Pilitin mang limutin ang nakaraan
Paulit-ulit ding babalik sa isipan
Ano ang dapat na gawin?
Upang tuluyang matangay ng hangin
Ang sakit at kirot na dinadaing.
Minu-minuto, hawak-hawak ang kanyang larawan
Inaalala mga araw na nagdaan
Ngumingiti ng kusa ang labi pag nasisiyahan
Ngunit isang saglit, napalitan ng kalungkutan.
Kailan ba?
Kailan ba matatapos ang hinagpis ng pusong bigo?
Kailan ba?
Kailan ba magbabago at tuluyang tanggapin ang pagkatalo?
Tuwing gabi lagi na lamang lumuluha
Walang tigil na bumubuhos paibaba
Mga matang labis na naghahanap ng kalinga
Na tanging sa kanya lang makikita
Sarili ay di maintindihan
Bakit labis pang dinaramdam?
Mga alaalang nagdulot ng kapighatian
At iniwan ang pusong bigo at sugatan
Makakaya pa kayang iahon ang sarili
Mula sa matinding pait ng kahapon?
ESTÁS LEYENDO
Tulang Atin (Filipino)
PoesíaIba't ibang mga tula na nakasulat sa wikang Filipino na may sari-saring genre.
