We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.

Prologue

185 5 0
                                        

"Anak mag iingat ka dun ha? Wala kami dun para sayo" bilin sa akin ni mama.



"Si mama talaga. Parang sa manila lang naman ako ma"



"Kahit na! Basta wag mong kalimutan na magpadala ng mensahe ha?"



"Oo naman ma"



"Oh sige pasok ka na sa bus baka mapag iwanan ka na naman! Iniwan ka pa naman ng nobyo mo"



"Mama!"



"Eto naman di mabiro hindi ka naman talaga iniwan kase wala ka namang boyfriend."



Yan! Ganyan magaling si mama ang ipamukha sa akin na wala akong boyfriend!



"Ewan ko ma! Alis na ako! Tsupi!"



Pag katapos naming magpaalam sa isa't isa pumasok na ako sa loob ng bus. Ngayon ang byahe ko papunta sa manila dun na ako mag aaral sa makalawa na ang pasok. Si papa na ang nag asikaso ng papeles ko para sa papasukan kong eskwelahan. Okay na ang lahat pati matitirahan ko meron na. Gustong gusto kong mag aral sa manila pangarap ko yun simula pa nong bata ako! Never pa akong nakapunta sa manila. Iniisip ko tama ba na sa manila ako mag aaral? Kaya ko ba? Iisa lang ako dun wala sina mama at papa dun. Hays namimiss ko na sila! Si papa di nakapunta kanina dahil di niya pwedeng iwanan yung trabaho niya kaya si mama nalang ang pumunta para ihatid ako sa bus. Si mama naman may sarili siyang flower shop maliit lang yun pero mabenta yun. Hindi kami mayaman hindi rin kami mahirap sakto lang middle class kumbaga. Nabibili nila lahat ng mga kailangan namin at napag aral na rin nila si kuya na ngayon ay nasa london nagtratrabaho bilang doctor.



Sa tigin ko malayo pa ang byahe kaya inilabas ko nalang ang earphone at cellphone ko para magpatugtug nakakarelax kase pag may sounds habang nasa byahe ka kaya lagi kong dala dala ang earphone at cellphone ko san man ako pumunta. Pumikit nalang ako hanggang sa lamunin na ako ng antok.



Nagising ako dahil sa sigaw ng conductor. Bababa na pala. Agad kong kinuha ang mga gamit ko at lumabas naghanap kaagad ako ng masasakyan agad naman akong nakakuha nagpahatid na ako sa napili ni papa na apartment.



Agad akong nagbayad sa driver ng marating namin ang aking tutuluyan kinausap muna ako ng may ari pagkatapos ay ibinigay sa akin ang susi. Dumeretso na ako sa loob at pumanhik na ako sa kwarto dalawa lang naman ang kwarto dito mas pinili ko ang malaki syempre sino ba naman ang aayaw sa malaki diba? Mas malaki mas masarap....tulugan hehe. Naligo muna ako pagkatapos ay humiga na hindi ko namamalayan na nakatulog na pala ako.



Nagising ako dahil sa gutom ko hindi pa pala ako kumakain mula kahapon nakalimutan ko siguro dahil sa antok ko umaga na pala bukas na ang pasukan hindi pa ako nakakabili ng mga gamit ko pang eskwelahan kaya agad akong nagluto salamat naman ay may mga pagkain sa ref pagkatapos kong kumain ay naligo na ako bibili ako ngayon ng mga school supplies ko.



Pagkatapos kong nagbihis ay pumara na ako ng masasakyan papunta sa bookstore agad naman akong nakarating agad akong kumuha ng push cart kinuha ko lahat ng mga magagamit ko sa eskwela binilisan ko na dahil andaming tao ang init pa. Nang matapos akong nagbayad ay lumabas na ako at pumunta sa boutique bibili ako ng damit ko dahil kunti lang ang kinuha ko. Pumili na ako ng mga damit na babagay sa akin syempre kahit papano may taste rin ako pagdating sa mga fashion.



Pagkatapos kong bumili ay agad akong umuwi grabe ang init! Inilapag ko ang mga pinamili ko at uminom ng tubig pagkatapos ay naligo na ako dahil feeling ko ang lagkit lagkit ko!



Nang matapos akong naligo nagluto na ako ng makakain ko gutom na gutom na ako kaya yung mas madaling lutuin na ang linuto ko well kahit papano alam kong magluto pinapanood ko si mama pag nagluluto siya. Namiss ko tuloy ang luto niya.



Dance in the waves (CALCUEGO SERIES #1)Stories to obsess over. Discover now