Chapter 6

18 9 0
                                    

"Aba may bisita ka pala sean hindi mo man lang sinabe sana nakapag handa ako,halika pasok ka muna"sabi ni mommy kay gian

"A-hh..Magandang umaga po tita susunduin ko lang po sana si ashira dahil mag papasama po ako sa kanya sa mall,tinanong ko naman po siya kahapon at pumayag siya"sagot naman ni gian

"Ganun ba"maikling sagot ni mommy

"Ahmm mommy, oo nga pala po magpapaalam po sana ako sa inyo kagabi pero tinawag po ako ni lyka kaya ngayon pa lang po ako mag papa alam"nahihiya ko namang sabi

Nagulat naman si mommy sa itsura ko dahil parang takot na takot ako sa kanya

"Ano ka ba naman anak walang problema wala ka din naman ginagawa kaya ayus lang"ani ni mommy habang naka ngiti,wagas ang ngiti niya na para bang aabot na hanggang langit

"Ayy tol sama na ako jan wala din naman ako gagawin ehh"singit naman ni kuya sean,tsk..tsk.. kahit kailan talaga epal ni kuya

"Sige ba tol sumama ka na rin"sagot naman ni gian

Naupo muna sa salas si gian at nagmadali naman maligo si kuya sean kase gustong gusto talaga gumala,si lola naman kinausap si gian ,tulog pa si daddy saka si lyka, kaya baka di na ako makapag paalam kay daddy

"Mommy aalis na po kami"sigaw ni kuya at nag madali nang sumakay sa kotse ni gian,sumunod na din naman si gian

Maglalakad na din ako papunta sa kotse kaya lang hinila ako ni mommy

"Anak wag ka masyadong madaldal hah saka lagi mong ayusin ang buhok mo huwag kang masyadong kakain dahil nakakahiya naman jan sa manliligaw mo at sinundo ka pa"ani sa akin ni mommy

Ngiting ngiti siya habang sinasabe iyun,samantalang ako naman gulata na gulat sa sinabi niya

"Ano ka ba naman mommy hindi ko yun manliligaw kaibigan namin ni kuya sean si gian kaya wag tayo assuming mommy okay!!"sagot ko naman habang napataas ng konti yung kilay ko

"Hay naku anak dalaga kana talaga,basta huwag mong kalimutan yang mga sinabe ko kase baka balang araw maging manliligaw mo yan hehe"pang aasar pa ni mommy

Bago ako lumabas niyakap ako ni mommy,nagmano naman ako kay lola at nag paalam na din.

Sumakay na ako sa kotse at nasa likod ako ngayon syempre sa unahan si kuya sean dahil hindi naman talaga ako tatabi kay gian nakakahiya kase ehh huhu..

"Uy tol saan nga pala kayo dapat pupunta ni ashira at sinundo mo pa ,mag de date ba kayo?"natatawang ani ni kuya sa amin

Napapreno naman si gian dahil sa sinabe ni kuya sean

"Hu-h,hindi kaya nagpapasama lang sakin si gian"napa tingin naman ako ng masama kay kuya sean habang sinasabi iyun,apaka shunga naman kase niya nagulat tuloy si gian kaya napapreno bigla.

"Tol ano ka ba naman nagpasama lang ako jan saka ano ka ba kaibigan ko lang yan,diba mag kakaibigan tayo"ani naman ni gian

Biglang sumakit yung puso ko kase sa pagkakasabi niya para bang wala talagang pagkakataon na maging manliligaw ko siya,tsk wait napaka shunga ko din noh kanina nagalit ako kay kuya kase sinabe niya na mag de date raw kami tas nung itinanggi ni gian nasasaktan ako umayoss!ka nga ashira huhu.

Nakarating na kami sa mall at bumaba na pagkadating namin sa loob binili na ni gian yung bibilhin daw niya.

"Uy tol tara kaya muna maglaro sa timezone,ayun bukas yung trampoline dun muna tayo pumunta"tuwang tuwang sabi ni kuya sean

You're Still The One (On Going)Where stories live. Discover now