"Grabe ang lamig!" Sabi ko kay Avery na kausap ko sa telepono. Nakalimutan ko kasing patayin ang AC.
"Parang convo niyo kasing lamig ng yelo hahahahahah" I rolled my eyes kahit hindi niya ako nakikita. Eh Wala nga akong ka chat tapos lalamigin pa.
"Messenger ko bolok. Walang nag chachat" totoo naman talaga tamang scroll lang ako sa fb. Kadalasan may nagchachat pero lahat iyon mga kaibigan ko.
"Maghanap kana kasi ng jowa, ang daming nanliligaw sa'yo tapos ni isa wala kang sinagot" kasi naman po malalaman mo nalang na ang manliligaw mo ay may jowa na o hindi kaya ay mayruon ring ibang nililigawan may pasabi-sabi pang HIHINTAYIN KITA. duhhh ganda problem
"Hindi ko sila type" ayoko sa mga playboy. Kadalasan kasi sa kabataan ngayon palaging may extra. Hindi nalang kasi makontento sa isa char.
"Iba kasi type mo, iyong mga tipo mo ay nasa ibang planeta" ay grabe kung maka salita parang mga tipo ko ay mga alien. Mataas kasi standard ko sa lalaki dahil sa kakapanuod ng anime at kdrama plus palaging nagbabasa ng wattpad.
"Ayoko monang masaktan Ver, nasaktan na ako tapos ayokong maranasan iyong mga naranasan mo noon" noong JHS pa kasi kami ay iniwan siya ng first love niya at 5 years pa bago siya naka move-on. Kung makapag salita ako parang hindi korin pinagdaanan mga naranasan niya.
"Gusto mo paba siya?" pag-iiba niya sa usapan. Alam ko kung sino tinutokoy niya. Grabe 4 years na ang nakaraan pero ang sakit nandito parin. Madali mong malimutan iyong tao pero ang sakit na dinulot sayo ay matagal mawala.
"Hindi na syempre, alam mo naman mga ginawa niya sakin. At bakit ba napunta ang usapan sa kaniya hahahaha. Let's just move forward sis" ayoko talagang balikan ang mga ala-alang dapat ay matagal ng kinalimutan.
"Basta ang puso ingatan mo, bye na muna beh. Bebe time naako hehe" oh diba buti pa siya nakamove on na hahaha. Basta masaya itong bestfriend ko masaya narin ako. May mga tao talagang darating at aalis sa buhay mo.
"Sanaol! hahahaha bye beh" hindi lahat ng tao mananatili sa buhay mo. Lesson learned hahaha.
"Sis, tapos kana ba diyan? ipapasa kona tu sa teacher natin. Malapit nang gumabi oh baka uuwi na si sir" sabi ni Angel. Ngayon na kasi ang deadline ng mg projects namin. Kaya sobrang busy ko to the point na hindi na ako nagpaparamdam sa jowa ko.
"Hindi pa, malapit na." Buti nalang talaga at nandiyan pa iyong mga profesor namin. "Oh ayan tapos na" dali dali kaming tumakbo pababa kasi para ipasa lahat ng mga dapat ipasa. Halos lahat kaming magkaklase ay hindi pa tapos.
Tiningnan ko ang aking telepono kung may text ba galing kay Jigs pero ni hi wala. Duon ko lang na realize na anniversary pala namin ngayon.
"May lakad ka ngayon? Traffic ngayon sa Mandaue" napansin niya kasing nagmamadali akong maglakad
"Anniversary pala namin ngayon, nakalimutan ko. Paano na tu? Tapos parang uulan pa." Mangiyakngiyak kong sabi.
"Bukas mo nalang puntahan, baka mapahamak kapa diyan, eh gabi na alam mo naman dito sa syudad maraming hindi natin inaasahan na mangyayari" 1 hour Lang talaga ang byahe papuntang Talisay pero dahil traffic ngayon baka 3 hours bago pa ako makarating duon.
"Susorpresahin ko siya bukas, gusto kong bumawi sa kaniya. 1 buwan kaming hindi nagkita dahil busy kaming dalawa" Final exam na Kasi
"Basta bukas mo nalang puntahan para hindi ka mapahamak, at tiyaka wala tayong pasok dahil linggo. Tara na! Malapit nang umulan oh!" Dali-dali kaming pumara ng jeep dahil maypaparating na ulan.
Kinabukasan, maaga akong pumunta sa apartment ni jigs para surpresahin siya. Dahan-dahan akong pumasok dahil alam kong tulog pa siya sa nga oras natu at may extra Susi ako. Pagpasok ko sa kaniyang silid bigla kong naamoy ang baho ng alak at insaktong may nagmessage sa kaniya.
From: Kate
Thank you for that wonderful night. I really have fun and I send you a video about last night. Hope that you won't forget it.
From: Kate
Sent a Video
Dahan-dahan akong lumabas sa kaniyang silid para panoorin ang video. Kinabahan ako ng gusto dahil in the first place babae ang nagtext sa kaniya at parang kagabi ay galing siya sa inuman.
"Maganda ba ako?" Ito siguro si kate.
"Yes kate" hindi pa lasing dito ang gago
"Mahal mo paba si Kelsey?" Biglang tanong ni Kate. Lumakas yung kaba ko dahil sa tanong niya.
"Mahal? Hahahahaha ulol 4 years na kami pero hindi ko parin siya natutunang mahalin, maybe because she's not my type. Jinowa ko lang siya para may tutulong sakin sa pag-aaral dahil pag may bagsak ako sa sem tiyak na kukunin ni mommy iyong car ko." Diko namalayan na napahikbi na talaga ako. Ang sakit grabe sobrang sakit.
"Let's just have fun tonight" sabi ni Kate ng may malandi na tono. Biglang lumabas si jigs galing sa silid niya at eksakto dahil tapos na ang video
"Babe, bakit ka umiiyak?" Hindi ko sinagot ang tanong niya dahil tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha ko.
"Bakit pinaabot mo ng 4 years jigs kung hindi mo pala ako mahal. Bakit? Minahal naman kita ng lubos ah mas Mahal pakita kaysa sa sarili ko pero ito iyong matatanggap ko?! Gagohan lang tayo ha?! Pwes ngayon masaya kana ha?! Masaya kanang napaikot mo ako ng apat na taon. Pinagkatiwalaan kita jigs tapos gagagohin molang ako?! Anong klaseng tao ka? May konsensya ka paba ha?!" Napaluhod na talaga ako dahil ang sakitsakit na. Bigla Niya akong niyakap habang ako ay patuloy sa aking pag-iyak.
"Bakit mo ginawa sakin to jigs? Bakit?" Parang bumubulong nalang ako dahil sa panghihina ko. Kinalas ko ang yakap niya dahil nandidiri ako sa kanya at ayoko nang makita siya.
"I guess this will be the last huh. Happy anniversary babe. Thank you for being there for me at my worst kahit na fake lang pala lahat sa'yo. Paalam na Mahal" nakatingin lang siya sa akin kaya dali-dali akong lumabas.
"Blackpink in your are! Blackpink in your area!" Bigla akong napadilat dahil sa alarm ko at kinapa ko ang pisngi ko at nararamdaman ko na bumabasa ang pisngi ko. Dahil pala sa masamang panaginip ko.
YOU ARE READING
Faraway Love
RomanceKelsey Montero is afraid to fall inlove again because of her past relationship but Paulo Hemsworth a young business man waited her for more than 3 years. Is Kelsey will love him back or not?
