Chapter 5

16 0 0
                                        

It was the first day of January. Mitch decided to go out of town with his cousins instead of letting herself to get bored throughout the day.

Hindi lumipas  ang isang oras nakahanda na lahat ng dadalhin niya sa maghapong pag-alis.

Patungo sila sa Zambales upang maligo sa beach.

Sa ganitong panahon na marami siyang iniisip, malaking ginhawa sa kanya ang magbiyahe upang sandaling makalimot sa sakit at kalungkutan. 

Relaxing image of mountains and seaside soothed her mind.

Sandali niyang nakalimutan ang sakit na idinulot sa kanya ng pagsisinungaling ni Jerry.

Ngunit sa kabilang banda, di niya rin maiwasang sisihin ang sarili kung bakit agad siyang nagtiwala rito gayung simula't-sapul ay alam niyang may kasintahan ito sa ibang lugar.

Maybe it's because Jerry is too sweet for a woman not to fell in love with her. Every words that comes out from his mouth is like a music that caresses her soul.

Nonetheless, she was still thankful not because it happened but because she early discovered the truth.

Marahil kung ikukumpara siya sa iba, isa siya sa mga babaeng matapang na hinarap ang katotohanan at determinadong magsimula muli.

Habang nagtatampisaw siya ay di niya maiwasang isipin pa rin ang nangyari.

Hindi niya alam kung dapat ba siyang mamuhi kay Jerry o kalimutan na lang ang pagsisinungaling nito at manatiling kaibigan kahit na may umusbong na siyang pag-ibig para rito.

Lumipas ang maghapon at pauwi na sila.

Ngunit bago nila lisanin ang lugar na iyon ay namili na muna siya ng mga souvenirs para sa sarili.

Mahigit isang oras lamang ang biyahe nila kaya't agad silang nakauwi.

Pagkarating ni Mitch sa kanilang tahanan ay agad siyang naligo at nagpahinga.

Nang mawala na ang kanyang pagkahilo dahil sa pagbabiyahe ay hinanap niya ang kanyang cellphone at nagbasa ng mensahe.

Nakatanggap siya ng mensahe mula sa mga kaibigan.

Nagyayaya ang mga ito na pumunta ng Mall upang manuod ng fireworks display.

Agad siyang nagbihis at nagpaalam sa kanyang ama.

Nang magkita-kita na silang magkakaibigan ay nagkwento siya kung anung nangyari sa naudlot na panliligaw ni Jerry.

Bakas sa mata niya ang kalungkutan at ramdam sa boses niya ang sakit na pilit niyang itinatago.

Sumasapit na ang dilim at wala pa rin ang inaabangan nilang fireworks display kung kaya't nagyaya na lang si Mitch na manuod ng live band sa ground floor.

Habang nakikinig sa mga tumutugtog ay saglit na napawi ang nararamdaman niyang kalungkutan kahit na minsan nangungusap ang kanta sa kanya.

Dinadaan niya na lang sa ngiti ang nagkukubling kalungkutan sa kanya.

Ideal Boyfriend: That's What You AreWhere stories live. Discover now