"There will be no wedding, Heather."

She whirled at me with her eyes burning. "What the hell, Caleb?! We've been over this! Ayan ka nanaman! Didn't we already talk about how you cannot back on this? Your lolo wants you to marry me."

"I don't care what my lolo wants, however," I strided towards her. I saw her stiffen in alarm. "I do care about my girlfriend and I do not appreciate what you did to her."

"She started it!" she shrieked. "She attacked me, I only defended myself. Look at my face, Caleb! Gawa niya ang malaking pasa na 'yan!"

Naningkit ang mata ko dahil wala naman akong makitang pasa sa mukha niya kahit umamin sa akin si Natalie na sinapak niya ang babaeng ito. Which I think was well deserved. "Who are you fooling, Heather?" naiiritang tanong ko. "Ikaw ang pumunta sa kanya para ipamukhang kabit ko lang siya. You are stooping that low, huh? I was expecting so much from you."

She shouted derogatory terms at me and pounded her fist on my chest. "Stop doing this Caleb! I did everything to get you! Sinubukan kong pagselosin ka! I knew you were at my tails kaya akala ko sinusubaybayan mo 'ko! I thought you love me?!"

"Stop fooling yourself Heather—"

"Bakit ba pinapahirapan mo pa ang sarili mo? Alam nating pareho na sa akin parin ang bagsak mo! Your grandfather would not allow you to marry that Natalie! She's a nobody! Sa akin ka, Caleb! Akin!"

"Stop it!" pinigil ko ang magkabilang kamay niya sa pagbayo sa dibdib ko. "I will never be yours. Never. Isa lang ang nagmamay ari sa akin at si Natalie lang 'yon. Sa susunod na gumawa ka pa ng paraan para masaktan siya. Sisiguraduhin kong doble nun ang mararanasan mo, Heather." banta ko. "Once again, I am warning you. Leave my girlfriend alone."

"No! NO!!" patuloy na hiyaw niya nang talikuran ko siya at abutin ang seradura ng pinto. "No! You hear that Caleb? NO! Hindi ako papayag na maging masaya kayo! I swear to you! I will kill that bitch if that's what it takes to have you!"

Napailing na lang ako habang pababa ako ng hagdan. Mabilis na lumulan ako sa sasakyan ko at nilisan ang lugar na 'yon. That was ugly. I never really wanted to hurt Heather. Hindi ko gusto ang pakiramdam na nananakit ng babae but I needed to do that. Kung sana noon pa niya tinanggap na hindi ko siya gusto, hindi sana niya dadanasin ito.

Wala sa loob na nasapo ko ang pawisang noo. I wanna see Natalie. I miss her already. So I drove back to her at once. Gayon na lang ang pagngingitngit ko nang makita ang payatot niyang ex palabas ng condo unit niya.

---

Natalie

Umirap ako at itinupi ang mga braso sa ilalim ng dibdib ko. Caleb stood in front of me wearing that stern look. At ano? Akala ba niya masisindak niya ako sa kasungitan niya? Hindi nga iyon umubra sa akin noon eh, why should it affect me now?

"I said, do you mind explaining—"

"Nagkabalikan kami ni Axel, bakit?" taas noong sabi ko na siyang ikinabigla niya. Kumunot ang noo niya at pinakatitigan ako ng may ilang segundo. I expected him to go berserk and wreck my apartment down but he didn't, instead he just gave me a sour face.

"Try again, Natalie, I'm not convinced."

Napanganga ako saka napailing. "Iyon nga ang totoo! Tatanong tanong ka, tapos hindi ka maniniwala." tumalikod ako upang kumuha sana ng damit na maisusuot nang maramdaman kong pumalibot ang mga braso niya sa bewang ko. Gumapang ang kuryente sa balat ko nang dumaiti ang labi niya sa nakahantad kong balikat.

"Hindi talaga ako naniniwala, Natalie."

Palihim kong tinirik ang mata ko. "Why wouldn't you?" patuloy na panunuya ko. "I am telling the truth, Caleb. He came here to patch things up between us at nagkabalikan kami."

Steal thy heart (PUBLISHED BY BOOKWARE)Where stories live. Discover now