"Name?" Tanong ni Adi.

"Grace." Sagot ko.

"Bagong babae na naman?" Tanong bigla ni Ariel sa kaibigan, tumawa lang ang dalawa saka tumungo-tungo.

Umupo ako sa tabi ni Ariel. Wala naman silang ginawa kundi mag-usap tungkol sa mga alak, babae, at party, parang wala silang kasamang babae rito kung makapag-usap sila tungkol sa babae.

Tinignan ko 'yung dalawang babaeng nasa harap ko, ang taray-taray eh sila naman 'tong nakatingin sa 'kin.
'Di niyo matatalo beauty ko, teh .

"What did you want?" Tanong bigla sa 'kin ni Ariel habang pinapakita sa 'kin ang menu.

Nakakain na naman ako sa ganitong resto pero, sa tagal-tagal na rin ng panahon nang huli kong kain.

"Kahit ano." Sagot ko nalang, dahil sa totoo lang mas gusto ko pa umuwi kaysa kumain kasama nila may kapatid pa akong tutulungan sa assignment, may trabaho pa ako, iintindihin ko rin pang bayad ko sa school ng kapatid ko.

Tumungo lang siya at umorder ng pagkain bahala siya kung anong order niya basta ako gutom na at gusto na umuwi.

Maya-maya habang naghihintay sa pagkain ay bigla nalang may lumapit sa 'min tatlong babae at mga mukhang galit.

"Adi, sino 'yang kasama mo?" Tanong nung babaeng, hindi naman ito matangkad dahil pagkatingin ko sa paanan niya naka high heels ito siguro nasa 5'0 lang ang height niya, naka make-up ito pero hindi naman makapal tama lang sa kulay niyang morena.

"Kenedy! Kaka-break lang natin may bago kana agad!" Sigaw na sabi nung babae na mistisa, morena ako eh.

"At ikaw, Ariel ako ang fiancé mo pero, ibang babae ang date mo!" Sigaw na sabi nung babaeng, sobrang kapal ng eyelashes niya. Gagstock.

Ano raw? Fiance?! Jusko naipit pa ako sa gulo ni Aber!

"Jil, break na tayo ano bang pakialam mo kung may bago na ako." Walang ganang sabi ni kenedy saka tumayo at lumapit doon sa babaeng maputi.

"Rill, let me explain..." Halos lumuwa ang mata ko sa nakita ko malakas na sinampal nung Rill si Adi what the Aber?!

"Pauline..." Mukhang mauubosan na pasensyang sabi ni antonio. "Ano bang pakialam mo? At sa pagkaka-alala ko hindi kita fiance." Walang ganang dagdag na sabi ni Ariel, kinuha niya ang kamay ko at pinakita ang sing-sing na nakasuot sa roon.

"See?" Ngumisi siya "Si Grace ang fiance ko, at hindi ikaw." Dagdag pang sabi ni Ariel, kaya halos malaglag ang panga ko nang igala ko ang paningin sa buong resto, halos lahat ng customer ng resto ay nakatingin sa 'min lalo na kala kenedy at doon sa babaeng maputi nagsisigawan.

"What s-siya ang fiancé mo! Siya ang pinili mo kaysa sa'kin?!" Hindi makapaniwalang sabi ni Pauline, halos sabunutan niya na ang sarili dahil sa inis.

"Siya ang fiance ko, kaya wala ka nang magagawa." Wala pa rin ganang sabi ni Ariel. Wala man lang siyang ka-react-react sa nangyayari.

"Hindi naman maganda 'yan, anong nagustohan mo d'yan?" Naguguluhan na tanong ni pauline at paulit-ulit na sumulyap sa 'kin. Ako hindi maganda?! Ang ganda ko kaya.

"Hoy babae, for your information! Maganda ako!" Singhal ko sa kan'ya, at mukhang nagulat siya ng bigla ako magsalita.

"What? Ikaw maganda?!" Naiirita niyang tanong.

"Poor girl!" Sigaw niya ano naman kung mahirap ako. Atleast hindi katulad mo desperada. "Mahirap na kung mahirap, atleast ako ang papakasalan at hindi ikaw!" Sigaw kong sabi nakina-usok ng ilong niya.

"Rill... Bee let me explain." Rinig kong sabi ni Adi kaya napabaling ako sa kanila para silang tanga naghahabulan palabas ng resto.

Peste bubuyog pa nga.

"Paano mo nasisiguro ikaw ang papakasalan? Mahirap ka lang kaya ko gumawa ng paraan makuha ko lang siya sa 'yo." Maarte niyang sabi. Gusto mo iyo na.

"Ika—"

"What!? Don't talk to me." Bigla niyang sabi, peste, tanga ba siya?

"Gusto mo ng tuktok?" Biro kong tanong na nagpakunot ng noo niya.

"Tuktok?" Naguguluhan niyang tanong ay gagstock.

"Antonio Ariel, umuwi na nga tayo! Mauubusan ako ng brain cell sa babaeng na 'to!" Sigaw kong utos, saka bumaling kay Ariel mahinang tumatawa sa likod ko.

"Sorry, Sweetie." Sabi niya saka tumigil sa pagtawa.

Sweetie ang abnormal.

"Let's go." Utos ko saka nanguna lumabas pero, bago pa ako makalabas ay may narinig akong sabi ni Pauline.

"You look so familiar..." Wika niya na hindi na aalis ang tingin sa 'kin.

"Ikaw ha, tigilan mo 'ko wala akong kamukha!" Irita kong sabi saka nagmadaling lumbas.

Lagi nalang may nagsasabing may kamukha ako tanging si Ate lang naman ang kamukha ko kaya imposibleng kilala nila ang Ate ko.

Deal With The Playboy (COMPLETED)Where stories live. Discover now