Noon naman napabalikwas ng bangon ang ke gwapo gwapo kong boyfriend na kagigising pa lang eh mukha nang model ng Axe. "Natalie, are you okay? Is something wrong?" mabilis na dinaluhan n'ya 'ko sa kama.

"Ang sakit lang ng ulo ko." parang bata na reklamo ko habang hinihilot ang sentido.

Tumalikod s'ya at may inabot na kung ano sa bedside table. Binigyan n'ya ako ng isang banig na aspirin at isang bote ng mineral water na agad ko namang tinanggap. "Inumin mo na 'yan para mawala ang hangover mo."

Hangover?

Napapikit ako ng mariin nang unti unting maalala ko ang nangyari kagabi. "Naglasing ako, nagwala ako sa kwarto mo at niyaya kitang magsex. Nangyari ba talaga 'yon? Please, utang na loob sabihin mo sa'kin na panaginip lang lahat ng 'yon!" sabi ko habang nakatakip ang magkabilang kamay ko sa aking mukha. Alam kong namumula na 'yon sa sobrang hiya.

"I could say that, but that would be lying, so..."

Impit na napatili ako. "Sorry, Caleb!! I'm so so sorry!!" napapadyak pa 'ko habang inililibing ko ang mukha ko sa palad ko. Wala akong sapat na kapal ng mukha para harapin si Caleb ngayon.

I heard him laughing. "It's okay, sweetie.."

"Hindi 'yon, okay!! Nakakahiya!" I shoved him without looking at his face. Hiniling ko na sana bumuka ang lupa para lamunin ako at nang makaligtas ako sa kahihiyan na ito!

"Ano ka ba? As if naman hindi pa kita nakitang nalasing?" niyapos n'ya ako at ipinatong ang baba n'ya sa balikat ko habang sige ang pagpiglas ko. He chuckled. "You were so funny last night, sweetie."

"Wag mo na ipaalala! Leche ka!" tinulak ko ulit s'ya pero lalo lang humigpit ang yakap n'ya sa'kin.

He kept laughing against my shoulder. "'Wag ka nang mahiya sa'kin, Natzkie. I'm already used to seeing you like that. Nakakatuwa ka tuwing nababaliw ka. Sobrang totoong totoo ka. Kaya mas lalo tuloy akong nababaliw sa'yo."

"Heh! Tumigil ka!" singhal ko sa kanya kahit pa ang totoo, kilig na kilig nanaman ako. "Hindi mo ko madadaan sa pagpapacharming, Caleb Damien Yung."

"Sa'n mo ba gusto kitang daanin? Sa dahas?" tudyo pa niya.

"Hay nako! Tumigil ka na!" kumalas ako sa kanya at tumayo mula sa kama.

"Oh bakit? Kagabi lang..." he trailed off. Ang mga mata n'yang mapanukso ay humagod sa katawan ko. Mula ulo hanggang paa. Mas lalo tuloy namula ang pisngi ko. Mabuti na lang at mahaba ang tshirt na suot ko kaya natakpan ang dapat takpan.

I winced as I remembered him bathing me and putting me in these clothes. Brief ni Caleb ang suot ko! Para narin kaming... Ahh! Natalie, 'wag ka muna lumandi please lang!

Humalakhak si Caleb na tila ba nababasa ang nasa utak ko. He even rolled his lower lip between his teeth as he checked me out. Anak ng—! Paano ka naman hindi magiging malandi kung ganito kalandi ang boyfriend mo? Tinamaan ng magaling!

Tinaas ko ang magkabila kong kamay. "Enough! Stop—ugh! Stop teasing me! What happened last night.. Was.. Uhh.. Basta, I don't mean what I said, alright? Lasing lang ako—"

"Sweetie? Will you please calm down?" nakangiting lumapit s'ya sa'kin. Inay! Ang gwapo! At bakit ngayon ko lang napansin na half naked s'ya? Tanging isang abuhing sweat pants lang ang suot n'ya at nakahantad sa mga mata ko ang sexy n'yang katawan. Teka, mukhang nagbago na ang isip ko. Gusto ko na ulit makipag—Ugh! Natalie, focus! 'Wag ka magpadala sa abs n'ya!

"Okay ka na ba, Natalie? Are you done checking me out—I mean, freaking out?" napakagwapo n'ya sa paraan ng pagkakaangat ng isang sulok ng labi n'ya. Para tuloy gusto ko s'yang halikan tapos magparape na din.

Steal thy heart (PUBLISHED BY BOOKWARE)Where stories live. Discover now