KABANATA 5

9 4 0
                                    


Dedicated to BinibiningRhainne
Enjoy reading!♥️

°°°

Folk's POV

Natigilan sila nang maabutan na walang ibang tao na kumakain sa loob ng resto bukod sa ka-trabaho nila na nakayuko sa harapan ng hindi katangkarang babae.Nakasuot ito ng kulay itim na cargo pants, kulay puti na crop top at pinaresan niya pa ito ng kulay puting sapatos sa paa.May kulay ng mahaba nitong buhok ay kasing kulay lang ng suot niyang damit,kulay pula.Katabi nito sa gilid ang assistant manager.
Isang babae at matangkad na lalaki din ang nakatayo sa hindi kalayuan nila.

"Sinong mga 'yan?" Mahinang bulong ko kay Jomar.

Napalingon ito sa akin.

" 'Di mo sila kilala?" Pabalik na tanong nito.

Ang tanga talaga ng tukmol na 'to kausap

"Magtatanong ba ako kung kilala ko 'yang mga 'yan?" May halong inis sa boses ko nang sabihin ko iyon sa kaniya kapagkuwan ay ininguso ang direksyon kung saan ang mga kapwa katrabaho nila ay nananatili pa ring nakayuko habang nakikinig sa mga pinagsasabi ng babaeng nasa harapan nila.

" Sabi ko nga 'di mo sila kilala.
Sorry na.'Yan na ata si Ms.Rose,ang boss natin." Pabulong na sagot ni Jomar.

Ms.Rose? Ang ganda naman ng pangalan ni General Manager

Nagulat ako nang bigla na lang tumikhim si Jomar sa tabi ko na siyang nakakuha ng atensyon nila.

Unang napalingon si Sir Ashton sa gawi namin.

"They're already here." Pagpapaalala nito sa iba.

Halos sabay na nagtaasan ng tingin ang mga ka-trabaho nila na kanina ay nakayuko.Napakunot ako ng noo ko nang makita ang kapatid ng hinahangaan 'kong babae!

Kinusot ko ang mga mata baka sakaling panaginip lang ito kapagkuwan ay tinitigan ng mabuti si Rosette na nakataas na ang kilay na nakatingin sa kaniya.

Impossible! Siya nga! Ang kapatid ni Roselle! Anong ginagawa niya dito?

"B-bakit nandito si R-Rosette?!" Nauutal na tanong niya sa kaibigan.

Ngunit hindi ito nakasagot ng marinig ang napakapamilyar na boses na 'yon ng babaeng nagpatibok ng puso niya.

"And who are they?" Napakahusay nitong magsalita sa lenggwaheng Ingles.

Nanigas siya sa kaniyang kinatatayuan.Mas lalong tumibok ng kay bilis ang naghuhumirintado niyang puso nang makita ang nagmamay-ari ng boses na 'yon.
Parang gustong kumawala ng puso niya sa loob ng katawan niya at para ding naging slow motion ang lahat ng mga oras na 'yon.

Roselle!

°°°

•||Enjoy reading,tamaders!Comments and votes
are highly appreciated.
Love lots♥️||•

Folk Yu ( F Boys Series #2 )Donde viven las historias. Descúbrelo ahora