Ika'y tumingala at iyong makikita
Mga bituin ay nagniningning
Ngunit mas nais kong tumingin
Sa iyong mga mata
Na walang kasing ganda
Pero tila'y mali
Mga puso ay nakatali
Sa hindi tamang pag-ibig
Nang dalawang taong walang naririnig
Kundi ang sariling nais
Subukan na nating umalis
Pareho tayong nakabigkis
Sa relasyong walang patutunguhan
At pagkawasak ang hahantungan
YOU ARE READING
Chaotic Minds
General FictionPapipiliin kita, masaktan ka o makakasakit ka ng iba? Saan nga ba hahantong ang relasyon ni Aila at Anton? Ating subaybayan....
