Prologue

24 4 0
                                        

"Congratulations!" bati niya sabay ngiti ng matipid.

Namiss ko yan, yung mga ngiti mong yan.

"Salamat sayo! Pano? Una na muna ko, asikasuhin ko lang yung ibang bisita" sabi ko sabay ngiti sa kanya.

Tango lang ang naging tugon niya na ikinangisi ko naman. Alam ko yung mga tango mo na yan, kabisado na kita.

Habang papalayo ako, gumiginhawa ang pakiramdam ko. Para akong ibong nakawala sa hawla, sa isang malungkot na hawla na matagal kong nakasama.

Kitang kita ko ang saya sa mukha niya pero ramdam ko yung lungkot sa mga mata niya. Hindi ko tuloy matukoy kung masaya ba talaga siya o napipilitan lang naman talaga.

Out of nowhere may naalala kong bigla.

"Saan mo gusto unang pumunta kapag nakatapos na tayo?" biglang tanong niya sakin habang ginagawa namin yung project naming dalawa.

Napaisip ako, ano nga ba ang unang lugar na pupuntahan ko kapag naka-graduate na ko. "Ahm, pangarap ko talagang maka-punta sa Maldives e yun talaga yung gustong gusto kong puntahan. Ikaw ba?"

Natawa siya na ikinataka ko naman. "Doon din yung unang lugar na gusto kong puntahan, noon pa man, ikaw nga agad yung gusto kong makasama doon, pagkatapos ng kasal natin. Honeymoon." natatawa niyang sabi sabay tingin sa mga mata kong maluha-luha na dahil sa tuwang nararamdaman ng puso ko.

Natawa nalang ako ng maalala ang pangyayaring iyon. Ang pangyayaring tutuparin ko pero imposible. Imposibleng talaga.

AsimptotaWhere stories live. Discover now