I LOVED A GHOST

7 3 0
                                        


Isang maaliwalas na linggo ang bumungad sa akin pagbaba ko ng tricycle na lulan ang aking pamilya. Ito ang araw na bibisitahin namin ang aking lolo at lola sa probinsya. Mahigit tatlong bwuan na ang lumipas nang huli kaming maka uwi dito.

Wala pa rin ipinagbago ang lugar. Tahimik pa rin at malakas ang hangin na dumadampi sa aking balat. Dala dala ang bagahe ng damit ko at ng aking kapatid ay pumasok kami sa bahay nila lola tess.

Sa kasikatan ng araw ay may natatanaw ako mula sa labas ng bintana na aking katabi. Isa siyang magandang dalaga na nakatunghay sa gawi ko. Nginitian niya ako. Akmang kakaway ako nang bigla siyang nagtago sa likod ng malaking puno.

Lumabas ako ng bahay nang mayari ang aming pananghalian. Nagtungo ako sa puno na pinagtaguan niya. Sa likod ng puno ay may maliit na bahay.

Sa kyuryosidad ay tinahak ko ang daan papasok sa bahay na iyon. Isang malamig na hangin ang naramdaman ko sa aking likuran kung kaya't bumaling ako doon.

At mula sa aking kinatatayuan ay nakita ko ang dalaga na aking hinahanap. Maganda ang kaniyang mukha. Maputi ang kaniyang balat. Nakasuot siya ng puting bestida ngunit walang sapin sa paa.

"Hi..?" Bati ko sakaniya habang ako ay napapangiti at nabibighani sa angkin niyang ganda.

"Hi." Sagot niya naman na nagpataas ng aking balahibo. Ang tinig niya ay sadyang nakahahalina. Isa siyang anghel sa aking paningin.

"A-anong pangalan mo?" Umayos ako nang tayo at inayos ang buhok ko.

Dahil sa ginawa ko siya ay tumawa kaya lalo akong nabighani sa ganda niya. "Athena" maikli niyang sagot.

"Ahm.. Kurt.. Kurt Flores." Nahihiyang turad ko at pinahid ko muna ang kamay ko sa baro ko bago ini abot ang aking kamay.

Muli siya ay natawa sa aking ginawa bago niya ini abot ang kamay niya. Ang mga palad niya ay nalambot at.. malamig? Ngunit akin na itong binalewala.

Pumasok kami sa loob ng bahay. Kaniya ring sinabi na kaniya ito..

Ang mga oras ay lumipas at inabot kami ng gabi sa pag uusap tungkol sa aming mga sarili.

"Bakit sila namatay?" Tanong ko. Nakaupo kami sa bubong ng bahay niya at tinatanaw ang magandang bwuan at ninanamnam ang katahimikan ng gabi.

"Ang aking ama ay namatay dahil sa atake sa puso, ang ina ko naman ay sa pagod, dala na rin ng sobrang pagtatrabaho mula nang mawala si itay." Malungkot na salaysay niya.

Nag aalinlangan man ay hinawakan ko ang likod niya at hinimas ito. Siya naman ay bumaling sa akin bago inilagay ang ulo sa aking balikat.

Hinawakan niya ang kamay ko at idinampi sa kaniyang hita. Ngunit dahil sa aking respeto sa kaniya ay tinanggal ko ang aking kamay. Tumawa siya sa aking ginawa.

Tumayo siya at naglakad papasok sa bintana na aming dinaanan kanina kaya sumunod ako sa kaniya. Isang kwarto ito sa itaas ng kaniyang bahay.

Hinawakan niya ang kamay ko at inilagay sa kaniyang balikat patungo sa kaniyang batok. Hinawakan niya ang mukha ko at saka ako sinili ng halik.

Akin siyang pinipigilan ngunit nadadala ako sa ginagawa niya sa aking katawan. At nang hindi ko na mapigilan ang aking sarili ay ako na mismo ang naghiga sa kaniya sa kama at doon ko siya unti unting pinaligaya.

Nagising ako na siya ang katabi. Napangiti nang maalala kung gaano ko siya napaligaya. Aking hinawi ang kaunting buhok na tumabang sa kaniyang magandang mukha.

Gumalaw siya at yumakap ng mahigpit sa akin. Doon ko napagtanto na hindi pa pala kami nakasuot ng aming damit. Pinagmasdan ko ang maganda niyang pilikmata habang siya ay tulog at nakayakap sa akin.

Namamasyal kami sa bukirin. May nakita siyang batuhan kaya doon kami naupo. "Ang ganda mo." Totoong namamangha ako sa ganda niya. At sa tingin ko rin ay ayoko nang iwan siya.

Bumaling siya sa akin at ipinakita ang maganda niyang ngiti. "Salamat ginoo." Aniya.

Noong una ay ipinagtataka ko kung bakit masyadong malalim ang kaniyang pananalita pero binalewala ko na lamang iyon.

Nang dumating ang hapon. "Kurt. Kailangan mo nang umuwi. Hayaan mo tayo ay magkikita pang muli." Aniya at hinalikan ako sa labi. Tinugon ko ang halik niya. Humawak ako sa baywang niya upang palalimin ang halik ngunit tinanggal na niya ang labi niya sa akin.

Naglakad na ako pauwi sa bahay ng aking lolo at lola. Sumalubong sa akin ang aking ina na tila kaytagal namin na hindi nagkita. Niyakap niya ako. "Kurt! Bata ka saan ka ba nanggaling?!" Sigaw niya matapos bumitaw sa pagkakayakap sa akin.

Lumabas ang aking lola mula sa kusina at niyakap din ako. Nakakagulat ang mga pangyayari. "Kurt apo. Saan ka ba nanggaling? Dalawang linggo kang hindi umuuwi!. Sabihin mo sa akin. Saan ka nanggaling?" Tanong ni lola tess.

Nagulat ako sa sinabi ni lola. "D-dalawang linggo? P-pero dalawang araw lang ako kila Athena.." sagot ko sa aking ina at lola na nakatunghay sa akin.

"Athena? Ang nakatira diyan sa likod ng malaking puno ng mangga?" Tanong ni lola tess. Tumango ako.

"Apo. Hwuag ka nang lalapit doon. Patay na si Athena. Pitong taon na ang nakaraan."

The End~

Вы достигли последней опубликованной части.

⏰ Последнее обновление: May 04, 2025 ⏰

Добавьте историю в свою библиотеку, чтобы получать уведомления о новых частях!

I Loved A Ghost (oneshot)Stories to obsess over. Discover now