Kumalas ako sa pagkakayakap at hinawakan ang kamay niya

"Sorry ha,kasi h-indi ko alam kung galit ka pa rin ba sakin pag katapos ng mga nasabi ko sayo noon. Na-hih-iya din naman akong lapitan ka dahil alam ko yung pinagdadaaanan mo ngayon kayo ni Homer"
Halos masinghot ko na nga siya kakaexplain ko dahil ng sipon

"Wala na yun ano ka ba,totoo nga lagi akong nag aalala sayo kung nasaan ka bakit hindi mo ako kinakausap na o talagang galit ka pa sa akin"
Nakanguso naman niyang sabi

"Akala mo ba ikaw lang ako din kaya,mabuti nalang at meron akong Vanessa na nag babalita ha"
Aniko na kinatawa pa niya

Yung ganitong conversation na siya ang kausap parang kailan lang talaga noong nag away kami dahil sa kakitidan ng utak ko!

"Teka nga bakit ba napatawag ka sakin ha anong problema"
Pag agaw naman ni Vanessa sa aming atensyon

Natikom ko nalang ang bibig ko sa tanong niya at mahigpit na hinawakan ang kamay ni Belinda

Nasapo ko nalang ang tiyan ko na medyo lumolobo na

Naiiyak na tumingin sa akin si Vanessa dahil alam niya kung sino lang naman ang lalaking lagi kong kasama

"Baliw ka talaga alam mo namang baliw yun kay Belinda bakit paano?"
May inis na sabi nito sa akin

"Anong sabi niya? Napaalam mo na ba sa kaniya?"
Nag aalala pang sabi ni Belinda

Nailing iling nalang ako

Hindi ko din kasi alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanilang dalawa kung bakit hindi kayang tanggapin ni Lexter ang bata

Kung bakit hindi niya ako kayang panagutan

Sasabihin ko ba kay Belinda ang balak ni Lexter sa kanila ni Homer para mapasa kaniya lang ito

"Ka-si...."
Nauutal ko pang sabi pero naputol yun ng dumating si Lexter sa bahay

Laking gulat ko ng makita siya at halos mapisil ko na ng mahigpit ang kamay ni Belinda

Hindi niya dapat makita ito na kasama ko pero ano pa nga ba ang magiging dahilan ko e nandito na

"Lexter bakit ka nandito"
Ani Belinda na kunot noong hinarap ito

Bakas sa mukha ni Lexter ang pagtataka ng makita si Belinda at hawak hawak ko pa ang kamay nito

"I'm h-ere for Selia"
Anito

Kaagad naman siyang lumapit sa akin at pumagitna sa amin ni Belinda

Malalim na buntong hininga ang napakawalan ko ng humawak siya sa aking bewang

"Magkakilala kayo"
Seryoso pa niyang tanong

Nalingon naman ako kay Belinda na binabasa ang mata ko

"O-o magkakilala kami"
Sambit nito at humarap kay Lexter

"Selia anong ibig sabihin nito?"
Galit ang tono niyang sabi

"Matagal ko na siyang kakilala Lexter and yes kaya hindi mo nakikita ako na kasama niya noon dahil hindi kami okay. Ngayon ako naman ang magtatanong sayo"
Tuloy tuloy na sabi nito

Nararamdaman ko ang pag higpit ng ng hawak niya sa bewang ko

"Ano"
Taas noong tanong nito

"Anong balak mo sa pinagbubuntis ni Selia? Anong balak mo sa magiging anak niyo?"

Medyo natatakot ako sa itsura ni Belinda dahil kilala ko siya at alam ko ang itsura niya pag galit at nagpipigil

UNDYING YOU Where stories live. Discover now