"Football player ayta 'yan, e. Hindi schoolmate nina Mooze," sagot ko habang tinitignan din ang lalakeng makisig na nakikipagtawanan sa kiosk.

Lahat naman ng Montevinski ay gwapo. Sila ang may ari sa halos lahat ng campus na nakakalaro namin. Hindi lang din iyon ang business nila, they have chains of restaurannts, hotels, enterprises, and more other services. Mayayaman at matunog ang mga pangalan.

"Eh, sino 'yan?" si Covy.

"Xydon," sagot ko at naglakad na kami pabalik sa quarter. Doon kami nagpahinga habang nanonood at kumakain. Minsan ay ka-chat ko si Zoren sa IG.

Fr: ZorenGray

I didn't see you eat lunch.

To: ZorenGray

We ordered our own food. Dito kami kumain.

Seafoods kasi ang menu, e, allergic ako roon. Hindi naman malala pero ayaw ko naman mangati at magkaroon ng pantal-pantal habang nandito. Saka na ako kakain kapag semestral break.

Fr: ZorenGray

You don't like the food?

Napabangon ako sa pagkakahiga rito sa sofa. Natuhod ko pa ang ulo ni Covy na naka-upo sa ibaba. Sinamaan niya ako ng tingin at balik na siya ulit sa panonood. Nag sorry naman ako.

To: ZorenGray

I do. Iba lang gusto ko kanina.

Ayaw kong sabihin sa kaniya na allergic ako sa ganoong klase ng pagkain. Mamaya isipin niya na ignorante lang ako. Duh, doctor ang Mommy ko at abogado ang Daddy ko! We can afford!

Kahit kailan ay napaka-OA ko talagang mag-isip. I always conclude in a speed of light.

Nakasama namin ang mga lalake kanina. Elton was silent and very sensitive. Ang bilis niyang mainis kahit hindi naman inaano. Kapag maingay ay maiirita, kapag magulo ang mga kaibigan ay bubulyawan.

"Huy, okay ka lang? 'Wag masyadong kabado!" sundot ko sa kaniya. Inirapan niya lang ako at hindi pinansin.

Hindi ko na kinulit. I know my place and I know how to give people space. Kung ayaw ng isang tao na mapakialamanan, let that someone be. Let him have his own peace. Baka may iniisip.

Pero kapag kay Zoren, siyempre guguluhin ang buhay.

Hindi kami lumabas ng quarter dahil ang sarap mahiga habang balot ng puting comforter. Nasa itaas ako ng higaan ni Covy at nakikinig lang ng music. Kung ano ano tuloy ang naiisip ko.

Paano kaya kung maging kami ni Zoren? It's not impossible now that we're close and our feelings were proven mutual. Plus, he's extra sweet to me compared to his past flings. Not that I'm assuming I am extra special, too, pero parang ganoon na nga.

We did not eat dinner since we ate so many random food while watching movies. Dahil din sa tagal ng reply ni Zoren kagabi ay nakatulog na ako.

They were a bit busy, too, since their campus hosts the current event. Minor preparations lang naman daw ang inuutos sa kanila. I didn't want to be clingy, so I did not check my phone to control myself from bothering him. Tigas pa man din ng ulo ko.

"First game kaagad tayo mamaya! Kalaban Glazing Fires!" Hingal na hingal si Covy.

Kakatapos namin mag jogging at stretching sa field. Marami rin tao roon at hindi ko nakita si Zoren.

"Sure win ba?" ngisi ni Alysa.

Hindi ako sigurado kung sure win na nga kami sa Glazing Fires. I heard they plan to tear us down because they heard about my thing with Zoren. Half of their varsity members were also crazy over my man. I just find it so childish.

Mid-Air Ball   (The Athletes #1) PUBLISHED UNDER KPUB PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon