Chapter 11: September 5

Start from the beginning
                                    

There are 5 types of feasibility study, including technical, economic, legal, operational and scheduling feasibility which is the most important to have a successful project to an economical company, not only here in this country but also around the universe.

Bakit ko nga ba inaaral ang mga ganito? Dahil sa akin nakapangalan ang Blant Styl, kung saan ako ang CEO at promise kahit hilong hilo na ako sa mga ganitong bagay pinipilit ko pa ring gawin, lahat ng ito ay para kay Mama at hindi sa sarili kong kaligayahan. Kung gusto ko ng sariling kaligayahan edi hindi ko na dapat isinubsob pa ang sarili ko sa nakakalunod na academics. Hindi ko nga ito sineseryoso noong high school at college ako, tapos kung kailan graduate na ako saka isusungab sa akin ang mga gabundok na libro na kasing kapal ng mukha ni Nico. Teka bakit ba siya na naman ang nadamay sa mga iniisip ko? Hays mababaliw na talaga ako.

"Number one."

"Teka! Hindi pa ako tapos magreview, 10 more minutes pa."

"5 minutes."

"Ala naman, ikaw na lang mag exam mag-isa."

"Nasa labas lang si Tita Vel your highness, tsaka promise last day mo na talaga ngayon sa academics." Napakunot noo ko siyang tiningnan. Siguraduhin mo lang dahil bukas ibabato ko sayo ang mga makakapal na librong nasa harap ko ngayon.

"5 minutes lang, dahil may history pa tayo."

"Oo na. Kainis!" Padabog kong binalikan ang mga binasa ko kanina maging ang mga itinuro sa akin ng isang striktong professor kanina. Sa lahat ng naging professor ko siya ang pinakaterror.
Alam mo Dia magreview ka na lang hindi yung kwento ka ng kwento. Sumimangot na lang ako sa tutya ng isip ko.

.

.

.

Nakasimangot kong tiningnan ang score ko sa feasibility, matapos ang exam.

"Ito lang ang kailangan mong aralin sa history." Nabura ang lungkot sa mukha ko ng ilapag ni Shaine ang isang mainipis, kulay brown at medyo lumang libro.

Nakangiti kong binuksan ang librong iyon, ngunit tila nalusaw ng mabilis ang mga ngiting iyon ng makita ang nasa unang pahina ng libro.

Parang ayaw ko ng basahin ang nilalaman ng librong iyon dahil sa introduction na nakasulat.

"And that is the most important thing you need to know." Maya maya pa ay binuksan niya ang projector sa harapan, iniharap ko ang sarili ko doon upang makita iyon ng ayos.

"Rallnedia was a poor country before King Geeno Wayler. England wanted to seized this country because of it's natures treasure, while Greenland claimed that Rallnedia is not a country, they also claimed that Rallnedia was the lost city of their land." Napatuon ang atensyon ko sa ipinakita niyang litrato na nakaproject sa white board.

Rallnedia established its goverment 220 years after being founded. They hailed their first king after the battle of England against North Greenland. King Geeno Wayler was the first Emperor of Rallnedia from year (1820-1890), he was a general soldier before hailed as King.
After bad blood he built a wall to protect the country but bankruptcy struck the country which resulted in them being conquered again by England
His son, King George Lamber Wayler (1840-1940) succedeed as the High King of the Rallnedia after war. At the age of 30, he married the Countess of Stania, Abella Lopez Wayler. But at the age of 45, his wife died from Peripheral Artery Disease. Months after Countess Abella's death, King George had his untimely demise leaving his 15 year old son, Prince Dean Wayler (1887-1994). He became the Great King of the nation but had a child with a noble woman at the age of 43. He died at the age of 107. Prince Louise Achelles Madrid Wayler (1945-1995) was crowned king at the age of 29. He married a commoner named Elisita Rosales Wayler who brought rumors around Rallnedia and even the neighboring monarch countries. The couple was the last to rule over Rallnedia. They were ambushed on their way back to the country.

"This was the last footage of King Louise and Queen Elisse of Rallnedia." Imbes na sa video ako nakatuon ay nakapako lang ang mata ko sa petsa na nasa ibabang bahagi ng screen.

September 5, 1996, saktong sakto sa birthday ko at sa death anniversary ng Lola ko, ang Nanay ni Mama Alondra na si Lisa.

.

.

.

Evelyn's POV

Lumabas ako ng opisina ng marinig ang audio na nagmumula sa room ni Dia, hindi ko pa kayang pakinggan ang pinagdaanan ng Rallnedia noon hanggang ngayon, lalong lalo na sa nangyari sa kapatid ko magdadalawampu't apat na taon na ang nakakalipas.

Ramdam ko ang mga luha sa aking magkabilang pisngi, hinayaan ko lang iyon at nagpatuloy sa paglalakad palabas.

Sariwa pa rin ang sugat sa puso ko, maging ang mga sandaling naliligo sa sariling dugo ang kapatid ko na si Elisse. Pilit kong binubura sa aking isipan ang mga pangyayaring iyon, ngunit kahit anong gawin ko ay patuloy na bumabalik ang sinapit nila. Nakaukit na yata sa isip ko ang mga scenario noong mga panahong iyon, maging ang huling sandali na nakahiga siya sa kulay itim na kabaong.

Sa mismong araw ding iyon ay naglahong bigla si Princess Ela. Ika-5 ng September taong 1996, ang unang kaarawan niya ngunit nanlumo at tila binagsakan ng mundo ang buong Rallnedia dahil sa sinapit ng Wayler Family.

"Your grace tapos na po ba ang lesson ng Prinsesa?" Nagulat ako ng biglang dumating si Erick, ngumiti lang ako at pinunasan ng patago ang luha na nasa pisngi ko.

Unexpected RoyalWhere stories live. Discover now