𝐌𝐀𝐆𝐇𝐈𝐇𝐈𝐍𝐓𝐀𝐘 𝐀𝐊𝐎

79 7 2
                                    

𝐌𝐀𝐆𝐇𝐈𝐇𝐈𝐍𝐓𝐀𝐘 𝐀𝐊𝐎

Ilang dekada man ang lumipas,maghihintay ako

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ilang dekada man ang lumipas,
maghihintay ako.
Hindi mapapagod.
Hindi maiinip.
Hindi magsasawa.
Dito lang ako.

Hindi kita kukulitin.
Hindi kita guguluhin.
Hahayaan lang kita sa piling ng iba.
Pagmamasdan kang masaya,
habang naghihintay na ako naman ang pagbigyan ng tadhana.

Maghihintay ako hanggang sa ako naman ang makita mo.
Maghihintay ako hanggang sa ako naman ang mahalin mo.
Maghihintay ako hanggang sa ako naman ang maging mundo mo.

Dito lang ako.
Mula sa malayo.
Kahit sabik na akong mapasa akin ka,
maghihintay lang ako.
Dahil kung talagang akin ka,
kahit ilang beses ka pang mapunta sa kamay ng iba,
gagawa ang kalawakan upang sa huli ay magsama tayong dalawa.

TutulalaWhere stories live. Discover now