Chapter 10: Nightmare

Start from the beginning
                                    

Hays kahit papaano nabawasan ang pagkainis ko ng marinig ang sinabi ni Maine, pero nag aalala pa rin ako kay Nanay. Bulong ko sa sarili ko nang ilagay ko sa cabinet ng table ko ang paper bag na iyon, makakapaghintay naman siguro ang paper bag na iyan at kung kanino man galing salamat pero kailangan ko pa ring malaman kung kanino galing.

.

.

.

Dia’s POV

Napabuntong hininga lang ako ng makita ang kabuuan ng building ng isang kompanya na may pangalang Blant Styl, halos nalibot na namin ni Shaine ang lahat lahat ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya tapos magpaliwanag tungkol sa kompanyang ito, ang totoo niyan wala akong naiintindihan sa mga sinasabi niya magmula kanina, paano ba naman lagi siyang may binabanggit na pangalan.

Mr. and Mrs. Wayler ba ‘yun? Hays hindi ko na tanda kung tama ba yung surname na narinig ko sa kanya.

“Simula bukas dito ka na didiretso para sa first lesson mo.” Nakangiting sambit ng babaeng iyon habang nakapamay awang.

"First lesson? High school student po ba ako o college student para sa mga lesson na yun?"

"Hindi naman simple math problems or english literature ang lesson mo."

"Bakit ba kasi kailangan ko pa po aralin yan? Tsaka sinabi ko na sa po inyo na hindi ako ang hinahanap niyo, okay?"

"Like what Nico said they have a lot of evidence about you, tsaka girl ayaw mo bang maging Prinsesa?" Umupo siya sa couch at inilapag sa mini table ang hawak niyang papel galing sa Swisly Company, ginaya ko na din siya. Sa kabilang couch ako umupo upang maipahinga ang aking binti na nangangapal na sa sakit.

"Bata pa lang ako ay pangarap ko na maging Prinsesa, pero hindi ganito. Tsaka hello? Ako Prinsesa ng Rallnedia, e anak ako ng ng Nanay at Tatay ko." May halong pagtawa kong sagot sa kanya, umiling lang siya ng tumingin sa akin.

Doon ko lang narealized na hindi ako gumagalang sa kanya, napatikom taklob ako ang kamay sa labi ko dahil sa sinabi ko.

Pero totoo naman, kasi paano ako magiging Prinsesa ng isang bansa na ngayon ko lang narinig ang pangalan? Tsaka si Mama Alondra lang ang pamilya ko, at si Papa na hindi ko naman alam ang pangalan. Tutya ng isip ko habang nakaupo sa tabi.  Maya maya pa ay tumayo na si Shaine sa couch at naglakad palabas ng opisina.

Hindi na ako sumunod sa kanya dahil sumasakit na talaga ang binti ko. Maghapon ba naman kaming pabalik balik at paikot ikot sa building na 'to, then kapag may nakakalimutan si Shaine sa mga pinapaliwanag niya ay bumabalik kami sa simula.

"Excuse me? Ma'am Dia nasa conference po si Ma'am Shaine, sumunod na lang daw po kayo." Napalingon ako sa pinto ng office ng makita ang isang babae na nakasuot ng eye glasses, tumayo na din ako ng sabihin niya iyon.

"Pwede niyo po ba akong samahan? Hindi ko po kasi alam kung saan ang conference room."

"Sure po ma'am."

"Tsaka huwag mo na akong tawaging ma'am, hindi naman ako boss dito, employee lang din po ako." Nginitian ko siya ng sabihin iyon, ngunit walang reaksyon niya akong tiningnan kaya nabura na sa mukha ko ang ngiti.

Sabi ko nga huwag iimik ng mali, hays naman Dia ang tanga tanga mo. Kahit kailan di ka nag-iisip. Sabay batok sa sarili ko ng banggitin iyon sa aking isipan.
Sinundan ko na lang ang babaeng iyon patungo sa conference room, ilang sandali lang ay nakarating na din kami. Bumungad sa aking paningin ang nakangangang si Shaine, natawa naman ako dahil sa hitsura niya.

"Sorry di na kita binalikan, sobrang gutom na kasi ako."

"Okay lang po. Ano pa po bang gagawin?" Magalang kong tanong sa kanya pero sumenyas lang siya na lumapit, sinunod ko naman.

"Kumuon ko no." Kahit hindi ko naiintidihan ay umupo ako sa tapat ng table. Itong babaeng ito ang ganda ng aura na akala mo naman ayaw madumihan ang mga kamay pero parang lalaki kung kumain, punong puno ang bibig, teka bunganga pala kasi ang laki ng subo niya kanina sa pagkain na akala mo naman ay mauubusan ng pagkain then nakataas pa ang binti na nakapatong sa inuupuan niya. Napansin niya siguro na nakatingin ako sa kanya kaya tumigil siya pagnguya ng pagkain.

"Kukoon ko bo o hondio?" Wala talaga akong maintindihan sa mga sinasabi niya dahil punong puno ng pagkain ang bibig niya at wala din akong idea kung ano ba ang gagawin.

Tiningnan ko naman ang nakahain sa mesa, natakam ako ng makita ang sinigang na hipon na namumula pa ang kulay gayundin ang crispy pata na malapit sa aking pwesto, ang malalaking cordon bleu, graham cake, at ang bihon na maraming toppings, napalunok ako ng laway sa mga sandaling iyon dahil gustong gusto ko ng sunggaban ang pagkaing iyon pero mas natakam ako sa vegetable salad na matagal ko ng binabalak bilhin ngunit hindi ko mabili bilo dahil gipit ako.

"Kumain ka na dahil may pupuntahan pa tayo." Malinaw na sa aking pandinig ang sinabi ni Shaine, kaya kumuha na ako ng vegetable salad, hindi ko pinansin ang sinigang na hipon, crispy pata, graham cake, cordon bleu at ang bihon.

"Diet ka girl?" Hindi ko lang pinansin ang tanong sa akin ng babaeng iyon sa halip ay inabala ang sarili sa aking pagkain.

'Yan tayo Dia, food is life lang diba kahit gulay lang solve ka na? Sige eat all you can yan kaya sulitin mo na. Ubusin mo yang vegetable salad hangga't kaya mo, pero baka gusto mo ng crispy pata at ng sinigang na hipon? Natawa ako sa pinagsasabi ng isip ko, hindi ko napigilan ang pagtawa kaya nabilaukan ako habang kumakain.

"Hey are you okay?!" Hindi ako makasagot sa tanong niya dahil hindi ako makahinga ng ayos. Maya maya pa ay may iniabot siyang isang baso ng tubig, agad ko naman iyong kinuha at uminom. Napaubo pa ako bago mawala ang kung anong nakabara sa lalamunan ko.

"Ang liit naman ng esophagus mo, samantalang ako kahit anong daming isubo sa bibig ko ay hindi ako nabibilaukan."

Bibig o bunganga? Kanina pa bulong ng bulong ang isipan ko, kaya pati ako nadadamay sa pinagsasabi ng isip ko, hays nababaliw na naman ako pati sarili ko kinakausap ko na naman.

"Tsaka hindi mo kailangang magmadali, may 30 minutes pa naman bago tayo pumunta sa pupuntahan natin."

"Tapos na po ako." Kahit gutom pa ako ay itinigil ko na ang kinakain ko, nawalan na ako ng ganang kumain dahil sa mga binubulong ng isip ko.

.

.

.

"Ito muna ang pansamantala mong tutuluyan, gaya ng sabi ni Nico ikaw ang Prinsesa kaya safety ang una namang isipin."

"Pwede namang sa bahay na lang ako, tsaka hindi din ako mamamalagi diyan dahil sa hospital na ako natutulog."

"May pinadala ng magbabantay sa Mama mo habang abala ka. Nasabihan na din namin ang buong hospital na alagaan at bantayang mabuti si Tita Alondra."

"So wala na akong ibang isipin?"

Teka bakit parang hindi ko siya boss kung kausapin? Kasi ikaw ang Prinsesa, tsaka ganyan ka naman sadya demoñita kadalasan dragon pa nga. Bulong na naman ng isip ko.

"Oh anong ginagawa mo?" Natigilan ako sa pagbatok sa sarili ko ng marinig iyon.

"Ah wala po."

"Ano ka ba? Hindi mo na kailangan maging formal makipag usap sa akin. Sayo nga dapat ako nagalang, kasi secretary mo lang ako ikaw Prinsesa."

Hays kung panaginip po ang mga nangyayari ngayon please gisingin niyo na po ako. Para na kasi akong baliw sa mga iniisip ng isip ko, kaya please lang gusto ko ng gumising sa bangungot na ito.

Unexpected RoyalWhere stories live. Discover now