1 - Sparks Fly

144 10 3
                                    


"You're the kind of reckless that should send me running, but I kinda know that I won't get far."


"Galingan mo sa first day mo, ha, anak!" Papa waved at me habang pababa ako ng sasakyan. "Tawag ka kung magpapasundo ka na!"

"Yes, papa." Sagot ko sa kanya. "Ingat ka po pauwi."

 First day at my new school. Hindi ko alam kung naeexcite ako or kinakabahan. Siguro more on kinakabahan kasi ang laki nitong school na to compared sa school ko dati. Sabi rin ni Ate Jem, karamihan ng students dito, hindi katiwa tiwala.

Ewan. Bahala na.

Naglakad ako papasok ng building. Halo halong mga mukha ang nakita ko. May mga babaeng mukhang mabait, may mga lalakeng mukhang hindi dapat pagkatiwalaan, may mga students din naman na mukhang gusto na lang nilang umuwi. Same, sis. 

Rinig ko ang usapan nila at ramdam ko ring nakatingin sakin ang ibang mga tao. Naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko sa bulsa ko. Kinuha ko to at tiningnan.

Ate Jem [7:42AM]: Punta ka office sa Third Floor, kanan ka sa unang hallway, tapos yung pangatlong pintuan sa kaliwang side. 

Ano ba naman tong si Ate Jem, alam naman niyang mahina ako sa directions, ganyan pa ibibigay sakin. Deep inside, medyo nagtatampo ako kay Ate Jem kasi hindi niya ko sinamahan, pero naiintindihan ko rin naman, kailangan ko nang matuto mabuhay mag isa. Hindi naman habangbuhay nandiyan si Ate Jem para sakin. 

Tinry ko ang best ko na sundin yung directions na binigay sakin ni Ate Jem. Third floor, kanan sa unang hallway, pang ilang pintuan ulit? Patingin tingin ako sa phone ko para hindi ko makaligtaan. 

Habang binabasa ko ulit yung text ni Ate Jem, naramdaman kong may bumangga sakin. 

"Sorry!" Sabi ko agad. Ilang segundo ang lumipas bago ko marealize na sa poste pala ako bumangga. Narinig kong may tumawa. Tumalikod ako to see kung sino yung naka witness ng first ever kahihiyan ko sa school, and I saw a girl who looked like she was around my age, sitting on one of the benches sa hallway. 

"Pinapatawad ka na raw ng poste, miss." Sabi niya sakin. Napansin niyang nakatingin ako? 

Tumayo siya at naglakad papalapit sakin. 

"I'm Gia Muse, Grade 11 student." Inextend niya ang kamay niya at nginitian ako. Ang ganda niya pag naka ngiti, kamukha niya si Liza Soberano kapag malapitan. "Bago ka dito, diba?" 

I blinked twice before I realized what she was trying to do. Kinuha ko ang kamay niya at nakipag handshake ako. "I'm Ella. Oo, bago ako dito. Paano mo nalaman?"

"Lahat kasi ng new student dito bumabangga talaga diyan sa poste." Sabi niya sakin, hindi pa rin binibitawan ang kamay ko. "Rite of passage na siguro para masabing tunay kang estudyante dito."

"Ahh.." Na lang ang nasagot ko dahil hindi ko na alam ang sasabihin. 

"Papunta kang office?" Tanong niya.

"Ah, oo." Dahan dahan kong binawi ang kamay ko.

"Samahan na kita." 

Naglakad kami ni Gia in silence. Mali naman ata si Ate Jem, parang okay naman mga tao dito. Ata. Sana.

Nakarating kami sa office after a few minutes. 

"Sige, mauna na ko, ha? Samahan sana kita sa loob, kaso mainit dugo sakin ng mga tao diyan." Sabi ni Gia sakin. "See you around, new kid!" 

"Thank you," Sabi ko. "Sorry sa abala!" I watched her jog away from the office.

She really went out of her way para lang ihatid ako dito? Ang bait niya naman. Pero bakit kaya sinabi niyang mainit dugo sa kanya ng mga tao sa office? Weird.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Sep 23, 2020 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Our PlaylistDonde viven las historias. Descúbrelo ahora