Chapter 1

11 1 0
                                    

"Dito nalang po. Salamat."

Matuling bumaba si Elianna sa tricycle pagkatapos nyang maiabot ang bayad.

Agad nya ding ibinaba ang kaunting pinamili pagkatapat sa kulay asul na gate, kung saan sya nakatira at pagkatapos ay hinalungkat sa bag ang susi.

"Hey payatot."

Matuling lumingon si Elianna sa nagsalita sa kanyang tagiliran. Napasinghap sya ng  magtama ang kanilang mga mata ng lalaki.

Ang mga mata nito ay may kalakihan at parang nanunukso ang tingin. Para bang kapag tinignan ka nito ay maaakit ka. Matangos ang ilong, mapupulang labi na parang nakakahipnotismo.

Tinignan nya din ang kabuuan ng lalaki. Tall, white and superhandsome.

Parang nakakita si Elianna ng living fictional character. Ang gwapo gwapo ng lalaki at ang bango bango pa. Nakasuot ito ng simpleng white shirt at kulay blue short. Amoy na amoy ni Elianna ang lalaki kahit pa halos isang dipa ang layo nila sa isa't-isa. Ilang eksena na nga ba sa pocketbook ang nababasa ni elianna na sakto ang description sa lalaking kaharap nya ngayon?

Pero tulad ng isang masamang bangungot, ang kani-kanila lang na first encounter nila ng lalaki ay napalitan ng pagsibangot. Hindi nya kaagad makakalimutan ang pagtawag nito sa kanya na payatot. Kaya matulin nyang iniiwas ang tingin sa lalaki kahit pa halatang halata din ni Elianna na masusi din syang sinusuri ng lalaki gaya ng ginawa nya.

Well. Quits na kami.

"Hey. I'm Kayden Kace De Castor. Kayden for short. May i know your name Miss?"

Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Elianna sa ginawang paglapit ng binata at naglahad ito ng kamay.

Siraulo ba tong lalaki na to? Pagkatapos syang pintasan ay bigla nalang magpapakilala sa kanya?

Well, His offer is tempting pero may pangako si Elianna sa sarili. No one's gonna enter in her life. Because entering in her life is misearable.Just like her life right now.

Napatingin sya sa kamay nitong nakalahad at pagkatapos ay sa kanyang mukha. He looks so adorable while grinning at her. God. Kung ganito ba naman ang mag ooffer sayo ng kamay ay bakit hindi?Baka nga halikan pa nya ang lalaki kung hindi sa ganitong pagkakataon ng buhay nya ay nagpakilala ang lalaki sa kanya.

Walang tigil sa mabilis na pagtibok ang puso ni Elianna at kung hindi sa matinding kontrol ay baka hinawakan nga nya ang kamay na nagpakilalang si Kayden.

Pasimpleng sumagap si Elianna ng hangin kapagkwan ay umiwas ng tingin.At ng makapa ang susi ay mabilis nya din iyong pinasok sa keyhole ng hindi sinasadyang mahulog sa kamay nya. Marahil sa pagmamadali o hindi lang napansin ni Elianna na nangingnig na pala ang kanyang kamay kaya hindi nya mabuksan ng maayos ang keyhole.

"Miss?"

Matuling pinulot ni Elianna ang susi ng padlock. Konting nalang talaga at bibigay na ang tuhod nya sa makulit na lalaking ito. 

Hearing his voice is like a knight in shinning armor for Elianna. Para bang gusto nyang kalimutan ang mundo at magpadala sa boses nito. Pakiramdam nya ay nasa isang eksena sya ng pocketbook at kapag hinayaan nya ang lalaki na lumapit man sa kanya ay magkakatotoo ang matagal na nyang pangarap. Ang magkaroon ng mala pocketbook na love stories.

No. Gising elianna. Hindi pwede ang iniisip mo. Erase everything!

Matapos na lihim na kastiguhin ang sarili ay tumayo na ulit si Elianna at sa pagkakataon iyon, nabuksan na nya ang padlock.

Mabilis pa sa alas tres na kinuha nya ang pinamili at itinulak ang gate. Pero hindi inaasahan ni elianna ang nangyari, dahil mabilis na napigil ng mga kamay ni Kayden ang pagbukas ng gate.Opposite of what elianna do, hinila ng muli ni Kayden ang gate para maisara ito. Halos pangapusan ng hininga si Elianna.Nagtama ang mga mata nila ni Kayden.

"Can you at least talk to me? Look, hindi ako nangangagat ng buto-buto. I mean,"

Sinamaan nya to ng tingin. Kaya hindi nito maituloy-tuloy ang sasabihin. Tinignan pa sya ng lalaki mula ulo hanggang paa at pagkatapos ay ngumiti ng pagkatamis-tamis ng magtama ang mga mata nila.

Para namang matutunaw ang puso ni Elianna dahil ngayon lang may lalaking ngumiti sa kanya at sobrang gwapo pa. It excites her more. In her 25 years of existence, hindi nya maisip kung paano at nakatagpo sya ng pintaserong lalaki pero puring-puri naman ng isang bahagi ng isip nya.

"Hey? Pipi ka ba? Bakit ayaw mong magsalita?"

Kumunot ang noo nito at pagkatapos ay nilapit ang mukha kay Elianna. Dahil sa pagkabigla ay matuling syang umatras.

"Tsk."

Napatampal sa ulo ang binata na ikinagulat ni Elianna. May sabak pa yata ang lalaki nato. Sayang naman kung ganon. Naisip nya.

Pero agad ding nabura ang iniisip ni Elianna nang magsalita si Kayden.

"I'm sorry. I should'nt aprroached you like that. Siguro akala mo artista ko no? I'm sorry, but i'm just an ordinary person living an ordinary world. I'm your new neighbor. Right beside your house. So?"

Natawa pa ito sa sariling joke.
Nanunukso rin ang ngiti ni Kayden at manghang napatitig nalang ni Elianna sa kanya.

I think i can't get enough of him this easily.

Bago pa kung ano-ano ang maisip ni Elianna sa lalaki at bago pa makuha ni Kayden ang samut-saring emosyon na ginigising ng lalaki sa kanya  ay marahan syang lumakad sa gilid ni Kayden. Pero bago pa man sya makapasok sa gate ay nagsalita nanaman ang makulit na lalaki.

"Miss, i think may tagos ka."

Tugon nito ng makatalikod sya  dito saka humahakhak.Bumilis ng doble ang tibok ng puso ni Elianna kasabay ng pag iinit ng kanyang ulo sa sanabi nito kaya't napatakbo ng matulin si Elianna sa kanyang bahay. At matulin ding isinara ang pinto.

Bwiset na lalaki ka talaga!

Love of my life (Completed)Where stories live. Discover now