2

10.8K 334 470
                                    

10-09

Winston Faldas

9:45 PM

Zayllahria:

Hi, Wins!

Kauuwi ko lang.

Huwag kang pakapagod masyado, ah.

See you sa Sunday? 😊

Seen, 10:14 PM

Winston:

Bakit gabi ka na umuwi?

Kababae mong tao kung saan-saan ka nagpupunta.

Disoras pa ng gabi.

Gawain ba ng matinong babae 'yan?!

Zayllahria:

Calm down, Wins.

Kasama ko sina Jos.

Pinuntahan nila ako sa SM Manila kanina kasi medyo natakot lang akong mag-commute.

Then nag-ikot-ikot kami sa mall at nag-dinner.

We were supposed to meet, 'di ba? Kaso busy ka sabi mo?

Winston:

So it was my fault now?

Zayllahria:

Hindi naman sa gan'on, Wins.

Ang sa 'kin lang, kasama ko naman sina Jos. Huwag ka naman magbitiw ng ganyang salita kasi hindi magandang pakinggan.

Winston:

Wala kasi ako kaya lumandi ka kina Josiah at Isaiah? Ganon ba?

Your faithful dogs, always to the rescue.

'Di ba sabi ko 'wag ka nang magdididikit d'yan sa kambal na 'yan?

Tangina naman, Zayllah!

Hindi ka marunong makinig!

Zayllahria:

Huh?

May problema ka ba kina Jos?

Alam mong friends ko sina Jos at Isa.

Anong lumandi?

Hindi ko gusto 'yang sinasabi mo laban sa 'min ng mga kaibigan ko, Wins.

Winston:

Kaibigan lang ba?

Talaga?

Coz the way I see it parang hindi, Zayllah.

You seem prim and proper to me. Halos hindi makabasag-pinggan but I dunno.

Baka pinagsabay ka na pala nong kambal?

Are you cheating on me with them? Pinagsawaan ka na ba nila?

Zayllahria:

Oh.

Wow.

Hindi ko inakala na ganyan ang tingin mo sa 'kin.

I've always been faithful to you!

Jos and Isa are my friends.

Hindi ko magagawa sa 'yo 'yan!

Wow.

I can't believe it.

Winston:

Tama na, Zayllah.

Sa totoo lang ang boring na nitong relasyon na 'to.

You're boring.

Alam mo 'yon, kahit halik ayaw mo.

Nakakaumay ka.

Nakakasawa.

Zayllahria:

Oh.

Winston:

Tigilan na natin 'to.

Zayllahria:

Okay.

Fine.

Kung 'yan ang gusto mo.

Nakakasawa na rin naman na mamalimos sa oras mo.

Nakakasawa na rin na palagi akong nangangapa sa nararamdaman mo.

Nakakasawa na rin na paulit-ulit mong pinaparamdam na ang liit-liit ng halaga ko bilang babae.

Let's break up.

Winston:

Good!

Seen, 10:25 PM

Relentless (Bump, Set, Spike #2) (To be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon