Hindi na Ikaw ang Paksa

31 2 0
                                        

Lumisan ka na
Ngunit ang ating mga ala-ala
Ay nananatili pa rin sa mga tala.
Ala-ala noong meron pang ikaw at ako,
Ala-ala noong meron pang tayo.

Ilang oras na ang dumaan
Ilang araw na ang lumipas
At ilang buwan na ang nagdaan
Ngunit sariwa pa rin sa aking isipan
Kung paano mo ko iniwan.

Alam kong dapat na ngang kalimutan
Kaya naman puso ko'y maari bang maturuan?
Maari bang baguhin ang nararamdaman?
Ngunit kay hirap pala talagang baguhin ng nakasanayan.

Dahil hindi mawaglit sa aking isipan
Kung paanong tayo'ng dalawa ay nagsumpaan,
Sa lugar ng dati nating tagpuan
Pangakong walang iwanan
At tayo'y magsasama ng walang hanggan.

Hanggang ngayon ikaw pa rin ang nasa isip ko,
Ngalan mo pa rin ang tinitibok ng puso ko,
Ikaw pa rin ang hinahanap hanap ko,
Na baka sakaling balikan mo ko.

Pinilit kong muling hanapan ng tugma,
Sinubukan mang hanapan ng bagong tula—
Na ikaw ang paksa
At pilit man akong gumawa ng bagong istorya
Na siyang muling magbubuklod sa'ting dalawa.

Landas nati'y hindi pa rin nagtutugma,
Mukhang hindi nga tayo para sa isa't-isa.

At hindi ko na maibabalik ang pagkalipas na,
Kaya naman pinunit ko na ang bawat gawang tula,
Na ikaw ang naging paksa.
Itinapon ko na ang kuwadernong ang laman ay istorya nating dalawa,
Dahil sa muli kong pagsulat ng tula
At sa muling paggawa ng bagong istorya
Hindi na ikaw ang paksa.

It's All About PoetryNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ