23 September 2020

2 0 0
                                    

To my first love,

A few days ago, may trending sa Facebook. Sabi nila it's National First Love Day. Of course, wala naman akong pakielam talaga whether it's a declared holiday or not. Malamang gawa gawa lang iyon. But then, I remembered you.

So I decided to write this. Ang tagal tagal na nung huli kitang nakausap at nakita. Three years ago, right?

Naalala lang kita pero di kita namiss. Hanggang ngayon di pa rin naman ako galit sa'yo. Kahit noong panahon na iniiyakan pa kita, laging sarili ko ang sinisisi ko.

Pero sinubukan kitang hanapin. Oo, tama. Sinubukan kitang hanapin sa bawat taong nakakasalamuha ko. Naiinis ako. Walang makapantay sa iyo.

Wala yung nakikinig talaga sa akin. Wala yung may makabuluhan na sinasagot sa akin kapag humihingi ako ng payo. Wala yung concern talaga sa akin. Bakit naman ganoon?

Gusto kitang tanungin kung anong payo ibibigay mo sa akin, kapag nalaman mo kung gaano ako katanga pumili ng lalaki. Hahahaha.

Alam mo ba. Umiyak na naman ako. May iniyakan ako. Sabi mo dati ayaw na ayaw mo ko nakikitang umiiyak. Samantalang sila, ginawa na nilang hobby na saktan ako. Hehe.

Bigyan mo naman ako ng payo. Ano kayang mali sa akin at ginagawa nila akong reserba?

Nagdesisyon na ko ngayon na, hihintayin ko na talaga yung ibibigay sa akin ng Panginoon.

Kahit naiinggit ako sa iyo. Hahaha. Sabi mo dati di mo kayang magmahal pero tignan mo, ang tagal niyo na ng girlfriend mo. Ipinagdasal ko din noon na sana maging masaya ka na. At alam ko na masaya ka na talaga.

Proud ako sa'yo. Haha. Sobra.

Sana mas naging mabuti akong kaibigan sa iyo noon pero di ko naman na maibabalik iyon eh. Hiling ko na lang na sana, naging mabuti akong kaibigan sa iyo.

Nagmamahal,
A

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 23, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Remembering YouWhere stories live. Discover now