"Belinda ano ka ba baka naman kasi nasaktan lang yun kasi hindi niya ineexpect na nandito si Lexter which is yung taong ayaw niya na kasama mo"
Pagpapaliwanag pa ni Lana

"Oo nga Lind,kilala at alam mo naman siguro ang nangyari noong naglihim ka tungkol kay Lexter noon at baka yun din ang akala niya na nilihim mo sa kaniya ito....try to talk to him sa personal"
Pag sang ayon pa ni Nessa

Pareho naman silang tama

Baka nga yun ang dahilan kung bakit nagka ganun si Liandro

Alam ko na hindi mawawala yung ganung pag iisip kay love

Pero siya lang ba ang nasasaktan pag ganito kami,hindi e ako din at mas masakit pa para sakin dahil pakiramdam ko wala yung trust niya sa akin.

"Paano ko siya makakausap? Hindi pa nga tapos yung seminar hindi ba at tsaka hindi ko kayang matulog ngayon ng ganito kami"
Nilalabanan ko ang hikbi ko para makapag salita ng ayos sa harapan nila

"Alam ko na"
ani pa ni Lana na parang may magandang idea

"Ano"
Sabay pa naming tanong ni Nessa

"Why don't you leave some message for him through text for sure mababasa niya yun ngayon hindi ba"

Kung nababasa niya bakit hanggang ngayon wala pa rin reply!

"Hindi nga ako nirereplayan...tapos wala din siyang call back"
Nakasubsob na ang mukha ko sa aking mga palad

"Lind ganito nalang,tutal pagod ka rin ngayon...palipasin mo muna yung gabi bukas na bukas ihahatid ka namin sa airport para makauwi kana"
Seryosong sabi ni Nessa

Nag-angat naman ako ng tingin dito at binigyan ako ng ngiti

"Pa-ano?"

"Shhh kami na ang bahala ni Lana we can handle it at tsaka tapos naman na yung conference bukas may activity nalang"

Nangiti naman ako dahil doon mas gumaan ang pakiramdam ko

Mabuti nalang may mga kaibigan at pinsan akong masasandalan sa ganitong problema namin ni love

Sana naman maabutan ko si love sa bahay pag uwi ko!

"Thank you sa inyo"
Ani ko at kaagad na yumakap sa dalawa kong taga salo

"Okay lang yun Belinda,basta para sa family mo"
Ani Lana

Natango tango naman ako habang naglalakad na kami pabalik sa kwarto

Makain sana kami pero wala naman na din akong gana kumain

Gusto ko na matulog at maaga gumising bukas para makauwi at makita si love.

Gusto ko ng makausap siya dahil hindi ko talaga alam ang gagawin ko....ayoko ng may tampuhan kaming dalawa




Vanessa's POV

"mabuti naman nakatulog na din si Lind"
Nag aalala ko pang sabi habang kinukumutan ang napaka mapag mahal na kaibigan ko

Actually I am super duper proud of her,hindi biro pagsabayin ang trabaho at pamilya lalo na pag nagsisimula palang...

And sa nakikita ko,she's doing her very best para lang magawa yun

Unfortunately hindi laging kaya at hindi laging madali para sa kaniya knowing that she dreamed of having a family siguro that's why ginawa ni Homer ang lahat para makaalis si Belinda sa office

She's one of the lucky wife for having a man like him.

"Vanessa may natawag sayo"
Ani Lana na nasa likuran ko lang habang pinagmamasdan ang natutulog na pinsan

UNDYING YOU Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon