Nang naramdaman ko ang bag niya na nilagay niya sa gilid ng upuan, napapikit ako. He's never been this close to me ever since!

Dahan dahan akong tumingin sa kanya at nakita ko ang blanko niyang expression habang nakatingin sa board. Nang napansin niya atang nakatitig ako sa kanya ay umiwas ako kaagad ng tingin at nagpanggap na lang na napakamot sa ulo.

Pero nang narealize kong nagkakamot na naman ako sa aking ulo, agad kong binaba ang aking kamay at bumaling sa kanya. "A-Ahh.. Wala po talaga akong kuto! Promise!"

Tiningnan lang niya ako ng tahimik at di ko mabasa ang expression ng kanyang mukha. Kaya ngumiti na lang ako saglit at tumingin na ulit sa unahan, pretending as if I didn't say anything embarrassing kahit medyo napahiya naman talaga ako dun dahil hindi naman niya ako tinatanong kung my kuto ba talaga ako o hindi. Aish! Ang gaga mo talaga Athalia!

"Class, by the way." nagsalita na si Mr. Dao ay nakinig ako. "Today we will chose new lab partners for the rest of the school year. You chose your own partners. I'll give you 10 minutes."

Nang narinig ko ang mga sinabi ni Sir, agad akong lumingon sa ilang mga kaibigan ko, hindi ko kaklase sa subject na ito sina Rickzyn, Rui at Zara pero may iba parin naman akong kaibigan maliban sa kanila. Pero kitang kita ko na na may mga kanya kanyang partner na silang hinanda. Naku, sinong magiging partner ko?

Tumingin tingin pa ako sa paligid at nalungkot ako dahil parang halos silang lahat ay nakahanap na ng magiging partner.

Tatayo na sana ako para maghanap narin.. Pero biglang..

"Aray!!" Napaupo ako ulit sa aking upuan dahil may humigit sakin sa likod ng aking damit.

Lumingon ako at napaawang ang bibig ko nang nakita kong... nakatingin sakin si Mishael. S-Si Mishael ang humigit sakin pabalik sa upuan ko?

"Be my partner." at nang nagsalita siya ay halos mawalan ako ng hininga.

"A-Ano?" Baka nag-iilusyon na naman ako nito.

"Be my partner. Write our names in a one fourth." tipid niyang sinabi at monotonous ang kanyang boses na para bang may lahi siyang robot. Pero kahit ganoon ay hindi ko parin talaga keri ang moment na ito.

Ako? Niyaya ni Mishael na maging.. lab partner? Lord, is this it? Ito na ba yung moment na hinihintay ko upang magiging close na kami ni Mishael?

"Bilisan mo." ani Mishael.

"O-Opo!" mabilis akong kumuha ng ballpen at papel. Nagmamadali akong isulat ang dalawa naming pangalan at tumayo narin ako kaagad. Nakangiti kong ipinasa sa kanya ang papel na may laman ng mga pangalan namin ni Mishael.

****

"OMG! Besh! May progress na kayo nyan!" Masayang sinabi ni Zara matapos kong ikwento sa kanilang tatlo ang tungkol sa pagiging lab partners namin ni Mishael.

Naglalakad kaming apat ngayon sa hallway.

"Bakit kaya naisipan niyang ikaw ang maginging lab partner niya?" Tanong ni Rui.

"Oo nga, eh ang boba naman nitong babaeng 'to sa science eh! Nagkuha pa ng dentistry!" Tawa ni Rui. "Joke lang naman. Hehe. Athalia naman di mabiro."

"Wag niyo nga akong laitin! Mahirap ba talaga sa iyong dalawang magpinsan na magiging masaya para sakin? Mabuti pa si Zara. Tch.." Humalukipkip ako.

"Eh sabi ko nga nagjojoke lang naman kami!" Ani Rui.

"Pero seriously Ath, swerte ka nga talagang naging ka-partner mo yun si Mishael, balita ko matalino raw yun sa science. Ang tataas raw ng mga grades niya last year!" sabi ni Rickzyn.

The Devirginizer's Lady (COMPLETED) (TDL SERIES #1)Where stories live. Discover now