I ran faster as I covered my face with my bag. My heart is beating faster every second, my pulse is raising and my chest is heaving.
Luminga-linga ako para tignan kung nasundan ba ako ng taong tinakbuhan ko. I tiptoed my way outside the mall. I probably looked stupid. May mga napapatingin na sa 'kin na akala yata ay baliw ako. I can't blame them. Para talaga akong tanga na nakayuko, tinatakpan ang mukha habang mabilis na naglalakad.
I'm so gonna kill Ria! I swear! It's her fault!
Nang makalabas sa mall ay mabilis akong pumasok sa isa sa mga café na nakita ko. Nagulat ko pa yata yung mga tao sa loob dahil maingay na tumunog ang chimes. Ngumiwi ako at umayos ng tayo bago patay malisyang naglakad at naghanap ng pwedeng upuan. Mabuti na lang hindi gaoon karami ang tao.
Para akong nakahinga at umahon galing sa matagal na pagkakalublob sa tubig nang makaupo ako. Agad akong nag-order ng tubig dahil tuyong-tuyo na ang lalamunan ko.
I slouched from my seat, still hiding at baka mamaya ay nasundan na pala ako nung tao na iyon. Nang makabawi sa paghinga ay agad kong kinuha ang cellphone at tinawagan ang bruhang si Ria.
Ilang saglit lang ay naririnig ko na siya sa kabilang linya.
"Bitch!" bungad ko sa kanya. Natigil ako nang napalingon sa 'kin ang tao sa katabing lamesa. Tahimik akong humingi ng paumanhin at tumalikod. Nakaharap na ako ngayon sa glass window.
"Hello! Adi? How was it? Ano, okay ba?" rinig ko ang excitement sa boses ni Ria nang sinabi niya iyon.
"Anong okay?" mariing bulong ko. "He's a freaking pervert, Ri! He couldn't keep his hands to himself at panay ang hawak sa legs ko!" I made sure she heard the frustration in my voice.
Malanding tumawa si Ria sa kabilang linya. I can't believe it! Tinawanan niya lang talaga ako?
"Ria, I swear to God! Kung sino-sino na lang pinapa-date mo sa 'kin! Sana man lang pina-background check mo muna," hinaing ko.
I can't believe she let me date that maniac!
"Ay? Ang OA nung background check, sis, ha? Date pa lang naman iyon! Hindi mo naman aasawahin agad!"
"Kahit na," I countered. "Mabuti na lang talaga nakagawa ako ng paraan para tumakas!"
Napairap ako nang tinawanan lang ulit ako ni Ria. I can almost imagine her face right now.
"Gwapo naman, 'di ba?" she snickered.
Napairap ako. Well... oo na. Gwapo nga pero sobrang manyak naman! Kung tumingin para bang hinuhubaran na niya ako sa isip niya! Good thing I was wearing decent clothes! And you know what's worst? Wala pa nga kaming isang oras na magkasama gusto agad akong yayain sa hotel! At siyempre anong gagawin sa hotel? Kailangan pa bang i-memorize iyan?
Do I look like I'm up for some hook up or something?
Hindi ako sumagot at sa halip ay hinimas na lang ang sumasakit na ulo.
"I give up, Ri... That would be the last time na papayag akong makipag blind date! Ayoko na talaga!"
"Narinig ko na 'yan, sis..." Ria snickered.
"I swear!"
Tinawanan lang ulit ako ni Ria. "Whatever, Adrielle! Anyway, nasaan ka na ba ngayon?"
I just told her where I was and she asked me to stay here a bit just to make sure na nawala ko na yung manyak. Nagpaalam na rin siya pagkatapos.
Napahilamos ako sa mukha dahil sa hindi na mabilang na kapalpakan ng mga date date na 'yan sa 'kin. I don't know why it would always end up like this! At hindi ko rin alam kung saan nakukuha ni Ria yung mga pinapa-date niya sa 'kin! Kung hindi mga paminta... mga manyak naman!
