Introduction

61 4 0
                                        

               Hi ako si Suzy Mendoza/Claire Mendoza.Ang Anak Ng may-ari ng M&M company.Dalawa kaming magkakapatid at ako ang bunso.Palakaibigan ako kaya hindi boring ang buhay ko,marami na akong naging kaibigan pero may dalawa akong kaibigan na special talaga sa buhay ko na hinding hindi ko makakalimutan.

  
               Shawn Adrian Trigani
Ang childhood bestfriend ni Suzy na napakabait at ang pinaka gwapong kaibigan na nakilala nya.Mas matanda sya keysa kay suzy kaya palagi nyang pinoprotektahan si Suzy mula sa stepmom nito noong labing tatlong gulang pa sya at labing isang taong gulang pa si Suzy.

                  Dyle Zavellana
Isa sa mga kaibigan ni Suzy.At sya ang pinakamatalik na kaibigan ni Shawn.Magkasing edad sila ni Shawn at parehas din sila ng gusto.Sya ang nagpapatawa palagi kay suzy nung bata pa sila.

Prologo

           Suzy Mendoza POV's
11 years old pa lang ako nun simula nang makilala ko ang dalawa kong matalik na kaibigan na sina Shawn at Dyle.Naging masaya ang panahon ng kabataan ko sa tuwing nakikita at nakakasama ko silang dalawa.Hindi kasi ako kasing saya tulad ng ibang bata sa tuwing nasa bahay ako at wala ang papa ko.

Sa tuwing nasa bahay ako noon wala akong makakausap at makakalaro kahit kuya ko.Ang kuya ko kasi kahit 13 years old pa sya noon napaka matured na ng iniisip nya at ang Stepmom namin ang palagi nyang nakakasama,wala syang oras palagi sakin kaya nagiging malungkot ako at hindi ko nae-enjoy ang sarili ko pero pag walang trabaho si papa,palagi kaming namamasyal sa mall kaya labis talaga ang saya ko pag andyan si papa sa tabi ko,walang makakapantay sa sobrang saya ko sa tuwing inaalagaan ako ng napakabait kong papa.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
May company ang Lolo namin ang Mendoza company.Ang Mendoza company ay ang pinaka malaki sa dalawang company Ng Lolo namin.

Ang kompanyang ito ay ipapamana sa mga apo Ng Lolo namin at wala pa kaming alam kung sino ang magmamana sa kompanya ni lolo.

Linggo ang araw na yun nang pinasyal kami ni papa sa mall at sa park kasama ang Stepmom ko at ang kuya ko.
Napakasaya ang araw na yun para sa akin dahil nakakalaro ko ulit si papa pero ang kinalulungkot ko naman ay ang hindi pagsali ni kuya sa laro namin ni papa,nakaupo lang sya at nakikipag-usap sa Stepmom namin,hindi man lang nya kami tiningnan ni papa at natuwa.

At after ng pasyal namin sa parke at mall,nakatulog ako nun dahil sa haba ng oras ng pamamasyal namin.
Pagdating namin sa bahay agad akong binuhat ni papa mula sa kotse at dinala nya ako sa kwarto ko.
At ang gabing yun ay ang huling Gabi na makasama ko ang papa ko.Sinabi nya sa akin na aalis daw sya at matagal pa ang balik nya.Nalungkot ako at napaluha narin pagkatapos.

Aalis na ang papa ko,pupunta daw sya sa America para daw sa trabaho nya.
Kinaumagahan nun nagising na lang ako na wala na ang papa ko umalis na daw kaya umiyak ako ng umiyak hanggang sa napagalitan ako ng Stepmom ko.

At sa mga sumunod na araw,hindi ko inakalang mapapalayas ako ng Stepmom ko.
Wala akong alam kung bakit nya ginawa sa akin yun ang pagbintangan akong magnanakaw.Nakakalungkot dahil Stepmom lang sya pero may lakas-loob pa syang palayasin ako.

Wala ang kuya ko sa oras na yun at wala din sina Shawn at Dyle para ipagtanggol ako.
Napaiyak na lang ako nun dahil hindi ko na alam ang gagawin ko.

Nagmakaawa ako sa Stepmom ko.
At sinabi ko sa kanya na Mahal ako ng papa ko at hinding -hindi ako papabayaan nun..pero bigla na Lang akong napatulala at napaiyak narin nang sinabi nyang hindi ako Mahal ng papa ko at Ng kuya ko at kaya daw umalis si papa papunta sa amerika ay dahil sawa na syang alagaan ako.

Gumuho ang mundo ko dahil sa mga sinasabi nya.

Hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko kaya umalis na Lang ako dala ang bag ko na tinapon Ng Stepmom ko sa labas Ng bahay.

Umalis ako at pumasyang hindi na babalik tulad ng sinabi ng Stepmom ko.
Isipin ko man na hindi lahat totoo ang mga sinasabi nya..napapaiyak parin ako at nagagalit ako sa sarili ko.

Naglakad ako at kung saan-saan ako napadpad.
Naabutan pa ako ng ulan nun sa kakalakad ko sa gilid Ng kalsada.

Giniginaw ako.
Sa sobrang ginaw ko naisip ko bigla si papa at naisip ko ang mga yakap nya sa akin.

At sa panahong yun hindi ako pinabayaan Ng diyos.May tumulong sakin at dinala nila ako sa bahay nila.
Napakabait nila sakin.Pinahiga nila ako sa kama nila at pinakain at pinainom pa.
Lubos ang saya ko ng makilala ko silang dalawa.Sina Rose Yngrid at Meeka Gonzales.
Ang dalawa kong bagong kaibigan na napakabait at tumulong sakin na palitan ang pangalan ko.Mula sa pagiging Suzy Mendoza,Ako na ngayon si Claire Mendoza!

𝗜𝗥𝗜𝗦𝗔𝗧𝗛𝗘𝗟𝗔

Note: Kindly vote,comment and follow my account!

Thank you:)

Missing YouWhere stories live. Discover now