prologue

15 1 0
                                    


-- 00 --


It was so wonderful.

Never in my life, I've had seen a romantic place like this. At hindi ko aakalaing magugustuhan ko ang ganitong lugar. Akala ko ay sa fairy tales ko lang makikita ang ganito. It feels like a dream . . a dream that I'll never wanted to leave. Colorful lights hanging around the tree, a white table and romantic table perfect for a date, and petals of roses scattered on the floor. Grabe lang . . para akong prinsesa. Nakasuot ng isang magarbo at mamahaling gown . . habang nakatayo sa maningning na hardin. Grabe. Grabe talaga.

"Hey . . " halos mapigil ko ang sariling hininga nang may mainit na kamay ang bumalot sa baywang ko. "Like it?" Tanong ng pamilyar na boses, ramdam na ramdam ko ang hininga sa pandinig ko.

"Louie . . " mahinang bulong ko at ramdam ko ang pagngiti nya sa likuran ko.

"Your one and only, my lady."

'Omaygash, Jalina!'

Napapikit ako sa kilig at kaba saka kinuyom nang mahigpit ang kamao ko. Your one and only daw, Jalina! Kyaa! Tapos my lady pa hakhak! Totoo ba to? Totoo? Walang halong joke? OMG! Salamat, Lord! Wala nang bawian to, a! Haha!

Pero mas lalo akong nagulat nang hawakan nya ang magkabilang balikat ko at marahan akong iniharap sa kanya.

At duon ay nasilayan ko ang kabuuan ng prinsipe ko ngayong gabi. Nakangiti, at gwapong gwapo talaga. Nakaayos ng todo ang buhok, hindi tulad ng normal na ayos na magulo at bagsak. Ngayon ay nakawax pa yata, at mas lalong nakadagdag sa pogi points nya iyon. Naka-tuxedo rin na kulay floral peach, gaya ng kulay ng damit ko. Feeling ko tuloy isa talaga akong royal princess at kaharap ko ngayon ang saksakan sa gwapo na prince charming ko hakhak!

"Rose?" Nabalik lang ako sa katinuan nang ilahad nya sakin yong isang red na red na rose. Kumunot ang noo ko. San galing yon? Ano, sinummon nya lang? "You dont like it?" Nakanguso nyang tanong kaya wala sa sariling kinuha ko yon at ngitian sya ng bongga.

'Ayon! Ang galing mo talagang manira ng moment, self!'

"Hinde, a! Gustong gusto ko nga, thank you hehe." Sabi ko at tinapik pa yung balikat nya. Natawa nalang sya saka hinawakan bigla yong bewang ko. Nakangiti nyang kinuha naman ang dalawang kamay ko at inilagay iyon sa balikat nya. Nanlalaki ang mata ko syang tinitigan. "Louie . . hoy----"

"Let's dance."

At parang humpas ang dalawang salitang niyang iyon dahil kasabay ng pagbanggit nya sa mga iyon ay biglang tumugtog ang isang marahan at kalmadong musika.

Sa ilalim ng nagniningning na buwan, sa gitna ng pagtugtog ng romantikong musika, at sa nakapalibot na mga petals ng rosas . . ay sinayaw ako ng long-time-crush ko. Siya at ako lang. Walang ibang babae, walang ibang lalake, walang mga sagabal . . halos malunod ako sa saya. Hindi ako makapaniwala. Nakasabit sa balikat ng lalakeng mahal ko ang mga kamay ko, at nasa baywang ko ang mga maiinit nyang kamay.

Nginitian nya ako, mas lalo akong napaamang.

"Louie . . " hindi ko alam ang sasabihin sa halo-halong mga emosyon!

Hinawi nya ang kaunting hibla ng buhok ko na humaharang sa pisngi ko at malalim akong tinitigan. "You . . make me feel insane, my lady. Your touch, your smile, your laugh, your voice, and your dids . . its my heaven. And today . . " ngumiti sya. " . . is the day when the only woman who made me feel this insane came to this world. Happy birthday, my lady." Mahinang bulong nya at hinaplos ang pisngi ko.

At dahil duon ay tila uminit ang sulok ng mga mata ko. Hindi naman ang puso ko ang hinaplos nya, pero bakit iyon ang nararamdaman ko?

Bagaman naluluha ay nginitian ko sya. "Thank you . . "

Nagpatuloy ang sayaw namin hanggang sa naramdaman ko nalang na isiniksik nya ang pisngi sa leeg ko. Natigilan ako sa paggalaw at bahagyang binalingan sya. Tumigil kami sa pagsayaw pero patuloy parin sa pagtugtog ang kanta.

"Louie . . " bulong ko.

"I want to tell you something. Something that I've never had a chance to tell you before."

"Hm?"

Bigla ay tiningala nya ako. Makahulugan nya akong tinitigan saka hinawakan ang dalawang pisngi ko. Mula sa mata, ilong, labi, ay wala syang pinalampas sa pagtitig. Hanggang sa matigil iyon sa labi ko. Tinignan nya iyon na para bang nalalasing, nalulunod, at sabik na sabik. Hanggang sa itagilid nya ang ulo nya at pumikit.

Isa . .  Dalawa . . Tatlo . . palapit nang palapit ang mukha nya pero nanatili akong mulat. Nawiwili sa pagtitig sa nakapikit nyang mukha.

Apat . . Lima . . Anim . . Unti unti kong ipinikit ang mga mata ko, hinihintay maganap ang hinihintay.

Pito . . Walo . . Siyam . . .

Sampu. Tuluyan na nyang inilapat ang labi sa labi ko at hinalikan ako ng marahan. Napahigpit tuloy ang hawak ko sa rosas sa kaba. Nakakawindang. Sinayaw, at hinalikan nya ako . . parang ayoko nang matapos ang gabing ito. Ang gabi kung saan natupad ang pinakapinapangarap ko sa lahat.

"My lady . . " bulong nya nang bitawan ang halik. Nakahawak parin sya sa pisngi ko at dikit na dikit ang noo naming dalawa.

"Louie . . " tawag ko at hinawakan ang mga kamay nyang bumabalot sa pisngi ko. Ngumiti ako nang tumingin sya sakin at ngumiti.

"Mahal kita,"

Kusang bumilis ang tibok ng puso ko. Natitigilan ko syang tiningala. Nakangiti lang sya sakin. Ginala ko ang paningin ko sa paligid at nagulat nang makitang unti-unting naglalaho ang buong paligid. Mula sa mga ilaw . . rosas sa ibaba . . anong nangyayari? Naguguluhan akong napatingin kay Louie pero nakangiti lang sya sakin, parang walang nangyayari sa paligid namin.

"Mahal kita . . Jenina."

Bigla ay nagmute ang lahat. The music stops, the petals which scattered on the floor, the lights, the table, the moon . . everything disappeared as the smile on my face also faded.

Tears started to flow down through my cheeks.

"Mahal kita, Jenina." Ulit nya, sobrang tamis ng ngiti sa twing binabanggit ang pangalan ng pinsan ko.

And then it hits me.

I cried.

Cried . . cried . . and cried. Umiyak ako sa harapan nya, humahagulgol. Mahal kita, Jenina. Paulit ulit na nag-echo sa tainga ko ang boses nya. Kung pano magningning ang mga mata nya sa pagmamahal, saya, at contentment Hanggang sa . . tumakbo ako palayo sa garden, kahit na hindi alam kung saan tutungo. It seems funny. Suot suot ang magarbong gown, tumakbo ako papalayo sa prince charming ko nang umiiyak. Cinderella na sana ngunit hindi tulad ni Cinderella, hindi na ako hahanapin ng prince charming ko sa oras na makalayo ako. Dahil . . hindi nya ako mahal. Iba ang mahal nya. Iba ang prinsesa nya.

Under the moon light, I ran and ran as fast as I could, running away from him. Running away from . . reality.

'He finally said Mahal Kita, but not for me . . but for my cousin.'

And my almost-fairy-tale story ended just like that.

end of prologue

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 15, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mahal KitaWhere stories live. Discover now