"Love, please!" sigaw pa niya

Tumayo ako at pumuntang living room.

"What are you doing here?" tanong ko ng makalapit ako sa kaniya.

Hinawakan niya yung kamay ko. "Love, let's go home," naiiyak niyang sabi.

Binawi ko yung kamay ko na hinahawakan niya at tinignan ko siya sa mata. "No. Dito ako matutulog kaya umuwi ka na sa condo mo."

"But you're my home," I don't know if I'm hallucinating, but I saw teardrop fell down from his ash-like eyes. Umiiyak siya?

"Umuwi ka na," pinatigasan ko yung damdamin ko dahil kung hindi baka masanay siya na ang dali ko lang siyang patawarin.

Hindi ko na hinintay ang dapat niyang sabihin dahil tumakbo na ako patungong kwarto. Hindi ko kaya. Hindi ko kaya na makita siyang nasasaktan. Doble yung epekto sa akin.

Pagkapasok kusa na lang nangligid yung mga luha ko. Ang bigat sa pakiramdam na makikita mo yung mahal mo na nasasaktan.

Umupo ako sa kama dahil parang ng hihina yung mga tuhod ko. Narinig ko na bumukas yung pinto.

"Insan?"

Pinunasan ko yung mga luha ko. "I-insan, ikaw pala."

"Nadoon pa rin yung asawa mo sa sala. Hinihintay kang bumaba."

"Hindi ako bababa, at hindi ako uuwi sa condo."

"Insan, why don't you listen to his explaination? Hindi mo pa naman diba naririnig yung side niya?"

Natigilan ako. Tama si insan, hindi ko pa nga siya hinahayaang magpaliwanag.

"Sige na, Azriela. Kulang lang kayo sa kumunikasyon. Kung ako sayo kausapin mo siya. Pakinggan mo lahat ng sasabihin niya. Pero kung totoo nga lahat ng sinasabi nung malanding yun. Siguro makipahiwalay na ka sa kaniya, insan."

Tumango ko. Tama si Danica. Hindi 'to matatapos kung magmumukmok lang ako rito.

"Sige, insan uwi na ako. Ingat ka dito. Tawagan mo ako kung kailangan mo ng tulong."

Tumango rin siya. "Ingat kayo sa biyahe."

I gave her a small smile at lumabas na sa kwarto.

Naabutan ko Raviel na naka upo sa sofa habang pinupunasan yung mukha. Umiiyak parin siya?

Tumikhim ako para agawin yung atensiyon. Nang makita niya ako, agad siyang tumayo at inayos yung sarili.

"L-love. Ikaw p-pala," nauutal niyang sabi.

"Uwi na tayo."

Napansin kong natigilan siya pero nakabawi din agad sa pagkabigla. Hindi ko na siya pinansin at nauna nang lumabas ng bahay.

Sumakay ako ng kotse niya saka hinitay na lang siya. Hindi nagtagal, sumunod siya.

"I'm sorry, Lov-"

"Sa condo na lang tayo mag-usap," sabi ko ng hindi parin siya tinitignan.

I saw in my peripheral vision that he sighed deeply and nod.

Tahimik lang kami sa biyahe. Ni isa walang may nagsalita sa aming dalawa hanggang makarating kami sa parking lot ng condominium.

Nauna na ako lumabas at naglakad na para bang wala akong kasama.

"Love, wait up."

Nagpatuloy lang ako sa paglakad. I didn't attempt to turn my back at him.

Settled Down to a Stranger (Completed)Where stories live. Discover now