Shit.. Am I being robbed? Baka magnanakaw 'to?! Nagpapapasok pa naman ang school dahil baka may mga magsisimba!

Unti-unti akong nakaramdam ng kaba. Ang pintig ng puso ko ay hindi ko na maipinta. Lilingon ba ako? I have no cash with me! Kung titili naman ako ay nakakahiya sa mga makakarinig!

I looked ahead of me. Walang katao-tao. If I'm going to turn to look at the man who spoke, there are chances that I'm going to die because I won't give the thief my things. Baka saksakin niya ako! Am I going to be glorified? Isang studyante, sinaksak sa loob ng school! Omyghod! That's fine, right? I mean..

Oh my ghad! What am I thinking?!

I heard a chuckle. Agad na kumunot ang noo ko dahil pamilyar ang tawang iyon.

I turned around and I saw Lionel laughing at me! What the heck?! Akala ko mananakawan na ako!

Halos manggalaiti ako sa inis at kinuha ko ang tote bag at hinampas sa kanya. Bwisit na 'to!

Umaatras siya, tila iniiwasan ang galit ko. ''Bakit mo ako hinahampas?!'' he laughed. ''I didn't do anything!''

''You scared me, gago! Nakakainis ka!'' ihahampas ko sanang muli ang bag ko nang hinawakan niya ang dalawa kong braso.

''You were scared, huh? I should have took a photo of your scared face!''

''Ang sama ng ugali mo! Bakit ka ba nandito? 'Di ba may meeting kayo nina Lia?''

BInitawan niya na ang dalawa kong braso. He nodded at me as I continued to squirm because of the discomfort I felt.

''Oh, e bakit ka nandito? Umalis ka na nga!'' muli kong ani.

He licked his lips and smirked. Tinitigan ko ang mukha niya at ganoon pa rin naman. Although mas mahaba na ng kaunti ang semi-bald niyang buhok compared dati. His cross earring shined with the reflection of the light, too.

Ang gwapo sana kaso nakakainis ang ugali!

''Bibili lang ng pagkain. Pauwi ka na?''

I rolled my eyes. ''Yes. Kita mo naman, 'di ba? I was peacefully walking until you scared me!''

''Hindi naman kita tinakot! You assumed that I'm a robber. Hindi ko kasalanan 'yun,'' he laughed. ''Tara, hatid na kita.''

''Susunduin ako ni Kuya. Thank you but I don't need it.''

He bit his lips, trying to suppress a smile. ''Ihahatid kita palabas. Hindi papunta sa inyo. Sometimes it's nice to not assume, Lucia.'' 

Halos pumutok ang ugat sa utak ko dahil sa sinabi niya. Ilang beses ba akong mapapahiya sa araw na 'to?

Sabay nga kaming naglakad. Hindi ko na inalintana ang pagpapahiya ko at ang panggugulat niya.

The September wind is cold as it embraces our step. Kaming dalawa lang ang naglalakad at halos mabingi na ako sa katahimikan.

''I accidentally saw your exam papers. Lalo na iyong sa major mo. You want help?''

My lips parted at unti-unting nilingon siya. Hala.. nakita niya? Eh ang baba ng exam scores ko! Halos maging itlog na ang mga iyon lalo na sa essays. Nakakahiya!

''Jina-judge mo na ba ako?'' nanliit ang mata ko habang nakatingin sa kanya.

''Nope. Your score is low but pretty normal in general,'' he shrugged. 

Nakapamulsa siya habang naglalakad. Lionel looks cool while saying that. Imbes na mainsulto ako ay gumaan pa ang pakiramdam ko.

When I saw my grades, it was fine to me. I'm not really affected. Numero lang naman iyon at pwede pa akong bumawi. But then, making my family see it is a shame to me. Ang galing-galing ni Kuya Ismael at Kuya Roman sa school kaya sigurado akong ipagkukumpare iyon. Daddy won't say it but I'm sure he is expecting better from me.

''Were you affected with your grades?'' nilingon niya ako.

''Hindi naman.. Nag-alala lang slight noong una kasi alam kong nag expect si Daddy,'' my lips twisted.

''You want me to tutor you? Labor lang babayaran mo,'' he chuckled.

''Mag-isa ka! Baka matuloy sa zero yung scores ko 'no!'' I hissed.

He giggled. ''Yung essays mo.. puro maling theories. Probably because you are too assuming na pati yung mga mali, nilagay mo.''

Nanlaki ang mata ko. Ang kapal! Hindi ko naman id-deny na puro naman talaga mali ang sagot ko but he shouldn't say that! It kinda hurt my pride!

Masama ko siyang tinignan habang patuloy siyang naglalakad. Ako naman ay natigil dahil sa insulto niya. Bwisit ka, Lionel Tanner!

He noticed that I stopped kaya't nilingon niya ako. He's showing me a mocking smile while walking back to me. 

Aba! Can't he be apologetic? Ang sakit kaya sa pride! I'll study well to get high scores then after that, I'm going to slam it on his face! Nakakainis.

''Were you offended?'' he asked as he lowered his knee so he could see me properly. ''Sorry. I just really like seeing you act angrily,'' he chuckled softly.

''Kainin mo 'yang sorry mo. Papa-impeach kita para matanggal ka sa pulitika!'' 

I heard a growl of laughter from his. Umalingawngaw iyon sa buong walkway. Kaming dalawa lang kasi ang naglalakad at walang ibang gumagawa ng ingay.

Ang saya-saya niya ah? Habang ako ay halos umapoy na dahil sa inis.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Nasaan na ba si Kuya Ismael at bakit hindi pa siya tumatawag? He usually comes here early but today seems to be different. Baka may inutos si Daddy.

Ilang segundo lang ay nakalapit na si Lionel. Hindi ko siya nilingon. I looked ahead with an offended expression visible on my face.

I can't imagine how worse this day is. Nalaman ko na ngang nagd-date si Jarrell at Nicka, dadagdag pa itong si Lionel na nampepeste. What a day!

''Galit ka talaga?''

I didn't respond. Pagod na akong magsalita.

''Hey, Lucy..'' he poked my bag. I can hear his pleading voice.

I didn't respond again. Bahala ka riyan, kalbo.

''You want an ice cream? May masarap na ice cream parlor malapit dito.''

Huh. Anong akala mo sa akin? Walang pang bili? But I didn't say that. Pagod na talaga ako sa araw na ito. Bukod sa klase ay tinuon ko ang oras ko kay Jarrell. I need to rest for atleast a few minutes!

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. I can see Lionel in my peripheral vision, pouting with his brows furrowed. I stopped myself to smile but I guess I failed miserably. Ang cute niya!

''Aha. Why are you smiling? Nagbibiro ka lang ba?'' siya iyon.

''Why would I joke?''

''Just a smart guess,'' he shrugged. ''Bati na tayo?''

I laughed. ''Hindi naman tayo nag-away. You just assumed.''

I heard his mocking reply. Nakalabas na kami sa walkway at bumungad sa akin ang nagkukumpulang sasakyan. May mga pasaherong tinatakbo pa ang jeep at bus para makasakay. Madilim na ang langit at ang streetlights ay nagbibigay ng liwanag sa kalsada.

Mukhang aabutin pa kami ni Kuya Ismael ng rush hour ah?

''Dito na 'ko. Thanks for pestering me,'' I said as I turned to look at Lionel.

Pagkatapos ay lumapit ako sa entrance ng dunkin donuts. Katabi kasi iyon ng dulo ng walkway kaya't dito na lang ako maghihintay kay Kuya.

''You'll wait here? Alone?''

I nodded.

''Samahan na kita,'' aniya at tumayo sa gilid ko.

Napakunot ako ng noo. ''Huh? 'Wag na! Bibili ka pa ng pagkain kaya baka mahuli ka na sa meeting ninyo!''

''Meeting lang naman 'yun. Hindi naman kawalan kung mahuli ako,'' nagkibitbalikat siya. ''Saka gabi na. Maraming adik at magnanakaw ng ganitong oras. I can't let you go easily. Baka mapahamak ka,'' seryosong ani niya habang seryoso ring nakatingin sa akin.

Iniwas ko ang tingin sa kanya. I felt something in my chest after what he said. Ang.. seryoso kasi. Walang bahid ng biro o kalokohan ang sinabi niya.

Lay A Glance On Me 1 (Lost and Retained #2)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ