Tumango lang ako. I know, mas matalino naman parin talaga si Mishael kaysa sakin. Kaya nga mas lalo akong nahihiya sa sarili basta't andyan siya eh.

Habang naglalakad ay nanlaki ang mga mata ko nang biglang...

"Athalia.. Hey.." napahinto ako sa paglalakad nang may huminto sa harap ko na isang lalake.

"Ronald.." nautal ako. Ilang araw na ang nakalipas ngayon magmula nung... nangyari sa date namin. Hindi ko inasahang magkikita pala kami ulit o magpapakita pa siya sakin.

"Can I.. borrow her for a bit? Kailangan ko siyang makausap." Tumingin si Ronald sa mga kasama ko. Tumingin narin ako kina Rickzyn at nakita kong puro sila nagtataas ng kilay kay Ronald.

"Sandali lang 'to guys. Una lang muna kayo sa cafeteria. Susunod lang rin ako." Sabi ko sa kanila.

Ilang segundo munang nagkatinginan silang tatlo bago pumayag. "Oh sige. Mag-usap muna kayong dalawa kung ano man yang pag-uusapan niyo. Basta't magkwento ka Ath ah? See you!"

Umalis narin sila at sinundan ko sila ng tingin hanggang sa nawala na sila sa paningin ko. Naiwan na ako kay Ronald ngayon.

"Anong sasabihin mo?" Malamig kong tanong sa kanya.

"G-Gusto ko lang sanang humingi ng tawad para dun sa nangyari sa... sa nakaraang date natin." Medyo mahina ang boses niya at nakatingin siya sa baba habang kinakamot kamot ang batok.

"Well..." humalukipkip ako. "H-Hindi ko parin talaga kayang paniniwalaan na... yun lang pala ang habol mo sakin. Pero mali talaga yun Ronald eh. Hindi mo dapat gawin yun sa mga babae. Hindi mo trophy ang.. ang ano namin."

Naiilang ako habang nag-uusap kami dahil nakakailang naman talaga ang topic namin.

"Sorry talaga, Athalia. H-Hindi naman talaga ako ganito mag-isip tungkol sa mga babae eh. Napepressure lang siguro ako sa mga kaibigan ko. I'm such a jerk. I'm really sorry Athalia."

Hindi madaling patawarin ang taong may ganun na intensyon sana sa'yo, pero mukha naman siyang sincere at alam naman niya ang kanyang pagkakamali.

"I'll forgive you as long as you won't do that to other girls from now on. I hope you learned your lesson." At pagkasabi ko nyan, tumingin siya sakin at lumiwanag ang kanyang mga mata sa isang ngiti.

"I told you to stay the fuck away from her, didn't I?" Pero biglang sumulpot si Eleven at malamig ang tingin kay Ronald.

"What the hell is your problem Adanza? We're just talking." Ani Ronald kay Eleven.

"Ikaw ang problema ko. You better leave. Wag na wag mong ipakita sa akin na lumalapit ka kay Athalia ulit kundi babalatan kita ng buhay."

"You don't own her Adanza!"

Nag agree ako dun. Say it, Ronald!

Pero masyadong mabilis ang nangyari at sinuntok ni Eleven si Ronald ng malakas.

What the hell??

"Alam ko. But she sure as hell owns me!" At tumama na naman ulit ang kamao ni Eleven sa mukha ni Ronald.

At nagsuntukan na silang dalawa sa harapan ko at pinagtinginan kami ng lahat.

Hindi ko alam kung anong gagawin dahil nanigas ang katawan ko habang nakatingin sa kanilang dalawa.

"E-Eleven! Ronald! Stop it!" Hindi nagtagal ay nagprocess na ang utak ko para umawat sa kanila.

Nang pumagitna ako sa kanila ay nahihingal-hingal silang tumigil.

The Devirginizer's Lady (COMPLETED) (TDL SERIES #1)Where stories live. Discover now