TAMPO?

2.6K 68 6
                                    

DIABLERIE MEAN'S POV

FINE.

Ako na nagtampo kanina.Pero isipin niyo nakakainis naman siya talaga diba?

Okay.

Ako ang nag umpisa pero kailangan ba gayahin niya din ang pagtatampo ko?Ano bang malay ko na magso sorry pala siya agad e di sana hindi nako nakinig ng music habang nasa kotse kami!

Tsaka isipin niyo naman!Siya na nga tong pinagluto ng masarap na breakfast na halos siya na nga ang nakarami tapos sasabihan niya ko ng THE FEELING IS MUTUAL!WTf!

Sige.Sabihin niyo sakin.Kung kayo ang nasa kalagayan ko hindi ba kayo maiinis at mananahimik nalang kung yung contract boyfriend mo e bigla ka na lang sasabihan ng ganun ng ganito kaaga.Kasira ng mood diba?

K.Tsss.I know 2 months lang kami sa relationship namin gaya ng sinabi ko pero kasama naman siguro dun yung kahit paano maging considerate sa feelings ng partner niya diba?WAIT.Anong feelings ba tong sinasabi ko ngayon?May feelings ba ako sakanya?

AH EWAN!Nagiging magulo na.Pero labag man sa kalooban ko e ito sinusuyo ko na tong nagtatampong kasama ko ngayon baka umabot pa to hanggang sa first period malasin pa ako.

"Uy Rude..Sorry na.Ulitin mo nalang ulit yung mga sinabi mo kanina oh.Para bati na tayo."sabi ko sakanya habang nagda drive padin.Shet!Pano ko ba to pababalikin sa mood  niya?Naman oh!

"Its babe.Not Rude.In case you forgot."diretsong sabi niya habang nakatingin lang sa daan na hindi man lang nag abalang tignan ako saglit habang sinasabi niya yun.

Wow ha!Just wow!Nagiging suplado siya masyado pag nagtatampo!Echosero to!Napapa english pa!

"Okay..Babe...I'm sorry."sabi ko in my very sweet and gentle voice.Whoo!Sana naman maramdaman na niya yung sincerity dun noh!

Pasimple lang niya akong tinignan saka binalik ulit ang tingin sa daan.Nananadya na to ah!Gusto pa ata magmakaawa ako sakanya ng todo!OA na siya ha.!

"Babe ano ba!Kausapin moko ng maayos.Para naman tayong may PMS pareho neto eh.Bati na kasi tayo."sabi ko na medyo may halong inis na sa tono ng boses ko pero siyempre slight lang yun.

"May nagso sorry bang naiinis agad?"tanong naman niya at dun nako napapikit ng mariin saka ako ulit nagsalita.Konting pasensiya pa Diablerie...Wag ka munang magpaka evil..Isipin mo nalang kasama to sa plano..

"Ihinto mo ang kotse."sabi ko.

"Tss.Fine."sabi niya at iginilid muna ang sasakyan.

"Okay.Tell me.Anong gusto mong gawin ko para hindi kana magtampo."tanong ko.

"Isa lang naman e.Sorry is not enough.You need to take back what you have said earlier."sabi niya.Pambihira!Bilib na talaga ako sa english skills ng isang to.Dalas dalasan ko kaya ang pang iinis sakanya para lagi siyang naka english mode?Haha.On second thought wag nalang.Mahirap suyuin eh!Mas mahirap pa sakin!haha!

"So gusto mong bawiin ko yung I hate you na sinabi ko?"paninigurado ko.Malay ko kung may nasabi pa akong iba mahirap na at baka mas lalong magtampo.

321 BREAK NA TAYO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon