ISAAC | 0

197 3 0
                                    

Starquest is a reality show that aims to find the five members of the "ultimate P-Pop idol group" it is planning to build. The show was about to end that night.

Isa sa mga kalahok si Isaac. He was part of the category for the dancer. He was restless while waiting inside that greenroom. Kakayari lang ng pinakahuling performer para sa gabing iyon. Ilang sandali na lang, iaanunsyo na ang mga nagwagi.

"Please let me win," mahina niyang dasal.

Bata pa lang kasi'y alam na niyang calling talaga niya ang mag-perform sa entablado. Kaya naman kahit labag ang mga magulang niya, nag-dropout siya sa college about six years ago para i-pursue ang interest. Madali lang naman siyang nakahanap ng trabaho, palibhasa'y magaling kasi siyang dancer, pero ni minsan ay hindi pa rin niya natanggap ang pinakainaasam na break.

Not until his former manager told him about Starquest. Agad siyang nag-audition at natanggap. Now, he was part of the last contenders.

Medyo mahaba ang commercial break ng palabas kaya naman minabuti niyang makihalubilo sa mga kasama niya sa greenroom para mag-denerve. Halo-halo sila roon, pero karamihan ay mga nasa vocalist category.

"Grabe ka talaga, Isaac. Ibang level ang sexiness ng performance mo," sabi sa kanya ni Banjo, na pinakabatang contender for the rapper category. "Turuan mo nga ako kung paano yung mahalay na body wave."

Natawa siya sa sinabi ito saka nagpasalamat. Versace on the Floor ang pinerform niya. It was also him who made the choreography. Gaya nga ng sabi ni Banjo, mahalay iyon. Well, that was his specialty anyway. Hilig talaga niya ang fluid na movement.

Nang matapos silang magkwentuhan, inilibot niya ang paningin sa greenroom at napansin niya ang isang maskuladong lalaki na may tan na balat. Nakaupo ito sa isang sulok na para bang sinasadya talagang huwag makipag-interact sa iba. However, unlike the rest, namumukod-tangi itong parang hindi man lang kinakabahan.

"Napakayabang talaga ni Dean kahit kailan," bulong na lang sa kanya ng isang maputing lalaking kabilang sa mga umaasang maging vocalist.

Nagtatakang tumingin siya rito. "Ha? Bakit naman?"

"Tamo, masyadong overconfident. Parang kampanteng-kampanteng mananalo." Tumalak ito. "Sabagay, pamangkin ba naman kasi ng CEO. Malamang, mananalo talaga."

Tumahimik na lang si Isaac. Noon pa man ay alam na niyang maraming contestant na hindi gusto si Dean. He cannot blame them. May pagka-bosy kasi ito, at minsan ay umaasta ring know-it-all. Not to mention, hindi rin ito masyadong nakikihalubilo sa iba.

Yet Isaac never found him annoying. Actually, he was getting a weird and unknown feeling around him, lalo na kung nakikita niya itong nagpe-perform. Was it admiration? Probably. Napakagaling ba naman kasi nito. He has a strong tenor voice comparable to Bruno Mars. Not to mention he is very versatile. Magaling ding sumayaw at mag-rap. So yeah, siguro iyon nga ang nakukuha niyang feelings sa lalaki.

Saktong bumalik na ang programa. Biglang natahimik ang mga tao sa greenroom saka sila sabay-sabay na tumingin sa LCD screen na nasa gitna ng kwarto. Sinimulan muna sa recap ng criteria bago pinaalala kung ilang ang kukuhanin sa bawat category: tatlo sa vocalist habang tig-isa naman sa rapper at dancer.

Then, the announcement of the winners for the vocalist category started. Pinakita ang mga pangalan ng labindalawang contestants. Then, the scores rolled on the left of their name.

"Kahit third place lang... kahit third place lang," narinig ni Isaac na usal ng katabi niyang contender. "Basta, manalo lang ako."

Then, the numbers finally stopped rolling. The room went eerily silent because of it. Isa lang sa room nila ang nanalo, and that was Dean, who ranked the second.

Dare You to Move, IsaacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon