pumunta ako sa police station upang matanong ko kaagad ang mga suspek at naabutan ko doon si inspector megure.
Sinalubong naman ako ng tatlo pang pulis at sumaludo sila.
"asan sila" tanong ko sa isang pulis.
"nandoon na po sila sa interogating room ma'am" sagot naman ng pulis.
"okay" pagkasabi ko noon ay agad na akong pumunta sa interrogating room at doon ay nadatnan ko ang isa sa mga suspek.
Hindi kasi pwedeng sabay sabay ko silang tanungin lalo na at andun silang tatlo sa bar na yun nung nangyari yung krimen. Isang hakbang na rin ito na nakasanayan ng mga pulis upang mabunyag ang identity ng suspek. Iniisa-isa silang papasukin sa kwartong ito na may tatlong hidden camera na nakakonekta sa main server ng gusali at napapalibutan ang kwarto ng fiber glass.
Kasama ko ngayon ang isang pulis na nakatayo lamang sa tabi ko at si Inspector Megure na siyang mag-tatanong sa mga suspek.
"Nasaan ka nang nagyari ang krimen, maari mo bang isalaysay sa amin?" tanong ni inspector megure na nasa tabi ko.
Naunang tanungin si Yamari Hata. Isa siyang crew sa nasabing Bar at naging kaibigan din siya ni Genta dahil madalas ito roon. Isa siyang babae.
"Na sa kusina po ako" sagot ni Yamari.
Matapos tanungin ni inspector megure nang ilan pang katanungan ay pinalabas na namin ito at pinapasok agad ang isa pa sa mga suspek.
Si Dasuwi Artaro. Isa siyang lalaki na may malaking pangangatawan. Kaibigan din siya ni Genta.
"nasaan ka noong nangyari ang krimen?. maari mo bang isalaysay sa amin"?
"nasa isang cubicle ako at nagbabawas"
Katulad nang kay yamiro, ilan pang katanungan ang aming itinanong bago ito palabasin.
Sumunod naman si Kabomi Jidiyo. Siya ang kasintahan ni Genta.
"nasaan ka nung nanyari ang krimen at ano ang iyong ginagawa?"
"Lumabas po ako ng VIP room kung saan nandoon kami ni Genta para sabihin sa isang crew na wala ng inumin at pagkain sa loob"
Matapos tanungin ang lahat ng suspek ay agad kong pinagaralan ang kanilang mga isinagot, baka sakaling may loop holes sa kanilang mga sinabi, o butas.
Yamari Hata. 24 years old. Matagal ng crew sa Bar at kaibigan ni Genta. Nasa kusina daw siyan nang nagyari ang krimen. Ngunit walang proof o ebidensiya.
Si Dasuwi Artaro. 30 years old, kaibigan siya ni Genta at palagi siya nitong kasama sa Bar na yun. Nasa isang cubicle daw siya at nagbabawas ngunit walang proof o ebidensiya.
Si Kabomi Jidiyo. 26 years old. Matagal nang kasintahan ni Genta. Lumabas da ng VIP room upang humingi ng alak at pagkain ngunit walng proof o ebidensiya.
Pagkatapos naming tanungin ang mga suspek ay agad akong nagpaalam kayna inspector megure upang umuwi na sa bahay at makapagpahinga.
"Kung sakaling may malalaman kayong bagong impormasyon, ipagpaalam niyo sana sa akin"
"makakaasa ka Chieko" sagot naman ni Inspector Megure.
Kasalukuyan akong nagmamaneho pauwi sa bahay. Sobrang pagod na rin ako at kailangan ko nang magpahinga. Aba tao din naman ako no!
Mayroon akong weird feeling sa taong yun. Maari kayang siya?
Kailangan ko pa nang konkretong ebidensiya. Kailangan ko nang...
oo tama! kailangan ko kaagad mapuntahan ulit ang crime scene ngunit gagawin ko yun, first thing in the morning na lang. Pagod na talaga ako pati ang utak ko.
---------
Matiwasay naman akong nakarating sa bahay kahit sabi ko nga sa inyo, mahirap mag drive dito sa japan, hindi katulad sa pinas na pwepweding makalusot agad sa nanghuli sa iyo.
Dito kasi kailangan mo munang dumaan sa iba't ibang proseso bago mo ulit makuha ang license.
"Oh chieko, my baby GIIIRRLL, you arrived na pala"
Si mom yan, super OA na naman. Pssh.
Hindi ko nalang siya pinansin at dumiretso na ako sa kwarto ko.
Walang kwenta bang anak? haha.. sareeh, sanya na din naman sila sa akin.
Gusto ko na talagang magrest, kailangan ko pang makausap bukas si Dad,. Mayroon lang akong itatanong sa kanya na importante. Kailangan ko na talaga mahuli ang killer. Bukas na kasi ng gabi ang uwi namin sa pilipinas. :((( I'll miss Japan.
-----
Hanggang dito na lang muna.. :) salamat dun sa mga bumabasa.. keep it guys.
-ellacuties.
YOU ARE READING
Princess in Case
Mystery / ThrillerIsang babaeng hindi pang karaniwan ang galing. She's clever. She's cheerful. She's a genius and gorgeous. She's different. She can solve tough cases that others cannot. If you want to know her better, read her story. You'll believe in her. A woman...
