"Ate paabot naman ng uniform ko" sigaw sakin ng kapatid ko na lalaki.
"Ate yung assignment ko nasan?" tanong naman ng isa.
"Whawhawha" iyak naman ng baby ko na kapatid.
Eto? eto ang pang araw araw ko. Pag-aalaga sa mga kapatid ko na dapat gawain ng mga magulang namin.
Dali dali kong pinatahan ang baby at dumiretsyo sa kwarto para kuhanin ang assignment ni Bryan ang pangalawa kong kapatid. Agad ko itong binigay sa kanya at nang makapasok na siya.
Sunod naman ay pumunta ako sa may sampayan para kuhanin ang uniporme ng kapatid kong si James. Agad ko itong binigay sa kanya at nagsimula ng kumilos para sa pagpasok ko sa eskwelahan. Binaba ko muna si Timothy sa kuna niya at binigyan ng gatas para makakilos ako. Sampong minuto na lang at magssimula na ang klase ko.
Agad akong naligo at nagbihis ng aking uniporme. Pagkatapos ko ay kinuha ko ng aking bag at ang bag ni Timothy na naglalaman ng mga gamit niya. Iiwanan ko muna siya kay Aling Nesa na siyang kapitbahay namin.
Kung bakit don ko siya iiwan? Dahil lamang sa wala ang aming mga magulang. Ang nanay ko ay nandon busy sa sugal niya habang ang tatay ko naman naglalasing sa bahay ng kaibigan niya. Hindi nila kami maalagan dahil sa mga bisyo nila.
Nang makarating ako sa bahay ni Aling Nesa agad kong iniwan si Timothy at nagmamadaling tumakbo papunta sa aking eskwelahan. Grade 12 na ako at onti na lang magco-college na. Nang makarating ako ay halos kasabayan ko lang ang guro ko dali dali na ako pumasok at umupo sa aking upuan.
-------
Natapos ang buong maghapon ko sa klase kaya naman dali dali kong sinundo si James ang elementary kong kapatid. Nang makarating ako sa eskwelahan niya ay nandon na siya at naghihintay. Dali dali kaming umalis at bumili ng bigas at ulam para sa aming hapunan tyka lang naman kinuha si Timothy kay aling Nesa.
Nang makarating kami sa bahay wala pa rin doon ang mga magulang namin. Agad kong nilagay si Timothy sa kanyang kuna at nagbihis para makapagsimula ng magluto.
Habang naglluto ako nakita kong inalis ni James si Timothy sa kanyang kuna.
"James bantayan mo yan ng maayos ah" sabi ko rito.
sabi naman nito at nagpatuloy na ako sa pagluluto ng malapit na akong matapos bigla akong nakarinig ng kalabog.
"Ano yon James" sigaw na tanong ko.
"Ate si Timothy nahulog sa kama" Naiiyak na sabi nito kaya dali dali akong pumunta sa kwarto.
