto din yung magpapatahan sayo pag-umiiyak ka. At para lang mapapayag ka sa isang deal, gummy bear lang kapalit. Ganun ka kababaw dati chummy, at sana ngayon nagawa ko na ang pagkukulang ko sayo dati. Thank you for loving me , thank you for everything Fajuzia. "  Napatitig ako sa mata ni eycee, alam ko ngayon na punong-puno siya ng saya.

"Thank you for everything eycee." At niyakap ko lang siya, tapos narinig kong pumalakpak sila.

                Sa totoo lang ngayong araw na toh, umasa akong makikita ko siya ulit pero kahit ganoon naging masaya naman ako sa tulong ni eycee at mga iba pang taong mahalaga sa akin. 

                At kung dumating araw na namimiss ko si Tofer alam ko lagi siya nasa tabi ko para alagaan ako. Naalala ko ang sinabi niya sa akin noon na  "Hanggang sa huli kong hinga ikaw lang ang mamahalin ko..." 

                Habang buhay ko yun panghahawakan Tofer. Hinding-hindi ko kakalimutan ang pagmamahal mo sa akin. ♥

======================================

Vote.Comment.Follow.

(c)AKOSICRAZYGIRL ♥ :''> :*

Ang Asawa Kong Bading [COMPLETE]Where stories live. Discover now