Tumingin ako sa bintana at napansin na madilim na sa labas. Ingay nalang namin ang maririnig mula sa tahimik na paaralan.
Kaniya kaniya na ng ligpit ng mga gamit. Kinuha ko na ang aking mga dala at nauna nang lumabas para doon na lamang sila hintayin.
'Hoy gabi na bilisan niyo. Naghihintay na si papa sa labas' nakakunot noo kong sambit habang nakatingin sa mga kaklase ko.
'Hintay kasi. Nagmamadali ka naman kasi lagi. May date ka ha? May date ka?' Nagsusungit na sagot ng isa kong kaibigan. Kayat di ko napigilan na matawa sa naging sagot nito.
Napatingin ako sa buong paligid at napabuntong hininga. Napangiti nalang ako sa isipan na balang araw mamimiss ko ang mga ito.
