Chapter 28:

2.2K 49 3
                                    

        Hi! Tiiben, thank you sa vote at pagcomment mo :''> I really appreciate it. Waaa!! Thank you talaga, take care. Godbless~ ♥  At dahil dyan I dedicate this chapter for you :*

Chapter 28:

        POV OF FAJUZIA:

"Saan niyo ba ko dadalhin?" Matamlay kong tanong, nandito ako sa isang police car at may kasama akong dalawang pulis. Sa pagkakatanda ko sila din ata yung pulis na kumuha sa akin noon yung nagpropose si Tofer noon.

"Sa presinto namin malamang." Pilosopong sagot ng pulis sa akin.

"At anong klaseng presinto naman yun? Baka mamaya isang mabuhangin na lugar nanaman yun." Bigla silang tumawa.

"Iba na ngayon, madami na po ang nagbago sa tingin niyo po ba mauulit pa po yun?" Bigla ako natahimik sa sinabi ng isang pulis. Tama naman siya, mauulit pa ba kaya yun? Sa tingin ko ba mabubuhay si Tofer? Mukhang malabo.

"Matagal pa ba?" Nakakainip na kasi kanina pa kami nabyahe, tsaka naguguluhan na ako sa mga nangyayari ngayon.

"Nandito na tayo." Tapos inalis ni mamang pulis ang posas ko at yung isang pulis naman ay binuksan ang pinto at inalalayan ako sa pagbaba. Teka?eto yung simbahan kung saan kami nagpakasal ni Tofer ha. Tumingin ako sa dalawang pulis na nakangiti sa akin.

"Wala po kaming alam maam, napag-utusan lang kami." Depensa ng isang pulis.

"Sumusunod lang po kami." Pangiting sabi ng isa, tiningnan ko lang sila ng masama at nakipagtitigan din sila ng masama. Ayos din tong mga pulis na ito e? Parang mga abnormal, hindi pala parang. Abnormal talaga. Kaya inirapan ko na lang sila at pumasok ako sa loob ng simbahan.

        At ano toh? Sa bawat paglakad ko may mga batang nag-aabot sa akin ng iba't-ibang kulay ng rosas.Ano bang meron? Tapos biglang tumugtog ang I do. Ang wedding song namin ni Tofer.Napatingin ako sa kumakanta sa taas, si Mikaela yun ah. Ang kapatid ko, nagulat ako ng biglang may mga pumapasok na tao. Sila Sheena, Jenna, Harry, Key, Mikka, Hannah at Irish, nagtataka talaga ako sa mga nangyayari, bakit lahat sila nakaputi ngayon? Ano bang meron, lalapitan ko sana sila ng bigla may humawak sa kamay ko.

"Mommy, daddy.." Ano na ba talaga ang nangyayari, nakangiti lang sila sa akin. At napasunod na lang ako sa ginawa naglakad kami hanggang makarating ako sa altar at hawak-hawak ko pa rin ang bulaklak na bigay sa akin ng mga bata. Nagulat ako ng biglang naging madilim ang simbahan pero patuloy ko paring naririnig yung pagkanta ni Mikaela.

"If you're asking me do I love you this much, baby I do~" Kinilabutan ako, alam ko boses ni Tofer ang narinig ko. Siya ang bumulong sa akin, Tofer....        

        Pero biglang umilaw ang simbahan,at ngayon ko lang napansin na ang ganda ng dekorasyon dito.Nagulat ako na makita ko sila Tito Tristan at ang asawa niya. Nakita ko din si Lolo Rey at ang huli ang di ko aasahan na makikita ko ay si Ate Tiffanie bigla ako napaiyak sa nakita ko.

"Bakit ka umiiyak?"

"T-tof....eycee?" Yung masaya kong mukha kanina ay napalitan ng pagkadismaya, akala ko si Tofer na pero si eycee pala ang nasa harap ko. Pero di ako magkakamali alam ko si Tofer ang bumulong sa akin. Bakit ganun? Si eycee ang nasa harap ko?

Ang Asawa Kong Bading [COMPLETE]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt