Chapter 1

12 0 0
                                        

Chapter 1: Thankful

***

MAAGA akong nagising dahil tinatawag na ako ni Mama Rita dahil may pag-uusapan daw kami tungkol sa aking pag-aaral kinakabahan ako baka putulin na ang suporta na tumutulong sa aking magpa-aral. Tatlong araw nalang ang natitirang araw bago ang pasukan.

'Lord di pa po ako handa sa susunod na mangyayari.'

"Sky pinatatawag ka na ni Mama Rita." Tawag ng kaibigang kong si Rico.

"Papunta na ako, maghihilamos lang ako" nagmadali ako pumunta ng cr para maghilamos. Dali-dali akong lumabas at pumunta sa silid tanggapan ni Mama Rita.

Bago ako kumatok ay nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga.
'sana mali lang ang iniisip ko'. Kumatok na ako at pumasok.

"Mama Rita pinapatawag niyo daw po ako?" tanong ko rito.

"Sky hija, maupo ka muna" itinuro niya ang upuan sa harap niya, mukhang mahaba nga 'tong pag-uusapan namin. Umupo na ako at nagbaba ng tingin.

"Mama Rita may sasabihin daw po kayo sabi ni Rico?" Si Rico Ang pinakamatalik Kong kaibigan simula noong napunta ako dito sa bahay-ampunan.

"May masamang balita ako at may maganda." Ngumiti siya sa akin ng sabihin iyon.

"Unahin muna natin ang Masamang balita, Sky hija..." nanlumo ang kaniyang mukha. Alam ko na 'to.

"Ano po iyon mama Rita?" tanong ko habang nasa baba ang tingin buntong-hininga muna siya bago magsalita, halata sa kaniya ang panlulumo.

"Hindi ko na papatagalin pa Ito hija..."
Binitin niya ang kaniyang sasabihin dahil Alam ko na Ang ganitong eksena
"pinutol ng ni Mr. at Mrs. Hernandez ang pagpapa-aral sayo sky"

Parang akong binalutan ng yelo dahil sa sinabi ni Mama Rita. Eni-expect ko na na mamangyayari 'to pero....Hindi pa ngayon.Namutawi sa amin ang katahimikan ngunit binagsag rin ito ni mama rita.

"Kaya nila pinutol ang pagpapa-aral dahil sa kanilang paghihiwalay....ngunit may maganda rin akong balita..." ngumiti siya saakin at hinawakan ang aking kamay. Maganda ang ngiti ng kanyang mga mata kaya ganon na lamang ang tibok ng puso ko.

"A-ano p-po iyon mama rita?" utal kong tanong. Marami na ang lumilipad sanaking isip, ni isa ay hindi ko maisatinig.

"May bago na rin na magpapaaral sayo hija..." Nakangiti niyang sabi, ang mga mata kong nagmamakaawa ay napalitan ng panlalaki ng mata dahil sa balita. "Ang bagong susuporta sa iyong pag-aaral ay ang pamilyang Laxon..." Hindi ako pa rin mawala ang gulat sa aking sistema.

'Laxon h-hindi ba iyon ang pamilyang iyo ay ang pinaka-mayaman sa Manila?'

"P-po?" tumango si mama rita at ngumiti "D-diba po sila rin ang magpapa-aral kay kuya Louis?"
Tumango siyang muli. Awang ang bibig ko ng tinignan si mama rita, makikita ko na rin sa wakas ang kapatid ko.

"At doon ka na sa Manila titira.... kasama ang kuya mo at magiging... Pamilya mo." Para akong nalungkot dahil maiiwan ko dito ang mga kaibigan na tinuring kong pamilya ng halos ilang taon. Simula pagkabata ay itong bahay ampunan na ang kinagisnan naming magkapatid. Nahiwalay lamang nang kupkopin ng mayamag pamilya ang kuya ko.

Pero agad akong napatingin sa kanya dahil sa huli niyang sinabi." May sarili ka nang titirahan doon" ngumiti siya pero Hindi Ito umabot sa kaniyang mata. pinipikit kong iproseso ang lahat ng sinabi nya, hindi ako halos makalunok.

"P-pero po hindi ko po kayo pwedeng iwan...." nagbaba ako ng tingin dahil alam kong bawal tanggian ang grasya. ito na ang pinapangarap ko mula pa noon, ang magkaron ng sarili at masayang pamilya. hinawakan niya ang kamay ko at bumuntong hininga.

"Ayaw mo ba?"tanong niya. Ngayon ay parang galit na sya, alam kong gusto nya lamang amg magpapabuti sakin.

"H-hindi po!"napasigaw ko ngunit binawain ko agad."Hindi naman po sa ayaw ko po,  gusto ko nga po dahil makakasama ko si Kuya." talaga naman  na gusto ko ngunit nag-aalala ako kasi maiiwan dito ang naging pamilya ko na rin.

"Mag-impake ka na at mamayang hapon na kayo magbibiyahe papuntang Maynila" Literal na nanlaki ang mata ko sa sinabi ni mama rita.

Ang bilis naman nun, ngayon pa lang sinabi pero mamaya na aalis. hayss. mabilis akong lumabas at pumasok sa kwarto ko. Humigop ako ng malalim na hinga at pinakawalan. kailangan ko na rin magpaalam sa mga kaibigan ko rito, nagiging emosyonal ako kapag naiisip ko ang bahay ampunan. This is it, iiwan ko na sila ng tuluyan.

Kinuha ko na ang maliit na maletang ibibigay ni rico para paglagyan ng gamit ko. Hays! mamimiss ko ang mga bata dito dahil tinuring ko na silang kapatid. lalong lalo na si mama rito, siya ang naging nanay ko habang narito ako. Habang nagiimpake ay umiiyak ako dahil sa pag alis ko rito. Masaya ako at excited sa magiging karanasan ko, sana nga lang ay maayos iyon.

'Sky wag Kang mag-alala hindi naman nila pababayaan ang mga Bata dito'

The Land Beyond HayashiStories to obsess over. Discover now