Chapter 01

39 1 0
                                    

Nick’s POV


“Hay kahit kaylan talaga tong Harris na to ang napaka  tagal” inis kong sabi nandito ako ngayon sa labas nang gate sa school, bakit ko ba kase hinihintay yung Harris na yun sabi nya saglit lang e halos isang oras na akong nag hihintay rito.


Kung hindi nya lang ako ililibre hindi ko yun hihintayin, hayssttt bakit ba kase napaka dali kong masilaw sa pag kain.


Hulaan ko pumunta nanaman ang lalakeng yun sa love of my life nya na hindi naman sya na aalala sinundan nya yung babaeng yun bakit kaya patay na patay sya run, parang bakla yang si Harris.


Yucks love life saan nya ba na kukuha ang salitang yun kadiri hah.


Habang nag hihintay ako may dumaang mga grupo nang mga babae, uy chicks kinindatan ko sila halos na mula naman silang lahat.


Kahit kaylan talaga walang kupas ang ka gwapuhan ko inayos ko ang buhok ko naka titig parin ang mga babae sakin kung ice cream siguro ako kanina pa ako tunaw.


Habang nang nag papa cute ako sa mga babaeng ka ka harap ko ngayun na hindi na natuloy mag lakad at himinto sa harap ko medjo malayo naman sila kapag napapakagat labi ako kinikilig naman sila.


May roong dumaang namang anghel sa ganda di alam kung ilang sigundo na akong naka titig sa kanya.


“Kung gagawa kayo nang kalaswaan wag dito sa daan pwede ba? Merong Hotel namang malapit jan” sabi nang mala anghel na babae.


“Hi I’m Nick—”


“Wala akong pake alam umalis nga kayo haharang harang kayo sa daraanan ko!” inis nyang sabi


“Huy ano kaba Lucy wag ka namang ganyan hindi sayo tong daan” bulong nang babae nyang kasama “Pasenya na po hehe” sabi nang mabait na babae na maganda rin kaso mas kumuha nang attention ko yung Lucy ang pangalan.


“Whatever tara na nga” sabi naman nung Lucy ang pangalan sa kaya nya hinila ang kamay nang kasama nya.
Mag sasalita pa sana ako kaso medjo naka layo na sila, mala anghel ang muka nya kaso ang ugali nya pag demonyo.


Mapaka sungit hah kaso diko matangal sa utak ko ang napaka ganda nyang muka.

Lucy.



Lucy’s POV


Nakaka pagod naman ngayong buong araw hayast, naka upo ako ngayon dito sa may sasakyan namin pauwi sa bahay ayaw ko pa sanang umuwi gusto ko pa sanang mag tambay muna sa library kaso yung malandi kong kaibigan alam kong iba ang aatupagin dun.


Kaya umuwi na kami kahat ayaw ko pa wala din naman akong mapupuntahan na iba iisa lang naman ang best pren ko saka yung nag iisang pinsang ka close ko hindi pa pala salita mas gusto nun na mag tambay sa club or sa bar nya.


O diba napaka saklap nang buhay ko, kinuha ko cellphone ko sa may bag wala din naman akong ginagawa pag open ko nang Instagram eto nanaman tayo napakadaming nag me message sakin kung marami dito mas marami sa messenger ko puro mga lalake pa katulad nang dati makiki pag kilala tapos manliligaw sila, like duh bat hindi muna sila mag aral mamatay ba yang mga yan kapag walang love life? So pathetic.


Kaya lang naman ako nag download nang Instagram, twitter saka Facebook para masubay bayan ko ang idol ko gusto kong maging katulad nya kaya sana Lord matanggap ako sa audition ko sa sabado gustong gusto ko talagang pumunta sa France saka maging katulad nang idol ko na isang magaling model.


Para maka alis na ako sa mala impiyerno naming bahay nag simula nanaman akong ma bwist kase malapit nanaman kami sa bahay namin, pag ka tigil nang sasakyan namin agad agad akong bumababa saka ako dere deretsyong pumasok nakita ko si mama nasa may sala naka hawak nang cellphone nya halata g may tinatawagan nanaman na pansin nyang dumaan ako saka nya ako tinawag.


“Lucy anak naka uwi kana pala mag bihis kana hah pag katapos nun kumain kana hahanapin ko lang papa mo, nag aalala na ako sa papa mo bat hindi ba sya umuwi kagabi” nag aalalang sabi ni mama lumapit ako sa kanya saka ko sya tinabihan.


“Mama hindi kaba napapagod mama? Mula bata ako hindi na nag bago si papa hindi ka nya sina saktan sa physical pero sa emotional oo, dika ba napapagod mama? Parati na lang sa iba umuuwi si papa sa mga babae nya di kana nya ni respeto bilang babae mama” halos maiiyak kong sabi.


“Anak mahal ako nang papa mo at mahal ko sya” mahina hon nyang sabi.


“Mahal? Asan ang pag mamahal dun ma? Parati ka nyang sinasaktan yun ba ang pag mamahal na sinasabi mo mama?” may halong inis kong sabi.


Totoo naman e kung mahal mo dapat hindi mo sya saktan, oo ngat ka kambal nun ang pag mamahal kaso sobra sobra na ang naranasan ni mama masyado nyang pina pamuka ni papa na kayang kaya nyang saktan si mama, minsan pa nga noong 10th birthday ko masaya ng masayang masaya ako nun kaso sinira lahat ni papa nag dala sya nang babae nya pinapunta ako ni mama sa kwarto kasama ang yaya ko, at aksedente kong nakita noon na umiiyak si mama na naka luhod sa harap ni papa saka nag mamakaawa kay papa at sa babaeng kasama nya, hindi ko maintindihan noon.


At mas lalong hindi ko maintindihan ngayon alam kong grabe ang mga pinag daanan ni mama pero heto parin sya patuloy na nag mamahal kaya papa.


Ano bang special sa pag mamahal na yan?


“Anak hindi mo malalaman ang nararamdaman mo kapag hindi ka pa nag mamahal nang totoo” sabi ni mama


“Iwan nalang kaya natin si papa, mama sabagay hindi rin naman sya umuuwi e” sabi ko sa kanya.


“Hindi pwede anak kaylangan tayo nang papa mo” sabi nya.


“Kaylangan? May lugar paba tayo sa kanya? Hindi mama sadyang martir ka kalang” medjo inis kong sabi.


“Anak wag mo akong pag sasalitahan nang ganyan hah?!” sabi ni mama


“Sorry mama, akyat po muna ako sa taas” sabi ko


Hindi ko na hinintay ang sasabihin ni mama umakyat na ako sa ako pumasok sa kwarto ko saka nag linis nang tawan nang pag katapos humilita ako sa may kama naka titig ako sa kisame pumasok ulit sa isip ko ang sinabi ni mama.


Kaylangan tayo nang papa mo, kaylan makikita ni papa ang halaga namin ni mama kapag patay na kaming dalawa? Saka nya titigil sa mga ka gaguhan nya or wala parin syang pake alam baka nga mag pa parti pa yun e.


Hanggang ngayon hindi ko parin maintindihan na bat kaylangan nilang maging tanga or martir sa isang tao na hindi naman nakikita ang halaga nila.


Tss walang kwenta basta ako hinding hindi ko hahayaang may maka pasok na katulad ni papa sa buhay ko, saka sisirain ang tahimik at mapayapa kong buhay sapat na sa akin si mama, bestpren at naiisang pinsan na ka close ko.


My first opportunity is my goals before landi duh.....








A/N: hi/hello Hehehe Salamat sa nag hintay dito kung meron man
At higit sa lahat Salamat sa mga naligaw dito hehehe
Goodnight😍

A Man HaterΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα