Nandito ako ngayon sa aking trabaho bilang isang katulong ng mga Valerio, Pang isang lingo ko na ito ngayon at mabuti naman ang pakikitungo ng aking mga amo saming mga kasambahay. Hindi ako nakatapos ng pag aaral at hanggang third year high school lang ang inabot ko dahil sa hirap ng buhay sa probinsya. Ngayon nga ay dalawampu't isang taong gulang na ako at nakipagsapalaran dito sa Maynila para makapaghanap buhay, maliit kasi talaga ang sahod sa probinsya kaya hindi ito sapat para matulungan ang aking pamilya
Pinagsisilbihan ko ang mag asawang Valerio at ngayon nga ay lahat kami ay busy sa aming trabaho dahil magkakaroon ng party para sa pagbabalik ng isang anak nila sir at maam.
"Mayumi! Dalian mo dyan sa pagpupunas ng mga mesa para malagyan na ng mga mantel"
"Opo nanay Ising" magiliw kong sabi sa kanya at binilisan na ang ginagawa ko
"Naku! Kailangang perpekto ang lahat dahil masyadong metikuloso yung si sir 'Lauro!"
Si sir Lauro ang panganay na anak ng mga amo ko at sa ibang bansa na naglagi ng matagal, siya ang panganay na anak nila maam, nakita ko na siya sa mga larawan na portrait dito sa mansion, at sobrang nakakamangha ang kisig niya, paano pa kaya kapag sa personal? Tiyak na maraming babae ang humahanga sa kanya. Successful din siya bilang isang engineer at may sariling firm kaya palaging ipinagmamalaki sa amin ni maam Valerio.
Ayon sa mga narinig ko dito sa mansyon ay matagal siyang maglalagi dito sa bansa dahil sa isang malaking proyekto. Sana ay mayroon din siyang mabuting kalooban gaya sa kanyang mga magulang.
Mabilis na lumipas ang oras at isang oras nalang ay maguumpisa na ang party para sa pagdating ni sir Lauro, bumalik na muna ako sa maids quarter at naligo saglit, pagkatapos ay nagbihis na ako ng bagong uniporme dahil isa ako sa mga mag seserve sa party
Medyo kinakabahan ako dahil first time ko ang mag serve sa isang party pero nilakasan ko nalang ang loob ko.
Isang fitted na blouse ang suot ko at may tatlong butones sa dibdib at isang fitted skirt. Tumingin ako sa salamin dahil parang maliit na size ang naibigay sakin ni Nanay Ising! Hindi ko mabutones ang dalawang butones sa aking dibdib at kita ang aking cleavage kahit na may katamtamang laki lang ito, pati ang aking skirt ay madyo maikli at hindi ako sanay sa ganito.
Lumabas ako para hanapin si Nanay Ising kung mayroon pa bang mas malaki sa uniporme ko ngunit bigla nalang nagkagulo sa kusina dahil napaaga ng kaonti ang dating ni Sir Lauro!
"Yumi! Pumunta ka na doon sa labas at pumwesto ka na andyan na ang seniorito!"
"Pero Nay! Tingin ko po masyadong maikli yung damit ko, maliit po sa akin" pinasadahan niya naman ako ng tingin at biglang umiling
"Hayaan mo na ngayong gabi lang naman, nag iisa nalang yan, sige na pumunta ka na sa labas"
Tinalikuran na ako ni nanay Ising kaya wala na akong magawa at umalis nalang
Nagpunta ako sa malawak na garden at dumiretso sa bar area upang ayusin ang mga inumin, unti-unti nang nagdadatingan ang mga bisita at lalo akong kinakabahan sa di malamang dahilan. Mayat ymaya ko ding pinipilit pag abutin ang tela sa dibdib ko para hindi Makita ang aking cleavage
"Mayumi!!! Grabe bagay na bagay sayo ang pangalan mo! Sobran g ganda at puti mo lalo sa uniform natin! Bakit ganon?" sabi ng aking kaibigan na si Sandra isa din siya sa mga mag seserve mamaya
"Ano ka ba! Lahat naman tayo! Kaya lang maliit ata ang size na naibigay sa akin hindi ako sanay"
"Ang sexy mo kaya! Ano ka ba? Baka mamaya mas maganda ka pa kaysa sa mga mayayamang bisita"
"Wag mong sabihin yan! Baka may makarinig sayo nakakahiya!"
Ngumiti lang siya ng malaki sa akin at dinilaan ako, umirap nalang ako sa kanya at tumingin sa magarang sasakyan na papasok ng Mansion
"Yumi! Ayan na ata si sir Lauro!!!!"
Kinikilig na tugon ni Sandra
Unti unting tumigil ang kotse at lumabas ang kanilang guard upang pagbuksan ng pinto ang seniorito
Napatanga ako sa kanyang kakisigan, Mataas ang kanyang tindig at natitiyak kong hanggang dibdib niya lang ako dahil sa taas kong 5'2 lamang! Nasa mahigit anim na talampakan ang kanyang taas at mayroon siyang malaking pangangatawan na parang kayang kayang dumurog ng kung sino
Lumapit na ang mag asawang Valerio upang salubungin ang kanilang anak at agad na hinagkan. Pumunta sila sa isang mesa upang umupo at mag usap. Ang tagpong iyon ay naging hudyat upang magsimula ang kasiyahan
Naging abala ako sa paglalagay ng inumin sa mga baso ng panauhin at pagkatapos ay pumasok ako ng kusina upang tumulong kumuha ng mga pagkain
Nakita kong naging abala ang seniorito sa pagbati sa kanyang mga panauhin seryoso siya sa pakikipag usap at pa minsan minsang ngumingisi sa kanyang mga kaibigan
"Huy yumi! Ikaw na ang maglagay ng alak doon sa lamesa ng senior at kanyang mga kaibigan" singit ni Sandra sa akin
"Ha? Bat ako? Diba ikaw ang nakatoka dyan?" kinakabahan kong sagot sa kanya
"Oo nga, kaso ang sama ng tiyan ko" sabi pa niya sa akin habang ngumingiwi
"Ha? Hindi ba makakapagintay yan? Ayoko! Kinakabahan ako"
"Ano ka ba? Hindi ko mapipigil to! Imposible lalabas na!" pumikit ako ng mariin at hindi ko alam kung maiinis ba ako sa kanya o matatawa
Wala na din akong nagawa kaya dumiretso na ako sa bar counter upang kumuha ng alak at dumiretso sa kanilang lamesa
Anim sila sa isang mesa at kabaliktaran ng tugtog ang kanilang mga ekspresyon habang nag uusap, hindi ko maiwasang pansinin ang kanilang mga pisikal na anyo dahil wala ata silang kapintasan lahat. Ngunit alam ko sa sarili ko na kahit na gaano man sila ka perpekto ay hindi ako mahuhulog sa kagaya nila dahil ang pangarap ko ay magkaroon ng simpleng buhay kasama ang isang simpleng tao, hindi ko tuloy maiwasang isipin ang aking naiwang kaibigan sa probinsya na pinangakuan ko ng pagmamahal, kapag nakaipon na ako maaari nakong umuwi at mapagbigyan ang aming pagmamahalan.
Di ko maiwasang mapa ngiti sa isiping yun at nagpawala sa aking kaba.
Huminto ako sa harapan ng lamesa habang hawak ang bote ng wine, hindi ko alam kung bakit bigla nalang silang tumigil sa pag uusap at tumingin sa akin na agad kinatalon ng puso ko sa kaba
"Uhm, excuse me po, lalagyan ko lang po ulit ng inumin ang inyong mga baso" nahihiya kong sabi at hindi ko mapigilang mapayuko
Narinig kong may sumipol sa isa sa mga kaibigan ni Sir Lauro ngunit hinayaan ko na lamang iyon
"Fill me some" Ma awtoridad na boses ang narinig ko na nagmula kay sir Lauro
Unti unti akong lumapit sa tabi niya at bahagyang yumuko upang salinan siya ng inumin, napatingin ako sa gawi niya at nabutan ko siyang nakatingin sa nakahantad kong hita pataas sa aking dibdib. Agad akong tumuwid ng tayo at naiilang na napayuko
"who are you?" nanlaki ang mata ko ng magtanong siya
"K-Katulong niyo po ako dito"
"Im asking for your name" sambit niyang muli habang nakatitig sa akin ng mariin at dinilaan niya ang palibot ng kanyang ibabang labi
"Y-yumi po, Mayumi po sir" kinakabahang ani ko dahil sa intensidad ng kanyang mga tingin sa akin at bumababa pa ito sa aking dibdib
Nakatitig lang siya sa akin at hindi ko alam kung anona ang gagawin ko, sa huli ay napagdesisyonan kong lagyan na din ng inumin ang iba pang mga baso
"Did I fucking told you to serve these motherfuckers huh Yumi?" agad akong napatigil sa tigas ng kanyang boses at nagtayuan ang balahibo ko dahil sa takot na dala nito
"Just stay there and serve me" agad akong napamaang sa kanya at nakita ko ang kanyang mga kaibigan na mayroong kakaibang ngisi sa kanilang mga mukha
"Sir hindi ko po kayo maintindihan" maguguluhan kong sabi sa kanya
Napakagat siya sa kanyang labi at uminom ng alak
"sit here"
"po?"
Kumunot ang noo niya sa akin at nagdilim ang kanyang mga mata
"I don't like asking twice Yumi, now sit your fucking ass in my lap"
i need comments before i post the next chapter,,, hehe check lang uf may magbabasa üwü
YOU ARE READING
Dark Dominant: Conquer You
RomanceDark Romance, Strong Sexual Content Not for kids This story is a sexual fantasy, if its not your type of story dont read and skip.
