Chapter 1

2 2 0
                                    

"Hello ma, ano nga ulit yung pinapabili mo sa NBS?" Tanong ko habang nakahawak ang Isa kong kamay sa libro at yung isa naman ay sa phone.

"Yung favorite kong book! itong anak kong ito, naging makalimutin na." Sabi nya at binabaan ako ng tawag. As in wow? lakas ng topak ni Mama.

Nang mahanap ko ang paborito nyang libro at makompleto lahat ng kailangan kong bilhin ay agad na akong pumunta sa counter.

"Miss, pwede bang babalikan ko nalang? naiwan kase yung wallet ko sa kotche. babalikan ko agad." Salitang narinig ko na nagpatigil sakin. diko maiwasang matawa.

Prente akong humarap sa cashier at saglit na lumingon sa babaeng naiwan yung wallet sa kotche. Ibinalik ko ang tingin sa Cashier at nag tanong.

"Miss, magkano ba kulang nya?" Natatawa pading tanong ko.

"One thousand five hundred pessos sir."

"Isali mo na din tong sakin." Ibinigay ko ang mga kinuha ko kanina.

"Four thousand tree hundred twenty five peso sir." Nag labas ako ng pera at lumingon sa babaeng naiwan ang wallet sa kotche. Umuusok na yung ilong HAHAHAHA.

Naglabas ako ng limang daan.

"I received Five thousand pesos sir." Tumango ako nang di inaalis ang tingin sa babaeng naiwan ang wallet sa kotche.

"Here's your change sir." At ibinigay nya sakin ang mga binili ko kasama sa gamit netong babaeng to.

"Alam mo? epal ka masyado." Napanganga ako sa sagot ng babae. As in wow? siya na nga 'tong tinulungan.

"Alam mo miss na naiwan yung wallet sa sasakyan, imbis na gagalit galit ka dyan, bat dimo nalang ako isama papunta sa sasakyan mo at bayaran yung utang mo sakin." Prenteng sagot ko at ibinigay sa kanya ang gamit nya.

inis nya itong hinablot at tinignan ako ng masama HAHAHAHA pikon.

"Tara na nga!" Sigaw nya at umalis sa NBS. Dali dali akong susumod, mahirap na. Baka takasan ako ng babaeng to.

Habang naglalagad ay biglang sumigaw yung sikmura nya. gutom na ata HAHAHA.
Dahan dahan syang lumingon sakin at ngumiti, fvck. Ang cute nya.

"Kain muna tayo, kanina pako gutom." Sabi nya at hinila ako papunta sa kainan na puro street foods. Seryoso? ganito kagandang babae kumakain dito.

Dina ako nakapag salita dahil sa gulat na dito kumakain to.

"Kuya, Isaw po at kwek kwek. magsama kana din ng fishball tsaka soft drinks na din po." Pagkatapos nyang sabihin ay bumaling sya sakin.

"Huy ikaw? anong gusto mo?"

Ikaw...

Natauhan ako sa sagot ko  at marahas na umiling..

"Kung anong sayo, yun na din akin." Sagot ko na parang nandidiri. Sigurado to?

"Yun nalang din daw po, kuya pakibilisan. gutom na gutom na ako." Sabi nya at hinimas pa ang tiyan nya.

Dina ako nakapag pigil.

"Alam mo miss na naiwan yung wallet sa kotche, sa dinami dami ng restaurant o kainan, bat dito pa? nakakadiri." Nandidiring sabi ko.

"Kelalakeng tao, ang arte." Sabi nya at inikot pa ang kanyang mata. Woah, maganda pa din kahit medyo suplada.

Ano to kupido? Love at first sight?

Dina ako umimik hanggang dumating yung order. Pagkatapos ilapag nung waiter yung pagkain ay umalis na agad. Shit. Anong pagkain to?

"Ano yan?"

"Pagkain.." Tipid na sagot nya.

Malamang...

Habang tinitignan yung mga pagkain ay nagulat ako nang bigla syang tumawa ng malakas. Pati ibang tao ay umiling nalang dahil sa inggay nya sa pagtawa.

"HAHAHAHA"

"Isaw, kwek-kwek at fishball yan. HAHAHA. Ang arte. Kumain  kana nga at nang matapos na."

Dina ako nagsalita at tinis ang unang kain ko sa isaw na nakatusok sa stick.

Masarap..

Hanggang sa naubos namin lahat ng pagkain na inorder.

"Sabi ko sayo masarap e, arte mo lang masyado." Sabi nya na parang sanay na sanay kumain dito. Dumating yung waiter kanina dala yung bill. Angas, pati dito may bill din.

"Mam/sir, two hundred fifty pesos lahat."

Napatingin ako sa kanya para sabihin na sya mag babayad nito at ngumiti sya ulit. May dimple. Malalim.

"Sabi ko naman sayo diba, nasa kotche yung wallet ko. Nandun din yung pera ko."

"Pambihirang buhay naman to miss, ang laki na ng ginastos ko sayo." Totong inis na sabi ko. Pagkatapos kong bayaran ay ako na mismo ang nag dala sa mga binili namin. At kinaladlakad sya sa parking lot.

"Saan yung sasakyan mo?" Nagkibit balikat sya at pinatunog yung kotche nya gamit yung remote. Sinundan namin yung tunog at pambihira, magkatabi sasakyan namin.

Binuksa nya yung pinto at kinuha yung wallet nyang nasa passenger seat. Nag labas siya ng Dalawan libo.

"Oh, manong. dalawang libo na yan ha? tsaka wag mo nga akong tawaging miss na naiwan yung wallet sa kotche! may pangalan ako" Pinaikot nya ulit yung mata nya. Ang ganda.

"Kristine, Kristine Stanford." Nilahad nya yung kamay nya at tinanggap ko ito at nagpakilala.

"Sherard, Sherard Vergara."

"Uh? nice name. Mauna na ako, salamat kanina " sasakay na sana sya ngunit mabilis ko itong pinigilan.

"Pahingi number..." Nahihiya kong sabi pero tumawa na naman siya ng malakas

"HAHAHAHA"

May kinuha sya sa wallet nya at Calling card yun. Binigay nya sakin.

"Oh, number ko yan, mauna na ako. Patay na ako kay mommy neto." Dina nya ako pinasagot at mabilis na nyang pinaharurot yung sasakyan nya.

Pumasok ako sa loob ng kotche at pinagmasdan ang calling card nya.

Kristine Stanford...

___________
A/N:

Hello! nag sulat ako dahil sa gusto ko.
Feel free to read. Pero kung ayaw mo, Okay. di kita pipilitin. First na sulat ko to kaya expect nyo na yung mga typo at wrong grammar. Have a nice day everyone. Be safe always! <3

Chegaste ao fim dos capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Sep 13, 2020 ⏰

Adiciona esta história à tua Biblioteca para receberes notificações de novos capítulos!

KABILANG BUHAY(ON GOING)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora