Ewan hindi ko alam kung maiinis ako sa sinabi niyang mahal pa niya ang ASAWA KO!

Pero kasi nandun na tayo sa wala na akong kailangan pang ipag alala dahil magkakaanak na siya at sa tingin ko naman ay mahal na mahal niya ang babaeng iyon.

"Wala yun ang mahalaga ngayon is okay na ang lahat. Nahanap mo na yung taong alam mong mahal mo at hindi ka natakot na harapin siya at ipakita ang pagmamahal mo sa kaniya. Naranasan ko din naman yan, but God send me the woman na makakapag pabago sa akin yung magpapalakas and magsasabi na hindi at huwag kang matakot magmahal ulit dahil sa pangalawang beses na mag mamahal ka ibibigay ka niya sa taong deserved mo at deserved ka."

Parang sa tinagal kong nabuhay sa mundo ngayon lang ako nagkaroon ng ganitong pag uusap sa kapwa ko lalaki ewan pero iba pala. Para lang akong kumakausap sa kapatid na naghahanap ng payo sa nakakatandang kapatid.

I love this kind of conversation lalo na pag sa kapwa ko ama.

"I want you to know that you are such a lucky man dahil meron kang Belinda,kasi nakita ko kung gaano ka niya kamahal at alam ko na ganun ka din sa kaniya kaya nga binakuran mo siya noon hindi ba. Thank you for loving her and thank you for protecting her"
Anito inabot naman niya ang kamay sa akin

"Friends"
Dagdag pa nito

Nangiti nalang ako at tinanggap ang kamay niya

Why not hindi ba?

"Ninong ako ha"
Maloko ko pang sabi dito

"Oo naman"

Napahagalpak pa kami ng tawa nang marealize na medyo madrama ang aming naging topic

The sound of friendship.




Lexter's POV

Naiwan akong laylay ang balikat dahil sa mga pumapasok na kagaguhan ko sa isip.

Parang ang hirap tanggapin na natalo ako sa larong binuo ko pero sa puso ko gusto nitong sabihin na panalo ako dahil nakakita ako ng taong nagbigay halaga sa akin taong kayang suklian ang pagmamahal ko ng mas higit pa sa binibigay ko.

Nakakadismaya sa sarili na hindi ko manlang naisip si Selia dahil kay Belinda ako laging nakafocus. Hindi ko kaagad nakita yung pagmamahal niya dahil naging bulag ako sa katotohanan na mahal ko din siya.

Hindi ko alam na ganito ang magiging resulta ng lahat. Wala manlang akong kaalam alam sa nangyari kay Selia ang gago ko na hindi ko manlang kaagad naprotektahan ang aking mag ina.

"Sel,wake up nandito na ako hindi ko kayo pababayaan ni baby"
Bulong ko sa ntutulog na siya

Marahan na hinaplos ko ang tiyan niya habang nakatitig dito

"ba-by Im sorry if hindi naniwala si Daddy kay Mommy. Pero ngayon nandito na ako para sa inyo"
Mahina kong usal para makaiwas sa kung ano mang pwedeng gumising sa kaniya

Pero nabigo ako gumalaw siya akmang tatanggalin ko ang aking kamay sa tiyan niya ay siya namang kulong nito gamit ang isang kamay niya.

"Stay"
Anito nalingon ako sa kaniya na may ngiti sa labi

And now I can't deny to myself that I love her,that I need her.

Tulad ng sabi ni Homer,let your heart  decide the happiness that we deserved and she is my happiness.

She gave me this tears of joy out of nowhere...a tears that I know it comes from my heart.

Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pangamba at saya ng magkasabay ng dahil sa babaeng nasa harapan ko.

UNDYING YOU Där berättelser lever. Upptäck nu