Prologue

10 1 0
                                    

Malamig na simoy ng hangin ang siyang dumampi sa aking balat. Dahan dahan kong iminulat ang aking mata at dinama ang lamig ng gabi.

Bumungad sakin ang isang estrangherong malamig ang titig sakin.

"You're awake" ,sabay tayo at lapit sa bintana kung saan sumisilip ang buwan.

Poot at galit at isang pang emosyong 'di pamilyar sa akin ang siyang pumupuno sa dibdib ko habang matalim na nakatitig sa nakatalikod niyang pigura.

Hanggang ngayon ay wala siyang kaalam-alam na kahit ano sa lalaking ito magmula ng pumasok ito sa kastilyong kaniyang kinalalagakan.

"Ano bang kailangan mo sakin? , mahinahon kong tanong sa kanya.

" Just cry and give me your tears", malamig na lintaya niya.

Napatiim-bagang ako sa sinabi niya.

Kung ganoon, katulad din pala siya ng mga naunang nagtangkang mga lalaki. Mga hangal at ganid.

"Umalis ka na lang dahil hinding hindi ako luluha para sa mga katulad mo!" Gigil na sabi ko.

Nilingon niya ako na may titig na nakakalunod. Dahan dahang kumurba ang kaniyang labi at lumapit sakin. Umatras ako hanggang sa nakalapat na ang likod ko sa headdress ng kama.

Tumunghay siya sa akin at tumitig lalo saking mga mata.

"Let's see", nanghahamong sabi sabay halik sa aking pisngi.

Nanigas ako sa pagkakaupo at dumagundong ang dibdib ko sa halu halong emosyong nararamdaman. Umayos siya ng tayo sabay talikod paturo sa pinto.

" I hate you", mahina ngunit may gigil na sabi ko.

Huminto siya saglit sa paglalakad at bahagya akong nilingon saka pinapatuloy ang paglabas na may madilim na mukha.

Endless LoveWhere stories live. Discover now