Chapter 8: Bill

Začať od začiatku
                                    

“Wala ng pero pero, basta subaybayan mo lang siya hanggang sa makauwi siya sa kanila.”

“Mukhang hindi na.”

“Bakit naman?”

“Napakinggan ko kasi kanina sa mga nurse na nakasalubong ko, na nasa ICU ang Mama niya.”

“Mas mabuti hindi mo na kailangang umalis, diyan ka na muna hanggang bukas.”

“Ano?!”

“Oo, si Kuya Erick na lang muna ang driver ko bukas.”

“Pero…

“Ano na naman yang pero? Sige na kailangan ko ng umalis.” Natawa ako ng marinig ang pagsinghap ni Kade mula sa kabilang linya ng putulin ko ang connection. Inilagay ko na sa bulsa ko ang cellphone at sumakay sa nakapark na kotse.

.

.

.

Shine’s POV

Alas sais na ng hapon ngunit tulog pa rin si Dia, nakaupo siya habang nakasubsob ang ulo sa kama at ang kamay naman niya ang nakapatong sa kamay ni Tita Alondra na may nakakabit na dextrose. Ayaw ko pa sanang umalis ngunit may kailangan pa akong kunin na documents sa office para bukas, isang araw lang kasi ang ibinigay sa akin upang bantayan si Tita Alondra. Lumabas na ako ng ICU room at nagpalit ng damit, pagkalipas ng ilang minuto ay sumilip ako sa frosted window mula sa labas upang muling makita si Dia at si Tita Alondra bago umalis.

“Excuse me.” Napalingon ako ng marinig ang boses na iyon, pagtingin ko isang lalaki na naka navy blue suit ang naglalakad papalapit sa akin. Seryoso ang mukha niya na nakatingin lang sa akin.
Ako ba ang kinakausap niya?

Tsaka sino ba ito? Tanong ko sa sarili ko habang nakatuon pa rin sa kanya ang aking mga tingin.

“Ikaw ba si Shine Yong?” Napakunot ang noo ko sa tanong niya sa akin. Teka paano niya nalaman ang pangalan ko? Sino ba ang lalaking ito? Muli kong bulong sa sarili ko.

“Ito pala yung mga documents na pinabibigay ni Ms. Karen Winston.” Mas lalong napakunot ang noo ko ng iabot niya sa akin ang isang folder na may logo pa ng kompanya kung saan ako nagtatrabaho. Kinuha ko iyon mula sa kanya at tiningnan, maya maya pa ay tumingin muli ako sa kanya ngunit naglalakad na siya palayo sa kinatatayuan ko.

“Teka, sino ka?!” Sigaw ko na tanong sa kanya, napahinto naman siya sa paglalakad at dahan dahang inilingon ang kanyang ulo kasabay ang kanyang kanang balikat.

“Messenger?” Nagsalubong ang kilay ko sa isinagot niya na tila patanong din, muli siyang naglakad at lumiko sa kaliwang bahagi ng pasilyo. Tumakbo ako at sinundan siya ngunit ng makaliko ako ay wala na ang pigura ng lalaking iyon, sinubukan kong tumakbo upang habulin siya ngunit ng makarating ako sa front desk at lobby ay walang anino ng lalaking iyon, nagpalinga linga pa ako ngunit hindi ko pa rin siya nakikita. Tiningnan ko ang hawak kong folder at napabuntong hininga bago lumabas ng hospital upang makauwi.

.

.

.

Pagkarating ko sa bahay ay agad ko ding inasikaso ang documents na ibinigay sa akin ng lalaki kanina, dalawang page ng papel ang laman niyon, isang may pirma at ang isa naman ay ang listahan ng mga designs kasama na ang mga pangalan ng model para sa nalalapit na fashion show.

Kung kailan naman nalalapit na ang fashion show tsaka naman pinaalis si Dia sa kompanya, mabuti na lang at nakakaya kong tiisin ang ugali ng superior namin na mas mataray pa sa mga napapanood namin ni Dia sa teleserye gabi gabi.
Makapagtrabaho na nga lang para makatulong ako kay Dia kahit sa ganitong paraan.

“Anak kumain ka na ba?” Narinig ko ang boses ni Nanay na nagmumula sa kusina, tumayo ako sa pagkakaupo at lumapit sa kanya. Nakasuot siya ng apron habang may pat holder sa kamay niya.

“Ako na po diyan, magpahinga na po kayo.” Kinuha ko mula sa kamay niya ang pat holder at itinuloy ang niluluto niya.

“Sigurado ka ba?”

“Opo.”

“Pero may tinatapos ka pang trabaho.”

“Okay lang po iyon Nay, pahinga na po kayo then gigisingin ko na lang kayo kapag luto na ang pagkain.” Nginitian ko siya bago ituloy ang niluluto na nasa harapan ko, napansin ko naman na umakyat na si Nanay at tumungo sa kuwarto niya. Ayaw kong napapagod si Nanay lalo na ngayong bumabalik na naman ang trangkaso niya, nakapagpacheck up na siya noong nakaraang linggo ngunit bumalik na naman ang mga sintomas ng trangkaso niya kaya kadalasan gising ako buong araw at gabi dahil kailangan niyang bantayan at alagaan. Alam ni Dia na may trangkaso si Nanay ngunit hindi niya alam na bumalik ito ngayong linggo, ayaw ko na siyang pag isipin pa lalo na ngayong katatapos lang maoperahan ni Tita Alondra.

Maya maya pa ay nilagyan ko ng tubig ang niluluto ko, sweet chicken adobo ang ulam ko ngayon habang soup naman para kay Nanay, sinusuka niya lang kasi kapag kanin at ulam hindi tulad ng soup na nadadigest.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos na din ako sa niluluto ko, binalikan ko ang ginagawa ko sa living room at inayos ang listahan sa laptop na kaharap ko, ngunit napalingon ako sa orasan maging sa kuwarto ni Nanay.

“Nay tulog na po ba kayo?” Tanong ko sa kanya ngunit walang sumagot, kaya napatayo na lang ako at naghanda ng pagkain niya. Pagkatapos ay umakyat na din ako at pumunta sa kuwarto niya. Nabitawan ko ang hawak kong tray ng buksan ko ang pinto ng kuwarto ni Nanay, agad akong lumapit sa nakahilatang katawan niya sa sahig at sumigaw ng saklolo.

“Tita Silda!” Nangingiyak kong sigaw sa kapitbahay namin.

“Nay gising, Nay!” Sinubukan ko siyang buhatin ngunit hirap akong maiangat siya dahil hindi ako ganoon kalaki para makayanang buhatin ang Nanay ko na may taas na 5.5” samantalang 4.11” lang ako.

“Shine!” Napalingon ako sa pinangyarihan ng boses na iyon, si Tita Silda iyon kasama ang anak niya na si Darell, agad namang lumapit sa kinauupuan ko si Darell at binuhat si Nanay.

.

.

.

Dia’s POV

Hindi ko alam kung saan kukuha ng mahigit 600,000 pesos, nakatitig lang ako sa bill ni Mama na hawak ko. Sa loob ng isang taon 100,000 pesos pa lang ang naibabayad ko, at hindi ko alam kung saan kukuha ng natitirang pera.

Dapat ko na bang paniwalaan ang sinasabi ng boss ko o magmatigas dahil si Mama ang tunay kong magulang. Hays hindi ko na alam ang gagawin, magpapadesperada na ba ako?

Unexpected RoyalWhere stories live. Discover now