CHAPTER 31 ~ Mine ~

Start from the beginning
                                    

wala sana ako dito kung hindi umariba ang katakawan ko. Masyado sigurong madaling hulaan na pagkain ang isa sa weakness ko kaya nilason ako.

astig.

Infairness hindi ko naisip yon.

"Popeye..walang spinach sa tiyan ko kaya tigilan mo ang pag-iikot diyan. I dont even like spinach."

"Come, I'll help you."-craige

Inuupo niya ako ng maayos. Tinapik-tapik ko siya bilang thank you dahil hindi na ako makapagsalita. Tumingin ako sa pintuan ng bumukas yon at may pumasok na doctor. Hindi yung doctora na naaaninag ko non.

Gwapo.

"Ang haba ng hair ko..laging may gwapo sa paligid ko."-me

"Thea."

Ngumisi lang ako kay Craige at nag flying kiss. Nag beautiful eyes ako don sa doctor na napangiti na lang. Sanay na siguro siyang pinagkaguluhan.

Ang gwapo *o*

"I'm doctor Zoren Austin. Kamusta na ang pakiramdam mo?"

"Okay na okay doc. Lalo na Zoren pala ang pangalan mo..can i be

...

...

your Carmina? *laughs*"

Napangiti yung doctor..sheyt! ang gwapo talaga. Chineck-up niya muna ako..though nahihilo pa ako hindi na kasing todo nung kanina. Gwapo lang pala ang gamot. Idagdag pa na feel na feel ko ang pag selosin si Craige na masama ang tingin sakin ngayon.

The Camp: He's A Secret Agent and I'm His Slave (Book 3)Where stories live. Discover now