"Goodmorning mahal ko, gising ka na, umaga na eh"masayang bati ko sa kanya."pasensya na at hindi ako nakabalik kanina, nakatulog ako eh. Naalala na kita, pero hindi ko sasabihin kung papaano. Alam ko kung bakit ganon ka na lang kasungit sakin nung una tayong nagkita sa room. Hindi ka lang nagbago, kung ano yung pakikitungo mo sakin dati ay ganon pa rin ngayon. Jerk ka pa din sa paningin ko. Buti nga at hindi nasakit yang matigas mong ulo kapag sinasapok kita eh. Masakit ba?"tanong ko na para bang magagawa nya pang sagutin yun. Nakangiti lang ako sa kanya at hinawakan yung ulo nya at hinaplos iyon.

"Gising ka na kasi, mamaya ko na malalaman yung scores ko. Alam ko naman na sasabihin mo na sana hindi ako pasado, ganon ka kasama sakin eh. Pero okay lang kung hindi ako pasa basta gumising ka dyan ah. Magde-date ulit tayo sa amusement park. Magaling na yung mga sugat mo oh. Gumising ka na lang. Hindi ka ba nagugutom? Ang tagal mo ng nakaratay dyan eh, ako nga hindi makatiis ng hindi nakain kahit meryenda eh!"pagmamaktol ko.

"Nga pala, biyernes na ngayon. HAHAHA, tapos christmas break na. Oh diba, bongga. Lagi na akong nandito at hihintayin ka. Hindi na hati yung oras ko. Kaya gumising ka na. Kung gising ka lang alam ko na agad yung sasabihin mo. Ang daldal daldal ko, well, babae ako. Hindi maiiwasan yun. Kadamihan ng babae madaldal, at ang babaeng katabi mo ay mahal mo, so tiis tiis din pag may time. Hoyy, hala oo nga pala. Kaya pala ganon na lang yung reaksyon mo ng malaman mo na nanliligaw sakin si Zach, fiancée mo pala ako. HAHAHAHAHAHA. Kinikilig ako"sabi ko.

Nakatitig lang ako sa kanya, ang pogi nya pa din kahit tulog. Inosenteng inosente ang mukha eh. Pag gising naman, alam lahat ng kalokohan. Titig na titig ako sa kanya at sinasaulo ang anumang anggulo ng mukha nya. Mula sa maliit nyang taling sa mukha hanggang sa gaano kahaba ang pilik mata nya. Hindi ko naman makita yung mata nya ay alam kong maganda din iyon katulad ng iba pang parte ng katawan nya.

"Jason?"pagtawag ko.

" Oyy, sige, iisipin ko na lang na nag-respond ka."sabi ko at huminga ng malalim.

"I love you Jason Vincent De Chavez"sabi ko at hinalikan sya sa noo.

Tumahimik na lang ako at umupo ng komortable sa upuan habang hawak pa din ang kamay ni Jason. Pati kamay nya ay pinakatitigan ko. Para bang gawa talaga ang kamay namin sa isa't isa. Masarap sa pakiramdam. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Pumikit ako at himinga bg malalim saka tiningnan ulit si Jasob. Tumayo ako pero hawak pa din ang kamay nya.

"Aalis na ako, may pasok pa eh. Pero babalik ako mamayang hapon or sa tanghali kung may time. Pero okay lang naman yun diba, atleast ako na ang mag-aalaga sayo bukas ng maghapon. Pati sa susunod na araw at sa susunod pa. Sana naman pagbalik ko gising ka na ah"sabi ko saka hinalikan ulit sya sa noo at dahan dahang binitawan ang kamay nya at tumalikod na.

Hindi na ako lumingon pa sa gawi nya at baka hindi lang ako makapasok ngayon. Ayokong iniiwan sya dito sa lugar na 'to. Para bang sa isang iglap lang ay pwede na syang mawala sa akin. Ayoko pa, hindi pwede. Magsasama pa kami eh. Hindi ako mapakali kapag nasa ospital ang mga taong mahal ko. Para kasing sinasabi nun na sa kahit anong sandali ay hindi na magigising pa ang mga taong nandito. Nakakatakot, hindi ko yata kakayanin kapag si Jason ang nagkaganon.

Nagmadali akong sumakay sa kotse ko at humawak sa manobela at pikit pinapakalma ang sarili. Panay ang hinga ng malalim. Ng kumalma ako ay ini-start ko na yung kotse ko at nag-drive papuntang school. Pagakadating ko naman sa parking lot ay hindi muna ako umalis ng saskayan at tininganan ang cellphone ko. Damn 6:40 pa lang. Eh 8 pa nagsisimula ang klase dito. Nagugutom nanaman ako. Bumaba naman ako ng kotse at naglakad na lang papunta sa café na katapat lang ng school namin.

Tinawagan ko naman si Garie at sinabing puntahan ako sa cafe kapag nakarating sila. Paalis na rin naman daw sya at balak sunduin yung dalawa. Tsk, may kotse naman hindi yung kanila yung gamitin. Mga buang. Manggagamit.

Im His Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now