better off

1.1K 15 4
                                    

minsan talaga kailangan mo lang malaman yung sagot sa mga tanong mo

"Hey, engineer! Wake up na po. You have to report early, diba? Sabi mo." Jessey said as she hug Alyssa who is soundly sleeping on the bed.

"Tito Ram can wait naman, I guess." Ly said and pulled Jessey closer to her and peppered her face with kisses habang kinikiliti pa.

"Oh my gosh, babe! Aaaah, stop na!" Jessey said. "Wag na kasiiii! Hahahaha!"

Alyssa stopped nung nakawala sa kanya si Jessey at bumaba sa kama.

"Aba, tinatakasan mo na ako ngayon, ah!" Ly said and chased Jessey inside the room. "I'm comin' for you, pretty engineer!" She said and nagpaikot-ikot sila sa loob ng kwarto.

"Oh my gosh, babe! Ang ingay natin, andiyan sila kuya sa labas!" Jessey said.

Bigla namang bumukas yung pinto ng kwarto ni Alyssa at pumasok si Nicko, Alyssa's older brother.

"Hala sila? Kaya pala ayaw ni mommy at daddy na pumapasok dito eh!" He said. He went inside Alyssa's CR and kinuha yung isang towel sa loob.

"Gagamitin ko yan, maliligo na nga ako eh!" Ly said.

"Yung isa na lang sayo. Malinis naman 'to, diba?" Nicko said.

"Oo! Tangina mo, uuwi ka dito tas mangunguha ka lang ng gamit ng may gamit. Bili din kasi!" Ly said.

"Tangina neto, yung mga shirt ko nga lagi mong ginagamit pag wala ako eh!" Sabi naman ni Nicko. "Tsaka, hayaan mo na. Andiyan naman si Jes eh. Siya na lang pantuyo mo. Hahaha." He said and looked at Jessey. "Jes, ah. Dry her properly." Sabi niya at lumabas na.

"Gago talaga." Naiiling na sabi ni Alyssa.

"Pareho lang kayo." Jessey said. "Halika na. Tito and tita are waiting for us na."

"Sunod ako. Hilamos lang ako." Ly said.

"Bilisan mo, ah." Sabi ni Jessey.

"Copy, boss engineer!" Ly said and kinidatan si Jessey. Jessey just smiled at her and went out. "Tangina, ang swerte mo, Alyssa Valdez!!!" She screamed which made Jessey smile on her way to the dining where Alyssa's family is waiting.

When Alyssa went down, masama ang tingin sa kanya ni Nicko.

"Inaano kita?" She asked at pinitik ang noo ng kuya niya.

"Aray ko!" Nicko said and binatukan naman siya. "Ngayon na lang ako umuwi, pinaghintay mo pa ako? Walang kwenta talaga."

"Sinabi ko bang umuwi ka?" Ly said and laughed.

"Kayong dalawa talaga. Asa harap ng pagkain, umayos nga kayo." Sabi ng mommy nila.

"Si Ly kasi!"

"Si kuya kasi!"

"You guys are 28 and 27, mahiya naman kayo kay Jes." Sabi ng daddy nila.

"Naku, tito, okay lang po. Sanay na. Hahaha." Jes said.

Ganito kasi talaga si Alyssa at ang kuya niya. Hindi naman sila nag-aaway. Ganito lang talaga sila mag-usap, magbiruan at maglambingan.

"Masanay ka na talaga 'cause you'll freakin' see this for the rest of your life pag asawa na kita." Ly said and smiled at her.

"Feeling! Pag nauntog yang si Jes, iiwan ka niyan! Matatauhan na yan!" Nicko said.

"Ikaw nga, hindi pa nauuntog si Carla, iniwan ka na eh! Hahaha." Banat naman ni Alyssa.

Bittersweet ShotsOnde histórias criam vida. Descubra agora