CHAPTER 13

108 5 29
                                    


JELAY POV

Di nya ako hinintay, una sya lumabas ng kotse ng walang pasabi kaya kinabahan ako baka nagalit sya sa ginawa ko. Di ko naman yun ginusto na halikan sya. And ingay nya kasi kaya napilitin akong gawin yun, pumasok ako sa loob ng classroom namin. Di nya parin ako pinansin sinubukan ko syang kulitin pero sinamaan nya ako ng tingin. Hinawakan ko yung kamay nya pero hinampas nya ng libro yung malikot kung kamay. Di ako nakikinig sa prof. Namin na kay kaori ako nakatingin buong discussion.

Pumunta sya ng cafeteria kasama sila Gian at sinundan ko sya. Umorder ako ng kakainin.

"Pwede makitable ?"paalam ko kila gian tumango naman sila Gian. Pero di umusog si kaori sa halip hinarang nya yung kamay nya pra di ako paupuin sa tabi nya. Lumipat ako ng upo sa tapat nya

" can I join you guys?"singit nung nasa likuran paglingon namin si lienel.

"No" diretsong kung sagot at tinignan ko si kaori.

"Yes pwede! Dito ka" pahabol ni kaori at pinaupo nya si lienel sa side nya.

Gusto kung magwala pero di ko magawa! Kaya yung hawak kung kubyertos yung hinigpitan ko ng hawak.

"Jelay,kaawaan mo naman yung kubyertos" suway sakin ni seth

Nag eenjoy sina kaori at lienel sa pagkain at pasimpleng ngitian ng napaka tamis ni kaori yun epal,habang ako nagpigil ng inis di ko kinaya yung harutan nila umalis ako sa grupo.

"Cr lang ako" paalam ko sa kanila

Umalis ako sa cafeteria at tumambay sa Garden ng school at naglabas ng sama ng loob. At biglang sumulpot si Lara.

"Mag isa ka ata?" Si Lara

"Hmm" sabi ko

"Namiss kita Jillian" naluluhang sabi nya

"Please Lara utang na loob wag kang umiyak,kung pumunta kalang dito para magmakaawa sakin makakaalis kana" sabi ko

Tumabi sya sakin at sinandal yung ulo nya sa balikat ko at nagulat ako dun pero hinahayaan ko lang sya.

"Gusto ko ganito lang tayo lagi Jill,yung di mo ko tinataboy" lambing nya habang nakasandal sakin

"Magkaibigan parin naman tayo kahit hiwalay na tayo diba?" Sabi ko

"Mas gusto ko yung may tayo"singit nya ulit

"Lara please wag muna ipilit yung sarili mo sakin masasaktan kalang"pagmamakaawa ko.

Nagulat ako ng biglang yumakap si Lara sakin ng napakahigpit, nakaramdam ako bumasa yung damit ko, siguro umiiyak sya kaya hinayaan ko nalang sya. Hinagod ko yung likod nya para tumahan sya ng pag iyak.

" Alam ko dinadamayan mo lang ako, pero salamat Jill"sabi nya habang yakap ako

After naming mag usap ni Lara hinatid ko sya sa building nila.

KAORI POV

Umalis si Jelay kaya sinundan ko sya kung San sya pupunta. Nakita ko sya na pumunta sa Garden at naupo dun. Gusto ko syang lapitan pero naunahan ako ni Lara kaya pinagmasadan ko lang ginagawa nila. Di ko naririnig pinag uusapan nila. Nanlaki ang singkit kung mata nung yumakap sa kanya si lara. Nakaramdam ako ng konting selos nung yumakap pabalik sa kanya si Jelay at hinagod yung likod ni Lara kaya di ko natiis yung nakita ko umalis ako dun.

Di ko maiintindihan yung nararamdam ko parang sumisikip yung dibdib ko sa nakita ko. Nagtungo ako sa classroom namin, nakita ko pumasok si Jelay pero di sya tumabi ng upo sakin. Dun sya tumabi ng upo kay achi gusto ko syang lingunin pero kinakain ako ng pride ko kaya di ko ginawa.

Nasa parking lot ako ngayon inaantay sya kasi sabi nya. Ihahatid nya raw ako pag uwi . nakita ko sya na mapupunta sa gawi ko pero may kasama sya si Lara . at napansin ako ni Lara kaya binati ako ni Lara.

"Hi kaori!" Nakangiting sabi ni Lara

"Hello Lara" sabi ko

"Uuwi kana ba? Tara Sabay kana samin" alok nya sakin at tinignan ko si Jelay na kumunot yung noo.

"Tara na Lara di sya sasabay satin, may maghahatid sa kanya" singit ni jelay at pinagbuksan ng pinto si Lara.

Pinaandar ni Jelay yung sasakyan ng di ako liningon ,nanatili lang akong nakatingin sa pag alis nya hanggang tuluyang mawala yung sasakyan sa paningin ko. Bumalik ako sa reyalidad ng biglang nagsalita si Lienel mula sa likuran .

"Kaori! Di ka paba uuwi?" Tanong nya sakin.

"uuwi na " tipid kung sagot

"Tara ihahatid na kita" alok nya at pumayag rin ako.

Habang nasa byahe kami Panay yung kwento ni lienel about sa family nya. Pati na rin sa buhay nya.sinabi nya rin na magpinsan sila ni Jelay at di sila gaanong ka close. Di ko naalala yung ibang sinabi nya kasi di naman ako interesado sa nga kinukwento nya.

Pagkarating namin sa bahay, dali dali akong bumaba sa sasakyan at nagpasalamat sa kanya. Nauna nakong pumasok di ko na inantay yung pag alis nya. Dumiretso ako sa kwarto at pabagsak nahiga sa malambong kung kama. Pipikit na sana ako ng may biglang kumatok.

* TOK ! * TOK!

"pasok!" Utos ko

"Kaori!" Sabi ni kare at tumabi sakin ng higa.

"Hoy magkwento ka namang bruha ka?!pangungulit nya

" anong namang ikukwento ko huh?"naiinis na saad ko

"Ano na real score nyo ni pilones kayo naba?"Biro nya

" anong kami di no?"pagsusungit ko

"Oh bakit kanina, sinusundo ka nya aber?"usisa ni Kare

" aba Malay ko!"depensa ko

"Alam mo kanina nung nasa cafeteria tayo, ang sama ng tingin nya sa inyo ni lienel kulang nalang kainin kayo ng buhay" sabi nya

"So? Paki Alam ko?bored kung sagot

" sus kunyare kapa ! Akala mo di kita napansin na sinundan mo sya "pang aasar nya sakin

" di ko sya sinundan no? May pinuntahan lang ako"pagsisinungaling ko

"Oo na, oh sya alis na ako" paalam ni kare

Shit! Muntik naku dun ah! Buti nalang magaling akong magpalusot.

Humiga ulit ako  at sinubukang pumikit pero biglang nagvibrate yung phone ko kaya kinuha ko sa side table at tinignan kung sino yung nagtxt.

1 message from Jelay

Humanda ka sakin! Bukas!

Bwiset pinagbantaan pako! . After kung binasa text nya nilagay ko ulit sa side table yung phone ko.

Lagot ka kaori ginagalit mo so Jelay!

A/N : Goodnight last ud for tonight!









When Love and Hate CollideWhere stories live. Discover now