1

8 0 0
                                        


Faye POV

Kriingggggggggg!!!!!!!!!!!

Agad akong napaigtad sa pagkakahiga sa pagtunog ng alarm clock sa gilid ng kama ko. Parang halos kakaidlip ko pa lang! Palibhasa ay di agad ako nakatulog kagabi. First day ko sa highschool at super excited na ako.

Diretso sa banyo ay agad akong naligo,at kaagad din nagbihis pagkatapos. Nadatnan ko sa kusina si mama na naghahain ng almusal,habang kumakain naman ang kapatid kong si Daryl.

"Kumain ka na dyan! Andyan na rin ang baon mo!" ngumiti lang ako. Wow nag improved na ang baon ko from twenty pesos  nung elementary to fifty pesos na.
Mabilis akong kumain at nagtoothbrush pagkatapos.

"Ma papasok na ako!" sigaw ko kay mama na busyng busy sa pagcocompute ng mga paninda nya.

"Sige! Mag aral ka mabuti" sagot naman ni mama.

Ako si Faye Ann Tuazon first year student sa Sacred Heart Academy. Galing ako sa simpleng pamilya. Seaman si papa, samantalang may small bussiness naman si mama. Apat kaming magkakapatid, si Kuya Jerald, Daryl, Jana at ako.
Nasa college na si kuya at nag aaral sya sa Maynila, samantalang elementary naman si Daryl at Jana.

Walking distance lang ako sa school kaya hindi ko na kailangan magtricycle pa.

SACRED HEART ACADEMY

WOAH! Hindi ko naiwasan hindi mamangha sa pagpasok sa campus.!. NAPAKAGANDA KASE NITO!

Medyo nakakahiya kase puros mga higher years ang nakakasalubong ko sa vicinity ng campus.

"faye" rinig kong tawag sa akin. Lumuang ang ngiti ko ng makita ko ang mga dati kong kaklase sa elementary.

"nakita na namin ang section natin, magkaklase tayo!" excited na balita sa akin ni Josel.

"Talaga!" maging ako ay naexcite na rin sa narinig maigi naman para naman hindi nakakapanibago.

"Kaya lang yung iba natin classmate nasa ibang section" kwento pa nito. "Tara punta na tayo sa classroom natin"

Sa first section ako napabilang ganun na rin si Jocel,at ilan sa mga dati naming kaklase. Si Carmela na valedictorian namin, si Harey na Salutatorian pati na rin sina emz, erich, mik, mico, leo, alex, na kapwa ko achievers.

Magkakatabi kami sa upuan, kanya kanya kaming masid sa mga bagong mukha na makakasama namin.

"Kinakabahan naman ako!" ani ni Jocel."ang daming new face!"

"Oo nga jusko parang lahat sila matatalino!" sabi ko naman. GOAL Ko is makasama pa rin sa top student ngayong highschool, nangako ako kay papa na mag aaral akong mabuti para naman di masayang ang sacrifice nya para sa amin.

"Good morning class!" isang malakas at malinaw na pagbati ang natanggap namin mula sa gurong nasa harapan namin.
Nasa mukha nya ang pagiging aristokrata. "Ako si Miss Carmela Burgos ang magiging adviser  ninyo sa taong ito" kinabahan ako sa tono ng pananalita niya. Pakiramdam ko ay kakainin nya kami ng buo.

"at dahil first day natin ngayon ay expected na magpapakilala tayo sa isat isa, marahil yung iba ay dati ng magkakakilala at ang ilan naman ay ngayon lang nagkita kita, so magsisimula tayo dito sa unahan" oh my gosh parang kinabahan naman ata ako!

"Ako si Ryle Christian Calzado! 13 years old from Real Elementary School!" pakilala ng una namin kaklase na nakaupo sa unahan. Hindi ko naiwasan hindi sya pagmasdan. Bukod kase sa gwapo ito ay napakalakas ng dating nito. Sinaway ko ang sarili dahil sa katutuwang naiisip ko.

Nagsunod sunod na ang pagpapakilala ng mga kaklase namin. Yung iba natandaan ko ang pangalan pero karamihan ay hindi.
Halos lahat ay with flying colors.
Okey lang matatandaan ko din yan soon.

Halos mamatay ako sa kaba nung ako na ang magpapakilala.

"Hi my name is Faye Ann Tuazon from Jacobo Zobel Elementary School" maikling pakilala ko pero nagdulot ng milyong milyong kaba sa dibdib ko.

Matapos magpakilala ng lahat ay binigyan kami ng time ni Ma'am Burgos na magreach out sa isat isa.

Nakaupo lang ako sa upuan ko habang ang iba naman ay sinunod ang pinapagawa ni Ma'am.

Natapos ang first day! Magkakasabay kaming umuwi nina Jocel, Emz at Erich na katulad ko ay malapit lang ang bahay sa eskwelahan.

"Joceeel" rinig namin tawag ng isa namin kaklase na alam ko Ryle ang pangalan.

"Bakit?" masungit na sagot ni Jocel.

"Diba sabi ni Tita sasabay daw ako unuwi sa iyo!" sabi nito, medyo napakunot noo ako. Bakit pala sila sabay, tsaka mgkakilala pala sila ni Jocel.

"e di sumabay ka!" inis na sabi ni Jocel at patuloy na sa pglalakad.

"Magkakilala kayo?" di ko na naiwasan di itanong.

"Ah oo! Sa amin yan magbebedspace taga Real kase yan e mahihirapan pa sya mgbhaye araw araw kung mag uuwian sya." kwento ni Jocel. "kaibigan kase ni mama ang mama nya kaya ayun, hay naku. Ayoko nga sana. Tapos naging kaklase ko pa." nagtatarang na sabi ni Jocel.

"oyy naririnig ko sinasabi mo!" sabi ni Ryle dito.

"So!"

Habang naglalakad kami ay di ko naiwasan di pagmasdan si Ryle, sadya ngang napakagwapo niya.






Playful HeartWhere stories live. Discover now